PART 29

103 3 0
                                    

" 🎶🎤 i like him but i love you,
He likes me and you do too
But if you ask me who
Its always been you..
I like his smile but i love your style
Cause your the only one, my heart desires
I gotta tell the truth
Its always been you .."




Nagising ako sa boses ni kristelle habang nagbibihis na bagong ligo, sinasabayan ang kanta sa laptop niya. Parang binibiyak ulo ko sa tindi ng amats ko sa gabi-gabing pag inom simula ng nagtalo kami. Hindi pa din kami nagpapansinan, madalas kasama niya yung foreigner na umaalis kaya hindi ko siya naabutan , nagkanya-kanya na kaming lakad.

Kung pwede nga lang lumipad pabalik ng tondo, ginawa ko na dahil parang sinasakal dibdib ko tuwing nakikita ko na masaya siya, kasama ang foreigner.



Bar ang naging sandalan ko sa batanes ng halos sampung araw na, potapet sana bumilis ang araw para makahinga na ako. Gusto ko na din umuwi.



Bumangon ako para kumuha ng nagyeyelong tubig sa ref. Sumandal ako sa bintana na dahan-dahan iniinom ang hawak kong bote ng nagyeyelong tubig habang nakatingin sa salamin na nasa harap ni kristelle na siyang naglalagay ng burloloy sa mukha niya.



Nagsagi ang tingin namin, nagkatitigan kami, bumagal ang pagkuskos niya sa mukha niya. Kumabog ng malakas dibdib ko, huminto ang oras saglit, napalunok ako . Ang gandaaaa niya talaga . Onti-onting lumabas ang ngite sa labi ko. Nagkangitian kami na lumabas na ang mga ngipin .




" sorry " -nakangiteng labas ngipin bulong ko. Napangite siya at humarap siya sa direksyon ko.




" come here " - nakangiteng sabi niya, lumapit ako sabay lumuhod sa harap niya at niyakap siya habang nakaupo pa din siya .




" saan lakad niyo ngayon ? " -nakatangong tanong ko , diniinan niya ang pagkakayakap sa ulo ko at hinalikan ng dalawang beses.




"I will miss you " - bulong niya sa tuktok ng ulo ko.



Tinanggal ko ang pagkakayakap ko at tumingin sa mata niya na may luhang naggigilid na malapit ng pumatak.




" oh ? Bakit ka iiyak ? Mabaho ba ulo ko ? " - tanong ko sabay hinawakan ang pisngi niya .





" no , no " - umiling siya at humingang malalim.






" alam ko kasi mabaho yan, kasi sumuka ako kagabi sa sobrang kalasingan, ginawa kong wax ang suka ko hahahaha tos hinalikan mo pa " - natatawang biro ko, dahil ayoko ng drama at ayoko nakakakita ng may umiiyak na babae. inamoy niya ang dalawang kamay niya at pinahid ng paulit-ulit sa short niya. Natatawa ako sa reaksyon niya. Oo maarte pero bagay sakanya ang pagiging maarte niya.hehe




" ewwww mahal ! Yuckkkk ! " -pigil na ngiteng sabi niya at pinupunasan ng tuwalya ang bibig niya.




" joke lang, pinapatawa ka lang , hahahahaha " - natatawang sabi ko at umupo ako sa kama.





" hmp !! I thought true na e, amp !! " - sabi niya sabay irap.





" hehe pinapatawa ka lang , saan pala lakad niyo ngayon ? "- nakatingin tanong ko.




"Ha ? Ahmm , i dont know , i think were going sa beach, you want to join us ? " - tanong niya , dali-dali akong pumunta ng banyo para magtoothbrush at maghilamos.



" tara na !" -aya ko habang nkasukbit ang tuwalya sa kaliwang balikat ko.





" ohwww ang bilisss hahaha " - natatawang sabi niya.






"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon