PART 7

150 3 0
                                    

-

anong gagawin natin dito ? " - kinakabahan kong tanong

" bakit ? Natatakot ka ba ? "-seryoso niyang sabi . Sumampa siya sa isang malaking bato tyaka umupo .

" parang kabisadong kabisado mo yung lugar na to, madalas ka ba dito ? "- tanong ko habang hawak yung isang sanga ng puno

" this is my favorite place , ang solemn kasi. When i feel like life is full of bullshits , when i feel i have no allies , when i hate the world dito ko pumupunta . "-seryosong kwento niya , napapanganga ako habang nagsasalita siya , hinawakan ko ilong ko para punusan kunwari.


" nosebleed te "-biro ko , ngumiti siya ng maliit  , napansin kong may nakaukit sa bato na sophia at kristelle , malapit sa inuupuan niya.

" sino si sophia ? " -tanong ko habang nakatingin sa nakaukit , hindi siya umimik na nakatingin lang sa kawalan , kumuha ko ng bato para iukit ang pangalan ko sa taas ng pangalan ni kristelle tiyaka nilagyan ng box.

" kapag naramdaman mo na wala kang kakampi, isipin mo na lang na kasama mo ko "- tumingin siya sa inukit kong pangalan


" bakit nilagyan mo ng box ? " - nagtataka niyang tanong


" sinasara ko na, para wala ng makapasok na iba , para hindi ka na din makawala hehhee - " -pacute na sabi ko , tumingin lang siya sakin na walang reaksyon ang mukha , kaya unti- unting nawala ang ngite ko sa mukha , namimisteryuhan na ko sa kanya, parang andaming tinatago.

kaya ka ba nandito kasi galit ka sa mundo na meron ka ? " - seryosong tanong ko

" oo " - maiksi niyang sagot

" gusto mo magkwento ?" - tanong ko

" ayoko , ikaw na lang . Kwento mo na lang yung crush mo na babae , pano pag nakita mo siya ulit ? " - sabi niya , nakalimutan ko na nga yung babae na nasa bar , parang binura ni kristelle lahat at siya ang pumalit.

" edi nagkita, hindi ko na talaga siya matandaan "- sabi ko, mas gusto kong makita lagi si kristelle, mas gusto ko siyang kasama

" may girlfriend ka ba jo ? " - tanong niya

" wala " -mabilis kong sagot

" kailan pa ? , mukha kang babaero siguro ang dami mo ng naging girlfriend no ? " - taas kilay niyang tanong

" grabe k naman sakin , isa pa lang kaya "

" isang katutak or isangdamakmak ? " -tanong niya

" isang puno ng isla na to, masaya ka na ? "-napipikon na sabi ko ,ngumiti siya ng maliit


" masaya ko pag naasar kita heheh , para kang halo-halo na special " -nakangiteng sabi niya


" abaaa kasi special ako sa buhay mo ganon ba  ? Hehehe " -kinikilig na sabi ko

" kasi may ube ka sa pisnge hahahahahaha " -tumatawang sabi niya , tumakbo siya palayo sakin , na parang gusto makipaghabulan


" abaaa nagpapahabol ka ah " - natatawang sabi ko, hinabol ko siya na sabay kaming nagtatawanan , na pareho kaming bumalik sa pagkabata namin , na parang solo namin ang isla . Na walang tao kundi kami lang .


Ng maabutan ko siya hinawakan ko siya sa bewang hanggang mapahiga kami sa buhangin na tawanan ng tawanan, na masaya lang , na ang lakas ng tibok ng puso ko habang tinititigan ako sa mata niya . Na parehi kaning hinihingal habang tumatawa.

" ang ganda mo " - sabi ko habang nakatingin sa mata niya na halos magkadikit na mukha namin habang nakalock kaliwang paa ko sa dalawa biyang binti


" hahalikan mo ba ko ? " - tanong niya habang hinahabol hininga niya. Lalong lumakas at bumilis tibok ng puso ko na damang dama ko ang makinis niyang katawan dahil nakatwopiece lang siya


Tinitigan ko lang siya at hinaplos ang kaliwang pisnge.


" pwede ba ? " - kabado kong tanong habang nakatingin sa mata niya

" kaya mo ba ? "-palaban na tanong niya , dahan-dahan niyang nilapit mukha niya kaya napapikit ako habang hinihintay ang pagdampi ng labi niya.


Tinulak niya ko at tumakbo papunta sa yate. Para kong binuhusan nagyeyelong tubig sa sobrang pigil ng kilig .


" hahahaha , tara na mr.torpe ahahaha " -pang-aasar niya habang nakasakay sa yate , napadampot ako ng buhangin habang tumatayo, naglakad na ko papuntang yate

Umakma siyang papaandarin kaya tumakbo na ko ng mabilis.

" may pagkasinto-sinto ka din no ? " -sabi ko habang hinihingal


" ano yon ? " - tanong niya habang nakahawak sa manibela


" matalino yon " -sagot ko


" ahhh , matagal na kong sinto-sinto " -proud na proud na sabi niya , napatawa ko ng mahina habang nasa likod niya hahaha 😁😂


" sobrang sinto-sinto ka talaga hahaha " - natatawang sabi ko

" pano ka natuto magdrive ng yate ? " - curious na tanong ko

" syempre pinag aralan ko  " mabilis na sagot niya


" tatawa na ba ko ? Haha hoho hehe hihi , ok na ?  Hahahah " -pang aasar ko

" thankyou jo for making me realize that life is full of surprises , thankyou for putting color of my days "  sabi niya , napangite ako pero di niya nakita


(👇 click ☆)

"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon