PART 34

101 4 0
                                    

--

( ange POV )



  Isa na ako sa pwedeng isama kay jose rizal sa luneta sa pagiging martir. Dalawang linggo , dalawang linggo na hindi ko nakita si jo, tangna naman kasi, sa dami ng tao sa divisoria, sakanya pa tumibok puso ko. Yung huling yakap at halik niya sa ulo ko ang gabi-gabing naalala ko kahit lasing na lasing akong umuuwi galing sa kung saan-saan dumadayong inuman.





Halos anim na buwan umikot lang kay jo ang mundo ko, tangna ang supportive friend ko pa nga, minsan dinadalan ko pa siya ng tanghalian sa trabaho niya para masigurado ko lang na kumakain siya. Pag gabi naman nagkakandahaba na ang leeg ko kakatanaw sakanya, dahil sa tapat lang naman ng pwesto siya dumadaan pauwe, oo na , sige na , kapul na kung kapul , e wala e . Olats , olats ako sa syota niyang modelo na hindi madapuan ng isang alikabok, pusang gala anong panama ko don , sa divisoria puro alikabok ako.





Masakit? Tinatanong pa ba yon ? Sobra !!! Sobrang sakit to the highest level . Isang araw pumunta ako sa trabaho ni jo habang bitbit ang paborito niyang kaldereta na ginisa sa sili sa sobrang anghang , ako na magsosorry sakanya dahil mukhang wala sa bokabularyo niya ang humingi ng dispensa at hindi ko din naman kayang may samaan kami ng loob .







Nagtanong ako sa guard, ang sabi 2weeks daw mawawala kasi may trabaho sa out of town kaya pinilit kong kainin yung niluto kong kaldereta kahit umuusok na ang tenga ko at ilong sa sobrang anghang . Kinagabihan pumunta ko sa bahay nila para magdala ng mangboks na letson manok, panuhol na din para malaman ko lang kung nasaan si jo at kung sino kasama niya. Tuwang-tuwa si aling belen habang sinasalin ang letson manok sa pinggan.






" angge dito ka na kumain , sabayan mo na kami , wala si jhoanna ,tatlo lang kami ni tony at jen kakain nito. Hala tara na " - aya ni aling belen  , kumain kami kasabay ko si jen at si mang tonying .







" buti ikaw hindi ka nagsasawang dumaan dito kahit wala si jhoanna, sana nga magising na yan si jhoanna na dapat ikaw ang minamahal, hindi si kristelle , umpisa palang ayoko sa kristelle na yon , nasisimpatya ko na may bahong tinatago na ayaw umalingasaw , yan talagang mayayaman na yan tsktsk "- sabi ni aling belen habang nakakamay na kumakain na nakapatong sa bangko ang isa niyang paa.







" si nanay talaga, hayaan mo lang si ate. Ang bait kaya ni ate kristelle " - pagtatanggol ni jen








" hala sige ! Ipagtanggol mo ang iniidolo mong si kristelle, saan ka nakakita na nakaratay sa hospital ang syota mo pero nagawa mong iwan na walang ni-ha ni-ho , na hoy ! Aalis ako , pupunta ako sa poland , sasama ako sa mameeey ko . Tangna hindi naman mapapahamak si jhoanna kung hindi dahil sa kaartehan niya. " - asar na asar na sabi ni aling belen








" nagsabi kaya siya, tumawag siya kay ate " - pagtatanggol ni jen






" tumawag ? Oo ! Tumawag ng pasakay na siya ng eroplano , mahahabol ba siya ni jhoanna para pigilan ? Diba hinde ?! Ang tagal bago makatayo ni jhoanna , pasalamat siya hindi napuruhan ate mo , ipagtanggol mo pa yung iniidolo mo ! Hinding hindi ka na makakauwe dito ! Isasama na kita don " - paninindak na sabi ni aling belen habang dinuduro si jen. Tumahimik na si jen at nanood na lang ng tv.









" jen bilan mo ko ng isang bilog pampatulog lang " - paglalambing ni mng tonying sabay inabot ang pera kay jen .










" aling belen at mang tonying tuloy na din po ako, maglalaba pa ako " - paalam ko kay aling belen at mang tonying.






"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon