Dave's POV
"Please, stop it Dave." Sabi ni Trisha.
Hahahahahahahahaha. Natatawa ako sa isip ko. Eto naman kasing si Trisha, kung ano ano iniisip. Pero inexpect ko na yun. Hahahahahahahahahaha.
"Anong stop it?" Tanong ko na nakatingin sa kanya.
"Yang ginagawa mo."
"Ano bang ginagawa ko?"
Tinulak ako ni Trisha.
"Ewan ko sayo!" Sabi nya sakin.
"Eh ano bang ginagawa ko sayo? Kukunin ko lang naman ung headseat ko sa likod mo."
Tumingin sya sa likod nya at nakita ang headseat ko.
'Hahahahahahahaha. Ikaw Trisha ah, kung ano ano iniisip mo. Pero ayos lang, makaka date naman kita ng 100 days right?"
"Tssss."
Dumating na yung mga kasama namin.
"Oh bro, kamusta?" Bati sakin ni Red.
Etong si Red kasama ko din to sa sayaw. Puro kalokohan ang alam pareho sila ni Philip. Si James naman sya ang singer sa grupo namin. At si Liam ewan ko dun, may sariling mundo lagi.
"Okay naman, gwapo pa rin."
"Ang hangin mo talaga pre."
Totoo naman yun eh.
Napalingon si Red kay Trisha.
'Oh Trisha ikaw pala yan."
Tinarayan siya ni Trisha. Hahahahaha. Siguro affected sa nangyari. Nabitin siguro.
"Okay guys! Let's start!"
Ako ang Leader sa grupo. Hmmm. Mga 16 kaming nasa grupo ngayon. Pinili ko lahat ng mga magagaling.
Naka buo na ko ng mga steps at ituturo nalang sa kanila yun.
Tinuro ko sa kanila lahat ng steps. At agad naman nilang na gets yun.
Tsss. Dapat lang!
May part dun na mag ka partner kami ni Trisha. Hahahahahaha. Sinadya ko yun para mainis siya. Ewan ko ba, pero natutuwa ako pag nakikita siyang naiinis. Hahahahaha! Ang sama ko talaga.
Natapos na ang practice. May mga mali pa rin. Pero naiintindihan ko naman. Kasi bago palang. Pero alam kong makukuha din nila.
"Okay guys! Let's end it here. Thanks sa pakikisama. Aaminin ko na may mga part pa na ang gulo gulo nyo. At nagkakamali. Pero naiintindihan ko naman. Next practice, text ko nalang kayo. Okay? Bye."
Mabait ako pag dating sa grupo ko. Alam nyo kung bakit? Syempre. Kailangan naming manalo no! Mabait lang ako kapag may kailangan hahahahahaha. Pero wag lang nila akong try galitin. Iba ako magalit.
"Byeeee!" Bati nilang lahat. Pwera lang si Trisha.
Sungit talaga.
"Trisha. Stay here." Sabi ko.
"And why should I?"
"Dahil sinabi ko."
"Di pwerket tatay mo ang may ari ng school na to. Pwede mo na kon ganituhin okay?"
A-alis na sana siya nang hinatak ko sya pa-palapit sakin.
"May kontrata tayo, Trisha."
"Hindi naman yun totoo! And wala kang..."
Natigilan siya nang makita si Red.
Dala nya ang kontrata.
Syempre inutos ko. Alam ko na ganito na ang mangyayari eh. Hahahaha.
"Trisha, pinirmahan mo to. Alam na nang mga kaibigan mo. At barkada namin ang lahat. Kaya pag nalaman nila na hindi ka tumupad sa usapan, iisipin nila na wala kang isang salita."
"Whatever!" Masungit na sabi niya.
"Bakit, Trisha? Natatakot ka ba na mahulog kay Dave? Hahahahaha. Come on, Trisha you're so weak."
"Oh sige. Payag na ko! Gusto ko lang i clear ang mga bagay bagay. Una sa lahat hindi ako pumayag noon, kasi panggulo lang yang si Dave sa buhay ko. I don't need a man in my life! Di ako katulad ng mga ibang babae! At pangalawa pumayag ako, para patunayan sa inyo, na hindi ako ma i-inlove sa mga lalaki, lalong lalo na kay Dave! I'm not weak!"
Hahahahahaha. Ang dami niyang sinabi. Papayag din pala. Tsss. Pero ang galing ni Red ah. Napapayag niya. Hahahaha.
"Dami mong sinabi. Oh, so kung sino ang unang ma i-inlove siya ang talo ah. Game?" Sabi ni Red.
"GAME!" Sigaw namin ni Trisha.
Tssss. Akala naman nya matatalo ako. FYI, di ganong klase ng babae ang gusto ko!
To be continued.
BINABASA MO ANG
The One Who Fall Inlove First (COMPLETED)
Teen FictionHighest Rank Achieve: #56 in Teen Fiction Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang talo. Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang mahina. Kung sino ang unang mahuhulog Siya ang malambot ang puso. Eh paano kung pareho silang nahulog? Pareho ba silang...