PART 13

128 3 0
                                    

--

jo, hindi ka pa ba papasok ? Anong oras na "-sigaw ng nanay ko, routine na niyang sumigaw sa umaga kahit walang pasok , hindi ako dumidilat agad pag sumigaw si nanay . Umiidlip pa ko ng 10-15 minutos, minsan trenta minutos pa. Ayoko pang dumilat kasi ang ganda pa na panaginip ko na kasama ko daw si kristelle sa mala palasyo niyang bahay, natulog ulit ako para balikan yung panaginip ko na naputol.



Pilit kong binabalikan pero hindi kami nagkita, pag dilat ko ng  kaonti ng mata nakita ko si kristelle na nakaupo na bagong ligo habang nakatingin sakin, sa wakas nakabalik ako sa panaginip ko. Nginitian ko siya na parang ngiting aso na kilig na kilig 😆 .


" magandang umaga mahal " -nakangiting sabi niya, ngumiti lang ako habang nakadilat ng maliit mata ko, sabay nagkamot ng tiyan na tumaas na damit ko.


" hindi ka pa ba babangon mahal ?" -sabi niya habang nakapikit ako na nagkakamot pa din ako ng tiyan ko na nakanganga, ayoko ng gumising . Mas gusto ko siyang kasama sa panaginip. Naamoy ko yung mabangong kristelle na bagong ligo kaya napapangite ako habang nakanganga


" ako pa din ba napapanaginipan mo ? O iba na ?" -nang aakit niya bulong sa tenga ko , ngumiti lang ako na may kilig.



" hindi ka pa ba talaga didilat ? Alas tres na kasi, baka kanina pa naghihintay si jen " -sabi niya.
Dumilat ako sabay baba ng damit ko tsaka umupo.


"K-k-kanina ka pa diyan " - natataranta kong tanong habang hinahawakan dalawa kong mata dahil baka may bakas ng natuyong luha


"Hahahaa oo, umuungol ka pa nga kanina habang tinatawag pangalan ko hahaha " -natatawa niyang sabi


" ha-haaah ? Gawa ka din ng kwento no ? "-sabi ko sabay kinuha cellphone ko sa bulsa para tignan kung may text si jen



" ano palagay mo sakin ? Sinungaling ? Sabi mo pa nga aaaahh shhiitt krisstelleee, masaaaraap baaa ? Hahaha "Tumatawa niyang kwento , nahiya ako bigla. Isa yon sa napanaginipan ko kanina.


" ikaw ah, pinagnanasaan mo ko sa panaginip mo , bakit hindi mo gawin sakin mismo hehehe " -nakangiting sabi niya


" muka mo,  sana ginawa ko na nung lasing na lasing ka kanina"-sabi ko ,tumayo na ko para pumunta ng banyo na nasa kwarto niya. Putcha pag pasok , magkasing laki lang bahay namin at banyo niya. Naghilamos ako at nagmumog, wala naman ako dalang gamit.



" mahal may bagong toothbrush diyan na black, buksan mo na lang nasa cabinet" -sigaw niya mula sa labas ng banyo. Halata sakanya na nababaluktot tagalog niya pero sinusubukan niya pa din.



Pag labas ko nakaminiskirt na siya at offshoulder na balot ang buong braso niya habang nanonood ng cinemaone . Tumingin siya sa damit ko na may mga kung anong patak na kulay pula .

" ang dumi ng damit mo, magsando ka na lang pauwi" -sabi niya habang inaayos damit niya



" ha ? Maglalakad ako sa divisoria na nakasando lang  baka pagtawanan naman ako ng mga kasama kong pumapasada "- sabi ko ,tumingin ako , madumi nga talaga dahil siguro sa patak ng sinisipsip ko na ulo ng hipon , binuksan niya yung malaki niyang cabinet , umupo na ko sa sofa habang inaayos buhok ko.



" alisin mo na yung shirt mo,  magsando ka na lang " -sabi niya sabay lapit na may tinatago sa likod niya.


" ito suot mo " -sabi niya sabay abot ng parang jacket ko na binigay ko sa babae na nasa bar. Pagbuklat ko , jacket ko nga ,napatingin ako sakanya . Ngumiti lang siya habang sinusuklay niya yung pinakataas ng buhok niya.


"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon