PART 49

118 2 0
                                    

---

( jo POV )

  Wowwwww .. as in mapapa-woww ka kapag nakita mo ang eiffel tower pero ano pa bang silbi ng eiffel tower kung hindi kami maayos ni ange? Ito ang unang yapak ko sa paris, unang makita ko ang eiffel tower ng malapitan,yung hindi lang sa picture. Lahat na yata ng tao gustong makayapak ng paris para lang makapagpa-picture sa eiffel tower pero para saakin ? malungkot,sobrang lungkot na ang taong mahal mo ay hindi ka kinikibo.
Akala ko maayos na kami ng kinain niya ang sandwich na binigay ko pero hindi pa din,ganon pa din.

Ilan beses kong sinubukan hawakan kamay niya pero bigla siyang may kukunin or tatawagan sa cellphone niya. Halatang ayaw magpahawak . Ito ang unang beses namin na hindi nagkibuan, unang beses na kinaya niya akong tiisin sa loob ng apat na taon. Wrong timing kasi ang pagbalik ni kristelle. Ganon yata talaga ang tadhana kapag may pinaplano ka,mas lalo kang sinusubukan.

Hindi ko alam kung saan kami ihahatid ng taxi, ang alam ko lang ay sa hospital dahil dadalawin namin ang tatay niya. Ang tagal ng panahon pero hindi kami nagkaron ng pagkakataon na magkakilala ng tatay niya, ang pinakita lang sakin na picture ng tatay ni ange ay noong nasa japan sila. Bagong panganak si ange habang karga siya ng tatay niya,way back 31years ago.Lahat nagbabago at lahat binabago ng panahon. Ngayon ko masasabe na ito ang tamang panahon para magpropose kay ange, madami na siyang pinagdaanan sakin , madami na din siyang sakripisyo. Ngayon ko hihingin ang kamay ni ange sa harap ng tatay niya, sana ... sana lang ay mapatawad ako ni ange . Ayoko lang naman may tinatago sakanya bago ko hingin ang kamay niya, sana pagkatiwalaan niya ako, buo na desisyon ko. Matagal kong pinagplanuhan ang magpropose sa harap ng eiffel tower.

Namimiss ko na ang hawak niya, namimiss ko na ang kalog na masungit na ange. Lahat na ng pagpapansin ginawa ko na,pero wala pa din .Naisipan kong buksan ang cellphone, magkakasunod na dumating ang mga messages, nireplyan ko si jen dahil nag-aalala na. May mga message si kristelle pero hindi ko binuksan, ayoko maging mitsa nanaman ng hindi pagkakaunawaan namin ni ange.

Ilang sandali lang huminto kami sa isang malaking bahay, maliwanag ang bahay, may kalayuan din ang pintuan nila mula sa garden na binabaan namin. Nauna siyang bumaba pero hinintay niya ako sa labas ng taxi, napapangite ako habang nakikita siya mula sa loob na mukhang nagseselos. Mas binagalan ko ang kilos, nagpanggap ako na nagbabasa ng message habang palabas ng taxi.

" sino ba yan ? " -pagsusungit niya sabay hinila ang maleta niya. Yung inakala kong magkakaayos kami,mas lalong naging komplikado. Napatayo lang ako ng ilan sandali habang hila niya ang maleta niya. Nakaramdam ako ng lungkot. Hanggang dito na lang ba kami ? papayag ba ako na hanggang dito na lang kami.

" mahaaaaaaaaallllll " - sigaw ng babae na bumaba ng kotse habang papalapit sa kinatatayuan ko sabay yakap at halik sa labi ko pero mabilis kong tinanggal. Ang bilis ng pangyayare, bigla na lang hinatak ni ange ang buhok niya, galit na galit . Naagsabunutan sila. Natulala ako habang nakatingin sakanila . Inawat ko si ange, niyakap ko siya para mapalayo kay kristelle sabay lumapit si tita cass at inalalayan si kristelle. Anong ginagawa nila dito ? Bakit nandito sila, bakit magkakilala si tita cass at ange. Ang gulo ! mas lalong gumulo . Wala na kong naintindihan. Hindi na pumapasok sa utak ko pinag-uusapan nila sabay tumakbo si ange.

Inalalayan ko maglakad si kristelle dahil nakakaawa ang ginawa sakanya ni ange. Nagtulong kami ni tita cass .

" i was trying to call you but nakaoff cellphone mo , i need you jo ,i need you ... wala na si dad " -sabi niya habang inaalalayan ko siya. i feel numb and worthless dahil wala akong nagawa, tumunganga lang ako  , kung akala mo nakakagwapo na pinag-aawayan ka ng babae ? honestly hindi ! hindi nakakagwapo, nkakababa pa nga ng pagkatomboy.

" tita cass sorry po, ako na po humihingi ng despensa sa ginawa ni ange " - bulong ko habang naglalakad kami sabay tumingin sa mata ko si kristelle.

" i never thought angie and ange are the same . Nasabi na sa akin ni kristelle about you and ange . What a coincidence . " -sabi ni tita cass

napangite na lang ako habang nagsasalita si tita cass. May lumapit na isang mgandang bata na maputi sabay yumakap kay kristelle at hinawakan ang dalawang pisngi ni kristelle.

"mom ouchie ?" -tanong na bata habang hinahaplos ang buhok ni kristelle, ngunite lang si kristelle ang umiling tsaka tumingin sa likod ng bata kaya napatingin na din ako. Nakita ko si sir mark na nakangite sa akin, napayuko na lang ako at ngumite ng maliet sabay nagpaalam na kay kristelle. Nakaramdam ako ng kurot sa puso ng hindi ko alam ang dahilan pero hindi dapat .

Ilan sandali lang nakita ko si ange na na umiiyak na nasa harap ng kabaong, hindi ako nag atubiling lapitan at alalayan siya tsaka pauupuin sa upuan . Si mr.zobel ang tatay ni ange. Ang pinakamayaman na niyuyukuan ko pag nakikita ko sa kumpanya na pinapasukan ko noon. Ang layo ng description ni ange sa nakita at nakilala ko ng una na mr.zobel . Ang taong kinakatakutan ni kristelle ay parang barkada lang ni ange.




Sinubukan kong maging matatag at magpakatatag para kay ange, alam ko naman na ang tatay niya ang tinuturing niyang matalik na kaibigan ayon sa nga kwento niya, alam ko kung gaano niya kamahal ang tatay niya at alam ko kung gaano kasakit para sakanya ang mga ngyari. Hindi ko man mapantayan ang pagiging super hero ng tatay niya pero pipilitin kong iparamdam at patunayan sakanya kung gaano ko kadesididong maging katuwang niya sa buhay.


" nasan sila ? " - tanong ni ange habang nakatingin sa kawalan, hinimas ko likod niya sabay may nag-abot na babae ng tubig na nasa baso kay ange, kinuha ko ang baso na may laman tubig at inabot kay ange tsaka nagpasalamat sa babaeng nag abot ng tubig.



" iniwan ko na , dumating kasi si sir mark yung asawa at anak ni kristelle kaya nauna na akong pumasok para sundan ka" sabi ko.


" ahhhhhhh " -maiksi niyang sagot tsaka uminom ng konti sa baso na hawak niya. Gusto kong buksan utak ni ange para malaman kung ano tumatakbo sa isip niya . Gusto kong bawasn ang sakit na nararamdaman niya . Gusto ko siyang tulungan pero paano ? paano ko sisimulan ?



Iniligay ko sa bulsa ang kanan kamay ko para kapain ang box na pinaglalagyan ng singsing na binili ko para sa pag propose ko kay ange sa tapat ng eiffel tower, sandali lang kami sa paris dahil kailangan niyadin bumalik ng pinas para sa negosyo niya at kailangan ko din bumalik ng austria para sa negosyo ko naman. Haaaayyy , ang wrong timing naman .. 😢😢

----

"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon