part 1

384 5 0
                                    

---

Inaya ako ni rica na pumunta ng get together ng section namin ng highschool , si rica ang pinakadikit ko sa section namin , siya din ang organizer pag may getog , limang taon ko na din silang hindi nakikita pagkatapos ng graduation namin . Kung ako lang ayokong pumunta kasi wala naman ngyari sa akin sa limang taon ,isa pa din akong paraket-raket lang na tomboy , hindi naman ako nagcollege dahil wala kaming pera , nakapasa nga ako sa scholarship pero putik kahit pamasahe wala ako, 10 kaming magkakapatid at ako ang pang siyam kesa ipamasahe ko, ipangkakain na lang namin. 5kuya ko may asawa na at yung 3 ate ko , bumukod na din sila kasi masikip ang bahay namin.
Ang tatay ko naman lasinggero, matanda na din pero mas gusto niyang ipambili ng gin kinikita niya  sa pagmamaneho ng kuliglig sa divisoria kesa ipambili ng pagkain namin ni nanay at jenny . Kaya maaga akong kumayod , maaga akong tumayo sa sarili kong paa para lang mabuhay kami . Ayoko din mamatay ng dilat .


Messenger ako sa malaking kumpanya sa binondo, isang sakay ng jeep lang trabaho ko mula sa bahay , minsan hinahatid ako ni tatay hanggang trabaho , si tatay din nagturo sakin magmaneho ng motor kaya nakakuha din ako ng professional na lisensya na 123 . Pwede ako kahit magdrive ng truck . Wala pa akong motor kaya motor ng kumpanya ginagamit ko . Minsan inuuwi ko pag ginabi na ako sa kalsada sa paghatid ng kung ano-anong files at pera. 1taon na din ako sa pinapasukan ko, medyo nakaipon na din pero maliit pa lang dahil pinag-aaral ko si jenny na 3rdyear college sa plm . Educational course niya , kahit isa lang sa pamilya namin may magsuot ng togang itim na ipapaskil ko sa dingding namin kaya ganon na lang ang pagpupursigi kong kumita at pag igihan ang trabaho ko . Hindi ko na magawang manligaw ng babae dahil gastos lang yon ,may mga naloloko itchura ko pero wala sa bukabularyo makipaglandian .



Payat ako dahil wala kaming makain hahaha , hindi na yata ako tataba kahit anong lamon pa gawin ko . 5'7 ang laki ko . Mukha na akong lalake dahil sa pgiging slim ko at pormahan . Dati akong maputi dahil sa gabi lang ako lumalabas ng bahay pero ng magsimula ako sa trabaho , nasunog na balat ko sa tindi ng araw.
Jhoanna  pangalan ko pero mas gusto kong tinatawag ng jho, pakirandan ko kasi minumura ako pag tinatawag ako sa pangalan ko hehe.



Alas nuebe na ako nakadating coc bar sa d.jose . Nagpark ako ng motor malapit lang sa entrance . Malaki ang coc kaya malamang mahihirapan akong hanapin kung saan banda ang table nila.




" tang*na jo, ikaw ba yan ? Lalakeng lalake ka na pre "-bati ni jerome , mukhang umasenso na din siya base sa porma niya.  ngumite ako at inakbayan niya ako ng may kasamang hampas pero hindi naman masakit


" nasan sila ? "-tanong ko habang nakaakbay siya




" nandon sila , sandali kunin ko lang sukli ko sabay na tayo pumasok ,buti naman nakapunta ka , everyyear ka namin hinahanap pag may geto , kamusta ka na pre . After highschool nawala ka na bigla ah "-excited na tanong niya , nagpapalit pa si manang para panukli sa binili niyang yosi



" ganon padin, e ikaw? Mukhang umasenso ka na ah "-nakatingin sa porma niyang sabi ko



" police na ko pero sa makati ako ngayon nakadestino , tara na pre " - inakbayan niya ako papasok sa loob, kaya ayokong pumunta dahil magyayabangan lang. Ano ba narating ko ? Isang utusan lang.



Sa Long table sila nakaupo, si rica lasing na kasi sumasayaw na habang  tumutugtog ang banda na nasa stage.
Nag hi ako sakanilang lahat, may nagbeso . Ang laki ng pinagbago nilang lahat, meron ngkatuluyan na sa section namin at meron din na taga ibang section ang nakatuluyan . Umupo lang ako sa tapat ng upuan ni rica , katabi ko si jerome at si ranier na parehong pulis na . Hindi ko naiintindihan pinag uusapan nila kaya nanood na lang ako ng kumakanta sa stage habang iniinom ang colt45 , nakatatlong colt na ako . Tahimik lang akong umiinom, wala akong kinausap , ayoko din tanongin nila kung ano na ba ngyari sa buhay ko.



" guys, guys , guys . Uminom lang kayo ng uminom , boss ko may sagot ng lahat ng bill natin, kaya wag kayong mahiyang umorder , cheerrrssss" sigaw ni rica habang nakaangat ang baso niya , inangat na din namin lahat ang hawak namin bote at baso . Kanina pa ako nakaupo pero hindi ko alam kung sino tinutukoy niyang boss, siguro sugar daddy niya. Crush ko pa naman si rica noong highschool ako kasi siya ang maangas sa batch namin pero number 1 na gusto niya sa tao dapat MAYAMAN. Kaya lagpak na ko agad , hindi ko na sinubukan.


May lumapit na dalawang nakauniform na lalake kay rica, prNg may tinanong, tumingin tingin si rica sa table namin at sa ibang table na parang may hinahanap . Tumayo ako para pumunta ng cr. Nauurat na din akong makipagsosyalan kaya gusto ko munang umiwas dahil para akong sinasakal.



Pag punta ko ng cr may babaeng maganda na morena nakaupo sa sulok , malapit sa speaker na mukhang lasing na lasing. Pinagtitinginan na sya ng mga lalake dahil sa suot niya na konting sinulid na lang matatanggal na. Pag labas ko ng cr may lumapit na lalake sakanya na pilit siyang hinahatak at tinatayo. Mukhang hindi sila magkakilala dahil pilit tinatanggal ng babae ang kamay ng lalake .




"Miss kasama mo ba yan ? "-tanong ko na pilit inaangat ulo ng babae




" p*ta pre wag kang makikielam, girlfriend ko to "-sinagi ng lalake kamay ko na pilit pa din tinatayo ang babae , tangina ang pangit ng lalake kumpara sa babae . Jacklu lang ? Jackpot si kuya , lugi si ate ? Hindi ako naniwala kaya napasigaw na ko.



" miss boyfriend mo ba to ? "- pasigaw na tanong ko, umiling yung babae, bigla akong sinapak ng lalake kaya kumuha ako ng bote para ihampas sa ulo ng lalake tyaka siya tinadyakan para mapalayo sakin , lumapit na ang bouncer kaya naawat kami, tinanggal ko jacket ko at sinuot sa babae habang minumura ko ng laseng na lalake na hawak ng bouncer , hindi naman pumutok ulo niya sa sobrang tigas ng mukha niya.




" miss nexttime wag ka ng magsusuot na kulang na lang maghubad ka na " 😠galit na sabi ko, nahimasmasan ang babae na parang maluluha na. Lumapit mga classmates ko, si rica inakbayan ang babae . Umalis na ako habang pinupusan ang putok kong labi. Tinatawag nila ako pero hindi ako huminto sa paglalakad . Sumakay ako sa motor at umuwi na .




--》》 ( thankyou sa nagvote ng MOVEON , STALKER AT CONFUSED . Tuloy lang sa pagbabasa , Please follow me  😊😊😊😉 )

"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon