PART 46

91 3 0
                                    

----

Kinabukasan everything is set na. catering, table set up , visitors , friends , siblings etc. etc. etc... madaming tao dahil nag-invite si mame mg mga kamag-anak namin simula sa kanuno-nunuan namin. Kaya Magulo . Masaya sila . May mga nghihingi pa ng pamasahe pag-uwi,hindi naman ako nanalo sa lotto para magbigay ng magbigay sakanila, haay nako may takeout na nga sila may pamasahe pa pauwi . Grabe talaga .. bakit hindi sila magtrabaho,nakakainis. Anong magagawa ko ? edi bigyan pa din sila, actually dumami kamag-anak namin. Before tinatawag nila kong mangga, kasoy at kung ano-ano pang masakit na panunukso . Ngayon ? sasabihin nila : ang ganda mo na ange, ang laki ng ginanda mo , ikaw na ba si ange ? hindi kita nakilala para ka ng reyna sa isang malaking palasyo . Ang swerte mo naman biglang yaman ka pero ang laki ng nagbago sayo, sobrang ganda mo "  who you kayo. hmp !










Hinanap ko si jo. Halos maikot ko na buong bahay pero wala siya. Pag dating ko ng garden may kausap siya sa cellphone niya habang hawak ang baso na may brandy.









" beb anong ginagawa mo diyan ? " - tanong ko habang nakatalikod siya. Binaba niya yung cellphone at lumapit sakin.













" ahh si jen tumawag ,maingay kasi sa loob hindi kami magkarinigan , kamusta ang party ? happy ? " - sabay may lumapit na kamag-anak ko para magpaalam, lumapit ang anim na bata na mga anak ng mga pinasanan ko na mga nakatsinelas lang, maluwag pa ang mga damit na may mga butas pa.











"tita ninang congrats po ,uwi na po kami. " -sabi ng mga bata , ngumite ako.










" o sige ingat kayo " - sabi ko sabay tumalikod na pero hindi umalis ang mga bata sa kinakatayuan nila.











" sige na be, ingat kayo , walang daan dito. " - plastik na pag ngite ko, tumingin sakin si jo sabay yumuko sa mga bata.













" be anong gusto niyo ? " - tanong ni jo sa mga bata.
















" hihingi po sana kaming pamasko ninong jo  , malapit na po kasi pasukan namin para may pambili kaming gamit " -sabat ng malaking bata, hindi ko sila kilala. Hindi ko nga alam na inaanak ko sila.












" ah ganon ba ? o sige " -sabay kinuha ni jo wallet sa bulsa niya sa likod ng slocks niya. Hinawakan ko kamay ni jo para pigilan.














" be summer pa lang, malayo pa pasko , balik na lang kayo sa pasko ha ? " -sabi ko sa mga bata tsaka nag fake smile sabay kmumuha ng pera si jo sa wallet niya .













" tita ninang pag pasko po kasi wala kayo dito, nasa ibang bansa daw po kayo " - sabat ng isang bata



















" oo kasama ko si tita ninang niyo sa ibang bansa para mag-ipon ng pambigay sa inyo, ang totoo nga inabot niya na sakin ang pambigay sa inyo pero promise niyo sa amin mag-aaral kayong mabuti ha? bigay niyo ito sa magulang niyo para may pambile kayong gamit" - sabay inabot niya ng tag-isang libo ang mga bata , tuwang-tuwa ang mga bata pati yung mga magulang nila , tinawag niya yung mga magulang ng mga bata sabay inabutan ng tag-500 yung apat na magulang.














" ibili niyo ng gamit ang mga bata pang eskwela nila tapos bilhan niyo ng kahit isang piraso na laruan sila para maramdaman nila pagkabata nila ha ? . o paano ? ingat kayo ha ? thankyou sa pag punta, nakapag-balot na ba kayo ? marami pa yatang handa sa loob , kuha na lang kayo, hanapin niyo si manang ting sabihin niyo sabi ko ipagbalot kayo para may pagkain ang mga nasa bahay niyo" - tuwang tuwa na nagpasalamat ang mga bata at mga pinsan ko sa akin at kay jo sabay umalis na may malalaking ngite sa mukha.
















"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon