PART 24

115 3 0
                                    

--

Dumating kami ng the forth na saktong-sakto lang na alas onse. Nagmadali akong lumabas ng sasakyan at nagpasalamat sa driver ni mr.khan sa paghatid sakin. Halos tarantang -taranta ko, habang nakasukbit ang malaking bagback sa dalawang balikat ko na hiniram ko kay des, dahil sila ni nonong ang kilala ko na mahilig umakyat ng bundok.

Mahigpit ang hawak ko sa blue envelope na ka-size halos ang pang-xray na lalagyan, halos madapa-dapa akong pumasok ng pintuan ng restaurant, mapapa-woew ka na lang sa ayos ng mga lamesa nila, na alam mong pang-mayaman ang restaurant . Walang tao, bukod sa mga waiter na nakatayo. Nakahinga kong malalim dahil wala naman babae na nakaupo.

" welcome sir " -nakangiteng sabi ng mga waiter pag pasok ko ng pinto

" ah- k-kuya, w-wala pa ba yung babae ?"-tanong ko habang nagpupunas ng pawis gamit ang kanan braso ko, dahil hindi ko mailapag ang hawak ko,na sobrang iniingatan ang envelope na pinadala ni mr.khan.

" this way sir " -sabi ng isang waiter at sinamahan ako , paakyat sa hagdan.

Pagdating ko sa lamesa may pang wine na baso na may laman ng kalahating wine na may marka ng lipstick.

"Kuya kanina pa yung babae ?" - kabado kong tanong, dahil 11:05 na.

" yes sir, exactly 10:30 , wine sir ? "-sagot ng waiter, umiling ako at umalis na ang waiter .. mas lalong lumakas ang pintig ng dibdib ko, dahil sabi ni mr.khan na vip na tao ang kikitain ko.taena baka wala na kong trabaho pag-balik ko ng binondo.

Kung saan-saan na ako tumitingin, habang nagdadasal na sana... sana ... sana mabait ang babae at hindi ako isumbong kay mr.khan. Napayuko ako ng may nakita akong babae na palapit na nakashades, brown ang buhok na hanggang balikat niya,mataas ang takong na sapatos na,nakaformal attire na mukhang mataas na tungkulin sa isang kumpanya. posa ! Eto na , umupo siya sa harap ko ,na ang bango-bango ,kaamoy ng victoria secret na pabango ni kristelle.

Inabot ko ang pinapaabot ni mr khan ng hindi tumitingin sakanya, na halos maubos ko na ang tubig na nasa baso, kakalunok sa sobrang kaba.

" what do you want to eat ?" - tanong niya, napatingin ako sakanya at dahan-dahan niyang tinanggal ang shades niya . Nanlaki mata ko , huminto ang oras, tinitigan ko siyang maigi baka nagkakamali lang ako, baka kamukha lang niya.

" heeeyy mahal ,mahal ? Hey ! Are you ok? "-sabi niya habang winawagayway niya ang kanaan kamay niya sa harap ng mukha ko , hinawakan ko kamay niya at hinalik-halikan.

" maahaaall , namiss kita , ,*tsup* namiss kita mahal *tsup*  anong ginagawa mo dito *tsupp*  namiss kita ng sobra mahal "-tuwang tuwa na reaksiyon ko na halos mayupi na ang kamay niya sa diin ng halik ko, sobrang namiss ko siya,sobrang namiss ko ang amoy niya,namiss ko hawakan ang kamay niya na sobrang lambot.

Tinawag niya ang waiter gamit ang kabilang kamay niya para umorder habang hawak ko ang kabilang kamay niya.

" mahal my hand, i think yupi na siya"sabi niya, natawa ako at dahan-dahan kong niluwagan ang pagkakahawak sa kamay niya.

" kamusta ka na mahal ? Ang gaaanda mo lalo, inlove ka noh ? Hehe " nangingiteng tanong ko

" hahaha yah ? "--nangingiteng sagot niya, pinipigilan ko ngite ko na galak na galak.

" ahhheeeem ! Kanino pa ba ? Alam na yan kung kanino yan pagpapaganda mo haha " pagyayabang ko, habang hinahawi ng paulit-ulit ang buhok ko.

"You're so yabang ha ? " -taas isang kulay niyang sabi na nangingite.

" wag ka !itong mayabang na ito, ang nagpakilig at hinangad mo ng matagal at ngayon hawak na ang kamay mo hahaha "- natatawang sabi ko,inalis niya kamay niya sa pagkakahawak ko at nilagay sa ilalim ng lamesa.

" so what do you mean hmp " - masungit niyang sabi sabay irap , dumating ang order niya na, pasta. Dalawang pasta na ang dami na kung ano-anong nasa ibabaw.

" mahal, teka , ikaw ba yung sinasabi ni mr.khan ?" - tanong ko habang nginu-nguya ang pagkain na nasa bibig ko. Inubos niya muna laman ng bibig niya bago siya magsalita.

" dont talk when your mouth is full, by the way, tomorrow morning ang flight natin going to batanes. So we need to rest as early as we can. Dahil 2hours before7am dapat nasa airport na tayo " -sabi niya

" batanes ? Tapos airport pa?  Sa nlex lang yon diba ?" Malapit lang yon,bakit kailangan pa sumakay ng eroplano ? " takang-taka kong tanong, bigla siyang tumawa kaya natahimik ako.

" mahal... itsss not ..... haaaaah ! Ahmmmm , bataan ang nasa nlex . " -sabi niya na umiiling. Pakiramdam ko napahiya ako, tanga sa lugar e. Ano bang malay ko sa pag-gagala na yan. Napayuko ako na pilit inuubos ang spaghetti na kulay puti kahit hindi ko gusto ang lasa.

" mahal , iloveyoy so much.. sorry .. "sabi niya, hininto ko ang pagpapaikot ng kinakain ko sa tinidor na hawak ko, tumingin ako sakanya. Nakangite siya ng maliit na nagpaganda lalo sakanya.

" mahal na mahal din kita, sobra "-nangingite kong sabi , hinawakan ko pisngi niya gamit ang thumb ko at tsaka bumalik sa pagkain.

" mahal you want some desserts?" -tanong niya

" ah , ehhh , may turon ba dito ? " -nakangite kong tanong, ngumite siya at umiling.

" wag na mahal, hindi ko kasi kilala mga pagkain dito , saan ba tayo pagtapos natin dito ? "Naiinitan ako at naiilang sa sobrang hindi ko kilala ang lugar.

" sa house lang , i want to rest muna kasi, may jetlog pa ako, kakalapag lang ng airplane ko ng 10am. " - sabi niya,napakagat ako sa babang labi ko ng mahina habang nakatingin sa labi niya na nagsasalita.

" mahallllllllll.....  bakit ka napakagat sa lower lip mo ??? " tanong niya

" hehe wala, mahal pwedeng pahiram ng 5hours mo ? , idedate kita bago tayo umuwi sa bahay niyo, 12:30 pa lang naman hehe, magkano ba bayad sa oras mo ? " -tanong ko

" s-sureeeee.. well my time is free for you .. " - sabi niya , nagmadali akong tawagin ang waiter para magbayad at kumuha ng pera sa pitaka ko.

" mahal, bayad na, keep mo na lang yung money mo" -biglang hawak niya sa kamay ko at ngumite.

"Ahhh hehehe , ako na lang mamaya, wag kang maglalabas ng pera ha ? Mag-eenjoy ka mamaya ,pangako. " -sabi ko at nilagay ko na ang pitaka ko sa bulsa ko. Kinuha ko na ang bag ko at sinukbit sa balikat ko at naglakad kami palabas ng restaurant. Nakaparada at nakabukas na ang pinto ng ford na sasakyan na kulay itim na halos wala kang makita sa loob sa sobrang tinted.

" kuya , i left the envelope , paki-kuha naman please " - sabi niya kay kuya na hawak-hawak ang pinto ng sasakyan

" ay kuya ako na lang " singit ko at nilapag ko ang bag ko sa loob ng sasakyan.

Pa-akyat ko, may tatlong waiter na nagliligpit sa lamesa.

" pre boss niya yon , halata naman "  -waiter one

"Ang ganda pre no? Parang anghel na bumaba sa langit sa ganda" -waiter 2

" pre parang magsyota sila, pero hindi naman mukhang papatol si maam doon. Panalo pre !" --waiter 3

Lumapit ako sakanila. Napahinto sila sa pagkkwentuhan habang nagliligpit.

" kuya naiwan ng GIRLFRIEND ko yung envelope "- sabi ko, kinuha ng waiter 2 ang envelope na nasa kabilang lamesa at naglakad na ako pabalik ng sasakyan .




(👇 click ☆ )

"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon