PART 39

97 3 0
                                    

--

nagising ako sa tilaok ng manok ng kapit bahay,parang ayaw bumangon ng katawan ko, sobrang bigat na parang papunta sa lagnat . Niyakap ko ang unan na gamit ni jo kagabi,  napapangite ako habang yakap ko ang unan ng mahigpet. Bakit ganon ang puso? nagdesisyon na akong pigilan, pero eto nanaman... tibok ng tibok nanaman kay jo. haaay buhayyyy..






Inayos ko na lahat ng dadalin kong damit, tinitigan ko isa-isa ang mga gamit na napundar ko sa loob ng tatlong taon, nagflashback sa akin ang mga pinagdaanan kong hirap ng nagsisimula pa lang ako, yung isa lang ang pinggan ko. walang gamit, unan at kumot lang at ilan pirasong damit.Hindi ako humingi ng pera kay mame dahil nangingibabaw pa din ang pride ko na kaya kong mag-isa. Natuto akong magpundar ng pakonti-konti,sayang lang kasi kailangan kong iwan ang mga gamit dahil meron na din bagong buhay na nag-hihintay sa akin.







Habang lumalapit ang alas otso , mas lalong bumibigat ang paa ko. Naligo na ako at nag-ayos habang nagsusuklay tumunog ang cellphone ko.






*🎶📱 nandito ako,umiibig sayo .. *








" hello ... " -bungad ko.







" hello ate ge  .....  si ate ..... si ateeee " -umiiyak na takot na takot niyang boses , kinabahan ako bigla.








"bakit anong ngyari ? " - nangingineg kong tanong







" diNampot ng pulis , may pinakitang papel kay nanay tapoz pinosasan na si ate agad, nandoon na si Nanay sa presinto, kasama ni kuya unyot "








" anong kaso ? bakit siya dadamputin agad , sige-sige samahan mo ko , daanan kita diyan.  sige na .... bye ! "











nagmadali akong kumuha ng taxi at dinaanan si jen sakanila, umiiyak si jen na takot na takot habang nasa taxi, pag dating namin ng presinto nakaupo si kristelle sa tapat ng lamesa na may katabing lalake na nakaamerikana pa habang kausap ang pulis.










Umiiyak lang si nanay belen na nanlilisik ang mata habang hawak siya ni kuya unyot.










Lumapit si jen kay kristelle at inabot ang kamay pero sinagi ng lalake.










" dont you ever dare to touch my fiance" -Mayabang na sabi ng lalake kay jen.









" ate kristelle , pag usapan niyo na lang , wag niyo ng pakulong si ate please , alam mo naman sitwasyon namin diba.... ???? " -pakikiusap ni jen, pero sinuot lang ni kristelle ang hawak niyang shades.









  sir please parang awa niyo na, pakawalan niyo po ate ko ". -nagmamakaawang sabi ni jen sa  lalake habang umiiyak








" you have 100thousand for her damage  , wala hindi ba ? so , mabulok siya sa kulungan . " -pagmamataas ng lalake , may pinirmahan siya at tumayo tsaka sinara ang butones ng amerikana niya at inakbayan si kristelle papalabas ng presinto. Hinawakan ko sa braso si kristelle ng mahigpet habang nakatalikod sila









" aww ! " - sabi niya at lumingon sa akin , hinigpitan ng lalake ang pagkakahawak niya sa pulso ko para matanggal ang pagkakahawak ko kay kristelle.








" and who are you miss ? para saktan ang fiance ko ? " - galit na sabi ng lalake habang mahigpet niyang hawak ang pulso ko.












"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon