PART 2

199 3 0
                                    

--

Kinabukasan parang binibiyak labi ko sa sakit dahil sa sugat. Hindi ko alam kung paano ko papasok at haharap sa ibat ibang kliyente na may pasa ang kaliwang pisnge ko. Ang taba ba naman ng kamao ng mukhang haloblocks na sumapak sakin. Ang laki niyang bwisit sa trabaho ko pero kung maayos ang suot ng babae na nakita ko, sana hindi putok labi ko ngayon.

" jo hindi ka ba papasok "sigaw ni nanay mula sa labas ng pugad ko.

Tumayo na ako para maligo, tinakpan ko ng tuwalya pisngi ko para hindi makita ni nanay.

" te anong ngyari sa pisngi mo, kumain ka ba ng halaya ?"-tumatwang tanong ni jenny na pilit tinatanggal ang tuwalyang tinatakip ko

" jenny tan*ina tigilan mo ko !ang aga-aga"asar na sabi ko , hinatak niya ang tuwalya at tumakbo sa likod ni nanay habang tumatawa

" jo anong ngyari diyan? Akala ko tinalikuran mo na pagiging basagulero sino may gawa niyan ? Sino ?! " -galit na sabi ni nanay na akmang tatayo, tawa pa din ng tawa si jenny na ng aasar. Kaya dinidilatan ko siya ng mata para patigilin.

" wala to , anong almusal ? " tanong ko, pumasok na ko sa banyo para maligo

" wala nga, ang tagal mo kasing magising, hoy jenny isabit mo na ang tuwalya sa banyo bago ka bumili "-sabi ni nanay

"Jen kuha ka na lang singkwenta sa wallet ko, bili ka na lang pandesal tiyaka kape " -sigaw ko habang naliligo . Hindi ko pa din makalimutan ang babae kagabi. Para siyang takot na takot, parang takot sa tao na naiiyak na dahil wala siyang magawa. Napapangite na may halong kilig habang naiisip ko siya

" wala ka bang pasok jen "-tanong ko habang pinupunasan ulo ko

" jhoanna bumili ka nga ng pantalon mo, isang sinulid na lang hindi pumipirma diyan ah "-singit ni nanay habang nakatingin sa pantalon ko

" hahaha nay, kahit nga isang sinulid nilayasan na pantalon niya sa sobrang luma hahahaja " - tumatawang sabi ni jen , binato ko sa mukha niya ang tuwalya na gamit ko

" ano ba yan pati tuwalya, butas butas na "- ika ni jen, tumawa ng maliit si nanay na parang ayaw ipakita sakin , umupo na ako sa lamesa at nagtimpla ng kape

" jen hindi ka pa ba maliligo ?sabay ka na lang sakin para makatipid ka "-sabi ko habang sinasawsaw ang pandesal sa kape


" bakit ? Papasyal tayo ? Sunday ngayon at holiday bukas"- sabi niya habang puno ng pandesal bibig niya


"E bakit hindi niyo sinabi ? "asar na sabi ko , nagtawanan silang dalawa ng malakas na parang wala ng bukas

" nagtanong ka ba ? Naalog ata utak mo dahil sa sapak mo hahahaj" Tumatawang sabi ni nanay, nag apir pa sila ni jen habang sabay nagtatawanan . napapailing na lang ako sa tawa nila, na papangite ng konti.


" si tatay bumyahe ba ? "-tanong ko habang hinihigop ang kape


" hala ayon , laseng na naman, mas gugustuhin ko pang matulog na lang siya kesa bumabyahe nga wala naman dala kahit kalahating kilo ng bigas" -inis na sabi ni nanay habang tinuturo ang kwarto nila


" byahe muna ako nay " -paalam ko , tumayo na ako para kunin wallet at cellphone kong 1100 sa kwarto.


"Te sama ko "-paawang mukha ni jen


"May kailangan ka ?"-tanong ko habang sinusuot sinturon ko , tumango siya at ngumite.


" magkano ? "Tanong ko , sinindihan ko ang yupi kong sigarilyo habang nakatingin sakanya



"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon