PART 8

145 3 0
                                    


--

wala ka man lang ba sasabihin ? " tanong niya habang nakatalikod,  hininto niya ang yate , nagtulog-tulugan ako at lumapit siya sakin tyaka hinampas ng malakas sa tiyan.

" aray ah ! Ang sakit non ah " -sabi ko habang hinihimas tiyan ko  , bumalik siya sa manibela at pinaandar

" wag kana kasi mag eenglish, hinahalukay ko pa sa dulo ng utak ko sinasabi mo para lang maintindihan " sabi ko habang hinhimas tiyan ko

Mayamaya nakarating na din kami.   Sumakto sa sunset . Kailan ba ako huling nabighani sa araw ? Parang ayoko mag gabi kasi uwian na yon.

Naglakad kami papunta sa pool. At umupo sa parang tulay , mas kitang kita ang araw na malaki .

" ang romantic ng place no ? " -sabi niya habang nakatingin sa araw

" sobraaaa , pwede ba maligo sa pool ,? " -manghang maha na sabi ko

" tara ligo tayo " -hinawakan niya pulso ko at sabay kaming napatalon sa pool . Nagharutan, nagbasaan kahit basa na , nagtawanan . Walang iba na naliligo kundi kami lang . Ng nalulunod na siya huminto na ko sa paghampas sa tubig at nilapitan siya at inakap na kabadong kabado .

" hahahaha , i prank you hahaha ," -tumatawa niyang sabi, habang nakayakap ako sakanya.

" ha ? Ano yon ? " -salubong kilay kong tanong , tinanggal ko pagkakayakap ko at tumingin sa mukha niya na tawa ng tawa

" sabi ko i like you hahahahah " - tumatawang sabi niya, pumalakpak tenga ko na nagpipigil ng ngite

" nagbblush ka mr.torpe hahaha , namumula pasa mo hahah " -hindi ako nakagalaw , pumunta siya sa gilid ng pool t tinignan ang lumulubog na araw

" ang ganda noh ? " sabi niya , nasa likod niya ako at nakatingin sa likod ng ulo niya na tinatakpan ang lumulubog na araw

sobraaaaaaa " -bulong ko , binaling niya tingin sakin . Parang model na nakatalikod mukha lang nakaharap habang sunset ang background . Sobrang perfect .

" hindi kaya matunaw ako niyan ? Nakabini na ko oh, hindi pa ba enough ? Para kasing hinuhubaran mo ko sa tingin mo " -sabi niya

" h-ha ? Sa araw ako nakatingin " -pagpapanggap ko,kinabahan ako bigla.

witty ka talaga , well sabi mo " humarap siya habang nakasandal sa gilid ng pool

jo, if we have a relationship now, what do you do first ? - ng-aakit niyang tanong , napalunok ako habang dahandahan niyang kinakagat labi niya.

Nagwala na buong reproductive system ko, gusto ko siyang yakapin ng yakapin ng yakapin lang.

Dahan-dahan siyang naglakad papubta sakin, kahit nakababad ako sa tubig , pakiramdam ko pinagpapawisan akong malapot.

Hindi ako nakagalaw, nanigas katawan ko nung malapit na siya at nilagay ang dalawang kamay niya sa batok ko habang nakatingin ng nakakatunaw, nakakapang lambot.

Napalunok ako ng paulit-ulit kahit naubos na laway ko kakalunok.

" speak up " -nang aakit niyang sabi habang magkatitigan kami

" pwedeng pakitagalog ? " -nakangiteng sabi ko , hinampas niya ko ng malakas sa dibdib

" bullshit , you ruined my moment "-pikon na sabi niya , nagmadali siyang umalis sa pool na galit na galit

" pag ngyari yon, hinding hindi ako mag aaksaya ng oras, hinding hindi ako papayag na bibitaw ka sa pagkahawak ko ng kamay , dahil mas sigurado akong wala ng bitawan yon pag ako ang nakahawak sayo " - sigaw ko , sigurado kong narinig niya pero tumuloy lang siya sa paglalakad  at hindi na ko hinarap.

Magka ibang direksyon ang kwarto ko sa kwarto niya kaya hindi ko na hinabol , dahil dadaanan ang ibang nakatambay sa dagat na katrabaho ni rica.

Pumunta na ko ng kwarto para maligo at makapag-ayos na.  Napapangite ako, kakaisip kay kristelle habang inaayos gamit ko . Sana sumabay siya sa van namin ni rica para makapag usap pa kami, parang kulang na kulang ang oras .

jo ready ka na ? Tara na ! " -biglang silip ni rica sa pinto na nakabukas ng konti

" rics si kristelle saan siya sasakay ? "-naiilang na sabi ko

" jo , wag mo ipilit ang mundo mo sa mundo ni kristelle, magkaibang magkaiba kayo  , ok ? " -malymanay niyang sabi

" ano bang meron kay kristelle? Bakit hindi pwede ? " -nagtataka kong tanong

" basta , hindi kayo bagay , bilisan mo na , ikaw na lang inaantay " -tumalikod na si rica , lumabas na din ako , nakaalis na yung tatlong van , yung gmc savana at isang bmw na lang nakapark bukod sa van namin nila rica.

  Pag tapos kong siguraduhin na maayos ang van , sumakay na ko. Nakita ko si kristelle na nakadress at may dalawang babaeng nakauniform ng pang yaya na nanakasunod at 6 na lalakeng naka uniform na polong itim.

(👇 CLICK ..☆ )

"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon