PART 28

120 2 0
                                    


--

Kinabukasan , after lunch pumunta kami ng chawa viewing deck, kitang kita ang asul na dagat . Parang ayoko na umuwi, hindi magulo , walang polusyon, walang nagtatakbuhan , walang maingay, na nasa tabi ka lang ng taong mahal mo.




" mahal ang gandaaaaaa " -mangha na mangha na sabi ko habang nakatayo sa hagdan .




" awesomeeee , this is the reason why , ikaw gusto ko kasama dito " -sabi niya na pigil na ngitee na nakatitig sa dagat.



" bakit nga ba talaga tayo pumunta dito ? Bakit mo ako dinala dito ? - tanong ko habang nasa ibabaw ako ng hagdan at siya ang nasa pangalawang baitang





"Ahhhh , this is my gift for you, trip to batanes  " - sabi niya , bumaba ako malapit sa kanya at hinawakan ang kaliwang kamay niya at isinara gamit ng mga daliri namin , sumandal siya sa balikat ko na sabay namin tinitigan ang dagat.



" salamat ah, dinala mo ako sa lugar na sobrang ganda , pero mas maganda pag sa piling mo lang, pwede ba na wag ka ng umalis ? " - malungkot na boses ko, inalis niya pagkakasandal sa balikat ko at tumingin sa mata ko



" gusto din ako mahal , but ... my dad ... my dad hindi payag , i want to escape with you , thats why i choosed batanes cause walang makakakita sa atin " -malungkot na titig niya.



" hindi pa ba alam ng dad mo ? " -nalulungkot kong tanong



" may idea si dad  ,but maybe he ruined your life if he proved that there is something between us and ayoko mangyari yon mahal " - naiiyak na sabi niya , halatang may dinadala siya na mabigat sa puso niya .



" handa ako mahal , tatanggapin ko basta huwag kang bibitaw sa pagkakahawak ko " - sabi ko at inakap siya at hinalikan sa gilid ng ulo niya.


" lets go mahal in manhatao shelter port " - pinunasan niya luha niya at hinatak ako paakyat at sumakay ng pinahiram na sasakyan ng kakilala niya. Ang kakilala niya ang pinaka tour guide namin .



Pag dating namin ng shelter port, bumungad sa akin ang puro bato, batong bato halos .



" you know what mahal ? Its a man made refuge inaugurated in 2007 to keep most of the boats in batan safe during bad weather. The province is usually bombarder by strong typhoons specially during the southwest and northeast monsoon seasons "  sabi niya habang nakatitig sa mga bangka na nasa baba namin.


" tagalog please hahaha " - natatawa kong sabi


" hahaa, ow im sorry , its amm , thats aahh gawang tao if ever na may malawak na bagyoww" - nababaluktot na paliwanag niya..


" malawak ba ang bagyoww ? Hindi pa ako nakakapunta hehe " --biro ko


" mahal its begyooo , a typhoon " -pilit na paliwanag niya, natatawa ako sa mukha niya na nasa dulo na ng dila niya sasabihin niya pero hindi niya maipaliwanag.



" ahhh bagyo ! Bagyo yon mahal , hahaha , diinan mo kasi hehe" -biro ko , pero hindi pa din natatanggal ang tingin niya sa mga bangka na nasa baba namin, nilabas ko ang cellphone ko para picturan niya . Lumayo ako ng konti sa kanya para makuha ang view na nasa baba .




Ang ganda ng kuha pero may lungkot sa mata niya. Lumapit ako sakanya at pinakita ang picture na kuha ko.

" mahal tignan mo oh, ang gandaa " - sabi ko at kinuha niya ang cellphone



" nice take , but please nexttime , no cellphones na ha ? " -sabi niya sabay balik ng cellphone ko at naglakad na siya papuntang sasakyan , kaya sumunod na ako .



Sila pa din nag-uusap ng foreigner na kasama namin na nagmamaneho, puro mark ang naririning kong pangalan pero hindi ko naiintindihan pinag-uusapan nila.


Pag dating namin sa hotel, may nakahanda ng pagkain sa lamesa. Hindi pa din kami nag-uusap , tinitignan ko lang bawat galaw niya.
Tinatanong ko sarili ko kung ano ba talaga dahilan ng mga kakaiba niyang galaw.


Kumain kami at pag tapos dumerecho na siya sa banyo para magshower, nagtoothbrush na ako at humiga na yakap ang damit kong isusuot na pantulog habang inaantay siyang lumabas ng banyo.




Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa pag-aantay . Pag gising ko nakatutok siya sa laptop niya habang may kausap sa cellphone. Tumayo siya at lumabas ng maramdaman niyang bumangon na ako mula sa kama.



Naligo, nagtoothbrush , nagpabango , nagpapogi para sa lakad namin ngayon araw. Excited ako na libutin ang batanes, kasi doon ko lang siya nakakausap kahit konti.



Umupo lang ako sa kama habang sinisilip siya sa labas na hindi pa din tapos makipag-usap.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko mula sa bag.

" men kamusta ka diyan ?" - sabi ni ange mula sa kabilang linya.


" ayos naman "


"Oh bat malungkot ka ? Hindi ka ba nageenjoy sa syota mo ?"


" nag-eenjoy naman, busy lang siya madalas" -


"Ano yan ? Magbabakasyon pero busy siya ? Kailan ka pa naging isa sa bodyguard ng syota mo ? Hahahah " -


" baliw ka, ang gwapo ko naman bodyguard niya haha " -

" wowwwwwww ang bigat ! Ang lakas ng hangin dito sa tondo ! Tange ! Isa ka lang malaking alalay ng syota mo hahahaha " - pang aasar niya



" sige na , sige na, pabalik na siya " -


" ang epal mo ,nag-eenjoy pa kong asarin ka, ang pangit mo! Ewan ! "-sabi niya at biglang binaba ang cellphone
-----

Pag pasok ni kristelle duneretso lang siya sa laptop niya.


"Who's that ? " -tanong niya habang nakatutok sa laptop


"Ha-hah ? Si ange, nangungulit lang "-sabi ko


"Ahhh , alright " -maiksi niyang sagot


" e-eh yung kausap mo ? Sino yon ? " -tanong ko


" please stop irrogating me " -galit na sabi niya sabay binagsak ang cellphone niya sa lamesa

" ano ba kasi ngyayare ? Anong nangyayari sayo ? Hindi na kita kilala simula bumalik ka mula poland ah " -sabi ko na nakatitig sakanya


" please jo , please ! " - pasugaw na sabi niya


" bat sumisigaw ka ? Nagtatanong lang naman ako" -salubong kilay kong sabi



" dont ruin our vacation , i want to relax jo. Please ! " - naiinis niyang boses


" relax ? Hindi mo nga mabitawan ang laptop. Pag nakipag-usap ka sa cellphone , inaabot ka ng siyam-siyam. Ang tindi naman na bakasyon to ! " - bwisit na sabi ko sabay sinuot ko sapatos .

" where you going ? " - tanong niya habang nakatingin sakin

" kahit saan ! Yung mahahanap ko yung bakasyon na sinasabi mo " - madiin kong sabi tsaka naglakad palabas ng kwarto.


--(   )--

"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon