---
" a store that is too small for dishonest people " - sabi ko na binabasa ang nakalagay sa dingding ng kubo , tumingin lang sa akin si kristelle habang hinihigop ang kape niya.
" si mark ba ? Whoops ! Wag kang magsisinungaling hehehe " - seryosong tanong ko
Huminga siyang malalim . " yah " -maiksi niyang sagot , pakiramdam ko para akong nasikmuraan,biglaakong hindi nakahinga.
" sino mas mahal mo sa amin ? " - tanong ko na pilit pinapakalma sarile ko.
" ikaw ! " - napakunot noo niyang sabi
" ako ? Kasi ako kaharap mo ngayon, tama ba ? " -napapailing na sabi ko
" ofcourse not ! i love you from the start jo. And thats honestly speaking " -seryosong sabi niya.
" ahhh , mahal mo naman ako diba ? Pag mahal mo papakasalan mo , e kung pakasalan kita ? Hingin ko ang kamay mo sa dad mo at sa mom mo . Papayag ka ? " -sabi ko , sabay kinuha ko ang bracelet na tela na binili ko sa souvenir shop at sinuot paikot ng pulso niya.
" i thought youre proposing na talaga hehe , sobrang galing mo magpatawa hahaha " -tumatawang sabi niya , sinuot ko din yung isang binili ko na kapareho ng bracelet niya.
" bakit ? Hindi ka ba naniniwala na pag mahal mo , papakasalan mo . Siguro mag iipon muna ako , hehehe tapos papakasalan na kita " - biro ko , napailing siya habang nakangite sabay humigop sa kape niya.
" actually i believe in love and marriage but not necessarily with the same person " - sabi niya
" teka teka , pwedeng pakiliwanag ? Naguluhan ako bigla, loading pa hehe .. ang bagal ng wifi ng utak ko haha " - nakangiteng biro ko.
" ahh its nothing , gaano mo kamahal ang place mo ? You dont have any plan ba " - seryosong tanong niya, pangalawang beses niya na ako tinanong tungkol sa lugar namin sa tondo , yung isa ng pagbalik niya ng poland habang nasa hospital ako, bakit kaya sobrang interesado siya sa lugar namin.
" mahal na mahal , sobraa .. ipaglalaban ko ng patayan ang lugar kung saan ako ipinanganak at humubog sa akin . , e ikaw ? Gaano mo ko kamahal ? " -tanong ko sabay hinigop ko ang kape ko .
" like what you said , sobraaa .. im willing to sacrifice everything just for you even my own happiness . " -seryosong sagot niya sabay inubos ang kape na nasa baso .
" e kung ayoko kita magsacrifice ? Kung sa tabi na lang kita ? Magsama na lang tayo, magttrabaho ako ng maige , wag ka lang umalis " - nalulungkot na sabi ko , hinawakan niya kamay ko at hinalikan ang kamao ko , mas lalo akong kinabahan , pero pinasok ko to at mahal ko si kristelle kaya bahala na kung ano mangyari.
" just cherished the moment while im with you , ok ? Lets go , may dinner meeting si mateusz ng 6pm , he needs to prepare pa for his meeting.
" -sabi niya at hinawakan kamay ko at naglakad na kami papunta ng sasakyan.Hinatid kami ni mateusz sa hotel , may inabot sa akin na dalawang bote ng smirnoff si mateusz bago bumaba ng sasakyan . Pag pasok namin ng kwarto , kumuha ako ng pomelo para magtimpla ng pomelo flush, pampatulog. Nag order si kristelle ng 5 steak , tatlong rice at artichoke spinach lasagna para sa dinner daw namin .
BINABASA MO ANG
" MYSTERIOUS " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》
Romancemay possibility ba na mainlove sa isang simpleng lesbian ang isang magandang heridera ? may forever kaya sila ? paano kung you and me against the world , ipaglalaban mo pa din ba ? or bibitaw ka na lang ? follow .. read .. vote .. 😉