PART 40

98 3 1
                                    


-

Lumipas ang araw at buwan pero pinili ko pa din magstay kasama si jo, natanggal siya sa trabaho after niya akong pigilan umalis at hindi siya nakapasok, sabi niya baka dahil lang sa away nila ni sir mark niya pero awol daw ang reason kaya siya natanggal .





Nag-apply siya abroad at sa ngayon naghihintay na lang siya ng visa, pero habang wala pa abala siya sa pagpasada ng kuliglig ng erpat niya kaya madalas sobrang pagod siya pag uwi . Humingi siya ng last favor sa akin na tsaka na lang daw ako magstay kay mame pag nakaalis na siya , e wala e olats pa din ako pag siya ang humiling, nangingineg pa ako hahaha pero syempre wala pa din kami, wala pa din kaming relasyon, hindi nga naniniwala ang barkada pero hindi ako nagsasawang magpaliwanag sakanila n bestfriend lang kami ni jo, ang sakit no ? ang saklap kahit sa bahay na ako nila jo nagnewyear, pero sa cebu ako nagpasko kasama ang tatay at mdrasta ko, sa bagong bahay na pinatayo ng tatay ko.




Nalaman din ni jo yung fine na ginastos ko dahil sa kadaldalan ni boy. Ayoko na sana pabayaran pero nagpumilit siya na hulugan kaya hindi siya umuuwe hanggat walang 2k ang kita niya, hindi na nga din siya nakakainom ng alak, kahit yosi niya tinigil niya dahil sayang daw ang pinambibile niya. Andaming nagbago kay jo pati kulay niya naging hating-hati na akala mo kinulayan ng darkbrown ang braso niya, ganon siya kapursiging kumita.









Bukas na din ang graduation ni jen, si jo ang tuwang-tuwa at sobrang excited, akala ko nga siya ang ggraduate , pero pag nakikita niya ang erpat niyang may sakit na nakahiga sa sofa nila, nagbabago ang expression ng mukha niya. Na-operahan naman na erpat niya sa puso, lubog na nga daw siya sa utang sakin pero sabi ko yung pamilya, tirahan at pagkain ko na libre : ayon na lang ang isipin niyang kapalit ng tulong ko sa erpat niya dahil pag inisip niya pa yon baka mastressed lang siya lalo kaya nagmatigas siya na kahit yung pinampiyansa ko na lang sakanya ang babayaran niya para hindi maapakan pride niya at siya din naman daw may kagagawan non.








Wala na din kami balita kay kristelle pag tapos ng sa kulungan, hindi din naman naoopen ni jo kung nagtext or tumawag ba sakanya. Umattend din kami one time sa gettog nila ng highschool classmate niya kaya nakilala ko si rica , nasermonan pa nga si jo ni rica na ilan beses daw niyang pinaalalahan si jo na huwag si kristelle pero habang pinipigilan mas lalong nagwawala kaya hinayaan na lang daw niya.







Sa ngayon alas onse na ng gabi, naghihintay ako sa pag uwi ni jo habang nakaupo sa hagdan. Hindi naman siya umuuwi ng ganitong oras kasi 10pm lang nasa bahay na siya, tinatawagan ko pero nagriring lang ang cellphone niya.








"  nak ako na lang maghihintay kay jhoanna, kumain ka na at magpahinga dahil maaga pa tayo bukas " -sabi ni nanay habang nakatayo sa labas ng pinto.








" ayos lang po ako nay, hindi din po ako makakatulog ng hindi ko nakikita si jo " -sabi ko sabay ngite. Umupo siya sa sumunod na steps na kinauupuan ko.






" mahal mo talaga si jhoanna noh ? ang swerte sayo ni jhoanna kasi ang tiyaga mo, ang bait mo tapos maganda ka pa. buti natiis mo anak ko sa kakulitan niya, sa mga pananakit niya sayo sa emosyonal , hindi mo talaga sinukuan si jhoanna." - sabi niya






" bestfriend ko po si jo nay, kaht ilan beses pa siya madapa , sisikapin kong itayo siya at tulungan siyang magsimula ulit " -sabi ko sabay hinimas niya likod ko.










" matalik na kaibigan nga lang ba talaga ? eehh parang iba e, iba ang nakikita ko sa sinasabi mo iha, matanda na ako , may discount na nga ako sa jeep hehe ,basta wag mong susukuan si jo ah kahit anong mangyare, magiging maayos din ang lahat kapag handa na siya magmahal ulit, kapag sigurado na siyang malinis na ulit puso niya at magaling na sa sugat na nadaanan niya. " -sabi niya sabay ginulo ng konti ang buhok ko , ngumite lang ako at tumango . Hindi naman ako nagmamadali, hindi naman akong tinrato na iba ng pamilya niya.








" oooh ayan na pala si jo eee " - sabi ni nanay at tumayo habang nakatingin kay jo na paparating. Lumuwag ang paghinga ko dahil sa pag-aalala.








Pag-park ni jo, kinuha niya ang dalawang malaking plastic sa loob bago siya sumalubong ng ngite sa amin.







" ohhh bakit gising pa kayo ? mahamog na at malamig pa baka rayumahin kayong dalawa hahah " - bungad niya habang hawak sa magkabilang kamay ang plastic.








mukha mo ..... akin na yung isa, tulungan na kita ? ano ba yan parang ang bigat ? " -sabi ko habang papalapit siya sa hagdan.








" parang anlaki ng katawan mo kung maka akina ka diyan ah , akyat na kayo dadaan ako , Bumili na ako ng rekado at panghanda ni jen para bukas ng hindi na kayo mapagod mamalengke " - sabi niya, ang responsable niya talagang tao . Pumasok na kami sa loob at naghain na ako ng kanin at miswa na luto ni ate jacky , si nanay na nag-alis sa plastic ng mga pinamile ni jo, para sa palabok, kaldereta , lumpia, morcon at pancit na ihahanda ni jen sa graduation niya.










" gusto mong uminom bukas ? matagal-tagal na din tayong hindi umiinom " - sabi niya habang puno ng kanin ang bibig niya.









" ok lang naman, so ibig mong sabihin pahinga ka bukas ? " - excited na sabi ko, umiling siya at uminom ng tubig.










" hindi, bbyahe ako ng alas tres mamaya tapos uuwi na lang ako bago mananghali ,
nay lutuin mo ng maaga ang kaldereta ha ? maglalagare na ko bukas para pag uwi ko gutom na gutom na ko hehe " sabi niya, akala ko pa naman pwede ko siyang matitigan ng matagal











" si ate jacky mo na lang paglutuin at masakit balakang ko , hindi ko na kayang magluto-luto pa , babain ko na lang si ate jacky mo bukas ng umaga para magluto " - sabi ni nanay at pumasok na ng kwarto nila.











Pag tapos namin kumain, nagpahinga muna siya at nanonod ng tv bago maghalfbath. Nauna na ako sa kwartong pumasok dahil tumawag pa tatay ko, alam naman niya na kay jo ako nakatira at alaga ako kila jo kaya gusto daw niyang makilala si jo someday.












Pagbaba ko ng cellphone, sinilip ko si jo sa lapag na tulog na tulog na, ganon lang ang routine namin pero masaya ako kasi kasama ko siya kahit magkaiba kami ng higaan, nakakatulog lang naman ako pag nakita ko na siyang tulog na humihilik ng mahina.














Tuwing paalis siya naaalimpungatan ako dahil parang may humahalik sa labi ko pero pag titignan ko siya naglalakad na palabas ng kwarto. Baka panaginip lang, baka imahinasyon ko lang dahil nga dumating na ako sa point na mahal na mahal ko siya pero sana totoo na lang na nagdadampi ang mga labi namin kahit sa panaginip lang, sino ba naman tatanggi sa taong mahal nila? malamang wala diba ? kaya push lang push at malalaman ko din kung totoo o panaginil lang ang paghalik niya sa labi ko
, kapit lang bes ! kapit lang hehehe. 😋😊











(👇)

"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon