PART 16

126 3 0
                                    


--

Pumarada ako sa tapat ng bahay , ginilid kong maigi para hindi masagi kotse niya, sa driverseat lang yung pwede buksan na pinto.Pagbaba ko ng kotse , nakita ko apat kong kapatid na si kuya june ,kuya jon, kuya unyot , si ate jaca , si tatay , nanay  at yung tatlong hindi ko kilala , na nag iinuman sa tapat ng bahay nila ate taba , si ate taba ay kapatid ko din na napang-asawa yung kadikit bahay namin.


" tangena tol, pati sasakyan ng amo mo inuwi mo dito sa bahay , ang tindi mo hahhahaa " -sigaw ni kuya unyot na lasing na lasing ngumite lang ako habang nakatingin sakanila na takang taka kung anong meron, mag aayos daw muna si kristelle ng mukha niya bago bumaba, kaya matagal pa akong nakatayo sa labas ng kotse habang hinhintay siyang matapos.



" jo kanino ba yan sasakyan? Siraulo ka, magasgasan yan at nalaman ng amo mo, mawawalan kapa ng trabaho, baka ugod-ugod ka na nagttrabaho kapa sakanila , isoli mo na yan " - sabi ni nanay, nakatingin pa din sila sakin lahat dahil di ako umaalis habang nakabukas yung pinto



" ano tol, piling mo ikaw na si piolo pascual sa pose mong yan, tangina pipicturan na ba kita ? Hahahaha " -pangangantyaw ni kuya jon . Nilabas ni ate jaca yung 1200 niyang cellphone para biruin ako na kinukuhaan ng picture , napatingin ako kay jen na pababa ng hagdan




" putragis lumuk up pa ang gago hahaha  , model na model lang ah hahahaha - halakhak na sabi ni kuya june, kung hindi mo sila kilala maasar ka sa pangangantyaw at halakhak nila.



" bat ba nakatayo ka lang diyan jo ? Pumarine ka nga " -kumakaway na sabi ni tatay, hinawakan ni kristelle kamay ko kaya inalalayan ko siya palabas ng kotse.



Paglabas niya nakahawak pa din siya sa kamay ko hanggang isara ko yung kotse , natahimik sila lahat na nakatitig lang kay kristelle, ngayon lang nila nakita si kristelle , ewan ko pero pakiramdam ko ang gwapo ko, sobrang gwapo ko na may babaeng makinis na balat , mala anghel na mukha na mukhang hindi man lang dinapuan ng tagyawat kahit isa .




Naglakad kami magkahawak ng kamay papuntang hagdan, tumakbo bigla si jen papalapit kay kristelle na tuwang tuwa sabay yakap ng mahigpet , na naging dahilan ng pagtanggal sa pagkakahawak niya sakin.



" good afternoon po " bati ni kristelle sa mga nag iinuman , kumaway lang sila at ngumite kay kristelle , pero si nanay tumango lang.



Hinatak ni jen si kristelle paakyat ng bahay na galak na galak.



Lumapit ako sa nag iinuman para tumagay ng empi na chaser ang redhorse



hoy jhoanna, hindi ka pa nga nakakaahon sa pagkalunod mo , ayan ka nanaman nilulunod mo nanaman sarile mo, bakit nandito yon ?" - panenermon ni nanay



" pumasyal lang " maiksi kong sagot



" tangena kung gusto niya pumasyal doon siya sa mga pangmayaman na mall, hindi dito sa squater " -galit na sabi ni nanay



"Matanda na ko , alam ko na ginagawa ko " -pikon na sabi ko


" kung hindi ko nakita yung dalawang linggo mong pagkalunod sa alak hahayaan kita, puta ka , pag isipan mong maigi ginagaw mo , sayo na din naman nggaleng na matanda ka na ! " -galit na sabi niya



" oh tama na yan, sige na jo, umakyat ka na sa taas " - sabi ni tatay habang tinutulak ako paakyat ng taas



" tol, boto kami sa bata mo ah, natikman mo na ba yon ? " -sigaw ni kuya unyot , sumimangot lang ako habang umaakyat papasok ng bahay

Pag akyat ko , may pancit sa lamesa na nasa kalderong malaki na nakatakip lang ng plastic cover . nagkkwentuhan pa si jen at kristelle sa kwarto ko na kilig na kilig si jen pero bigla nilang hininto pag uusap nila pagpasok ko.


" jen anong meron, bakit may pancit sa mesa ?" - tanong ko habang nagtatanggal ng sapatos




" hala te hindi mo matandaan ? Birthday ni nanay ngayon " -sabi niya, napatigin ako kay kristelle.



" mahal bili tayo ng gift for her"-biglang tayo ni kristelle sabay hawak sa kamay ko



" hindi na, ako na lang , dito ka na lang muna
jen ikaw muna bahala kay ate kristelle mo ha? " -sabi ko , tumango si jen



" you dont want to be with me ba ? " -malungkot na sabi niya. Pinisil ko ilong niya ng mahina sabay kinuha dalawang kamay niya at nilagay paikot sa likod ko tsaka tinignan siya sa mata



" gusto , gustong gusto , dito ka na lang para hindi ka na mapagod, magmomotor na lang ako para mabilis ako makakabalik " ngumiti siya na napapakagat sa ilalim ng labi niya na halos namumula na yung malapit sa ilalim ng mata niya



" balik ka agad ha ? " -paglalambing niya



" oo ,pangako " -nakangiteng sabi ko ,bigglang kumanta si jen kaya pareho kaming napatingin ni kristelle.



""Pangako sayo ipaglalaban ko , sa hirap at ginhawa hahhahhaha, ate para lang kathniel lang ah , fan talaga ako ng love story niyo " - kinikilig na ngiting labas ngipin sa sabi niya  , pinipigilan ko ngiti ko pero lumalabas pa din ngipin ko , sinandal ni kristelle yung ulo niya sa balikat ko habang nakaakbay ako sakanya



" mahal you need to go na, if magstay kapa , i will not allow na umalis ka " -sabi niya , mas gusto ko na kayakap ko lang siya habang inuubos yung amoy niya




" pwede bang wag ng umalis? Hahaha " -biro ko , gusto kong sulitin yung oras na katabi si kristelle, inalis ni kristelle yung kamay ko sakanya at umupo sa tabi ni jen




" mahal tuloy na ko ,
Oi jen, ikaw na bahala ha ? " -tumango lang sila at bumaba na ko para hiramin motor ni kuya unyot.




" tol nasan na bata mo ? Pababain mo, inom kamo tayo " - sabi ni kuya june , hindi ko siya pinansin , hiniram ko yung susi ni kuya unyot at nagpaalam na may pupuntahan lang, hindi ako kinikibo ni nanay kaya nagmotor na ako papunta sa binondo para bumili ng cake .



Pag dating ko ng goldilocks pinili ko yung chocolate cake na square para kasya sa amin lahat.




Dumaan muna ako sa chinabank para tignan yung mga bata na laging nakatambay don. Nakita ko yung mga bata na nagtatakbuhan kanina na may pinaglalaruan na cards na ginagawa nilang text.




Inagaw ko yung passport, cards at mga id ni kristelle at nilagay sa bulsa ko na naging dahilan para umiyak ng malakas yung isang bata na maliit .



" hoy nasan yung wallet at pera na kinuha niyo sa babae ? -pasigaw na sabi ko sa mga bata




" hoy ! Bakit mo pinaiyak anak ko, tang ina ka ! " - sigaw ng lalake na mukhang sabog sa droga



" tang ina ka din  , hindi ko pinapaiyak anak mo , tinatanong ko lang kung nasan yung wallet at pera na kinuha nila " -nangigil na sabi ko , nag iinit ako .



" tang ina ito ba ? " -sabay bato sa mukha ko ng wallet



"Tarantado ka ah ! "Pasugod kong sinapak sa mukha sabay tadyak ng malakas. May lumapit na apat na lalaki na mga walang pantaas na suot , pinagsasapak at pinagsusuntok ako ng malakas.



" tulonggg.. tulonggggggg. tulongggg......  "  sigaw ni manang , namamanhid na katawan ko sa mga suntok at sipa nila pero pilit pa din akong lumalaban  , nakatulog na ko ng may naramdaman akong malamig na bakal na tumusok ng dalawang beses sa tagiliran ko .






(👇 click  ☆ )

"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon