PART 35

103 4 0
                                    


--

*tok tok tok *



" dayyyyy ??!!! "






"  grabeee ang agaaaa !! Sandaleeeeeee " -nagpupungas na sabi ko habang sinasabunutan ang buhok ko sa tindi ng hangover ko,tumingin ako sa wallclock , 7:30am.








" angelina ano na ? Nakapanganak na ako bago mo buksan ang pinto "sigaw ni des mula sa labas ,uminat ako at tumayo tsaka binuksan ang pinto at dumeretso sa lababo para maghilamos .







" grabe sa tagal ahhh ... wala na ... nakapagpatuli na anak ko " biro niya habang nilalapag ang supot sa bangkito.







"Nahawa ka na sa asawa mo na puro katarantaduhan ang alam, bakit ang aga mo mambulabog ? Anong meron ? "-sabi ko habang nagpupunas ng mukha









"Mamemesh kashi kita hihi, tara kain tayo " - sabi niya habang naglalagay ng liverspread sa pandesal.







" sowssss ang drama mo des, buti nagpaalmusal ka, wala na akong pera hehehe " -natatawang sabi ko at umupo na sa higaan ko.









"Oh ? Kala ko ba nagpadala ng pera sayo mame mo na galing sa tatay mo. Hindi mo pa ba nachecheck ? " -tanong niya sabay kagat sa pandesal,tumayo ako para magsalang ng tubig sa heater.










" hindi ko pa natitignan, pag-uwi ko na lang siguro titignan, pautangin mo na lang muna ako hehe " -natatawang sabi ko habang nagsasalin ng 3in1 nescafe white creamy sa dalawang mug.








" huwowwww hiyang hiya naman ako sa pangungutang mo. Di hamak na may pera ka sa bangko kesa sakin, ako nga mangungutang sayo hahaha " -sabi niya habang sinasalin ko ang bagong kulo na tubig sa mug.









" wag ka nagbibiro ng ganyan baka sayo ko mabuhos tong nasa baso " -pananakot ko habang naglalakad papunta sakanya na bitbit ang dalawang mainet na kapeng nasa mug.










" subukan mo lang,ako mismo sisipa sayo pauwi ng probinsiya hmp ! " -nakangiwing sabi niya habang ngumunguya ng pandesal.









" hehehe kumain na nga lang tayo , nasan pala yung anino mong asawa bakit hindi mo kasama ? - tanong ko.









" anino kasi laging nakasunod ? Pinabyahe ko muna para may pambile siya ng sampung kilo na indian mango mamaya " -sabi niya sabay higop ng mainet na kape.










"  tange literal na anino ang asawa mo sa kulay niya hahahaha .... " - tumatawang sabi ko, muntik ng mabuga ni des ang hinihigop niyang kape.








" tangina ang sakit sa lalamunan , hahahayooop . " -sabi niya habang hinahaplos ang lalamunan niya na sabay kaming nagtawanan .









" pupunta dito sila emy at viena kasama mga jowa nila" - sabi ni des , napatingin ako sakanyan na taas isang kilay









" at bakittt ? Anong meron ?? " -taas isang kilay kong tanong










" malamang iinom kayo, padespedida na din namin sayo. Magdadalang pulutan yon mga yon mamaya, malaki ata kinita ni emy na tip kagabi kaya nagprisinta bumile ng pulutan " -sabi niya habang hinihimas ang tiyan niya.













"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon