PART 25

129 3 0
                                    


--

Hinga ! Hingang malalim jo ! Wooohhh !
Pagbalik ko ng sasakyan, nakapatong sa hita ni kristelle ang laptop na apple. Busy . Mukhang iritang-irita itchura niya. Hinawakan ko kamay niya at sinara ang laptop .


" simula na ang oras ko na hiningi ko sayo , pwedeng akin muna ? Pwede bang kalimutan mo muna nagpapasimangot sayo ?"-nakatitig kong sabi, ngumiti siya at nilagay sa bag ang laptop.


" kuya sa paco park tayo" sabi ko sa driver ng sasakyan.


" mahal? Paco park ? Park? So walang roof ?  Its so mainet e, wala bang ibang place ? "- tanong niya na mukhang nagpapaawa.


" wala, 5 oras lang tel , ngayon lang ako magdedesisyon na ako naman ang masusunod, na ako nman masusunod kung saan tayo kakain , saan tayo pupunta " -pikon na sabi ko.

" ok !ok !ok ! " - nakasimangot na sabi niya.



" galit ka ?" -tanong ko sabay hawak sa kamay niya at paulit-ulit na hinalikan.


" no na , you kissed me na e , life is so boring talaga if wala ka hehe " nakangiteng sabi niya , hinalikan ko siya sa pisngi ng mabilis , kaya napangite siya lalo.

" nah ! Nah ! Nah ! Nahhh ! Hahaa stolen kisses are always sweetest "sabi niya na pinipigilan ang ngite,  huminto ang sasakyan kaya napatingin kami pareho sa labas.


"Tara na ! Nandito na pala tayo  " sabi ko , lalabas na sana yung nasa katapat kong upuan na bodyguard niya pero pinigilan ko.

" ako na lang kuya " -sabi ko sa isang bodyguard niya . Binuksan ko ang pinto at inalalayan makalabas ng sasakyan si kristelle habang hawak ang kaliwang kamay niya.

Naglakad-lakad kami kahit kasagsagan ng tirik ng araw . Nagselfie , umupo sa ilalim ng puno  , umikot sa fountain, naglakad lakad hanggang sa tulay na mahaba habang magkakapit kamay na pinagpapawisan na halos basa na dahil sa sobrang kapit ko.



" mahal tara fishball tayo " - aya ko at hinatak siya sa kariton na nagtitinda ng fishball.

" mahal , ahmmm  , its safe ba ? "- tanong niya na napapakunot ang noo.

" oo naman, minsan kailangan natin subukan bago mo isipin ang konklusyon , tikman mo ito " - kumuha ako at binabad sa suka na puro sili at sinawsaw sa matamis na sauce tsaka sinubo sakanya.

" woowww , mashaarap sha mohal ah , never mind na if what will happen later hehe " - sabi niya at siya na ang tumusok mag isa niya ng paulit-ulit , natatawa ako kasi nauubos niya ang kada salin ni manong. Nang maka 5pesos na kami huminto na siya kasi mabigat na daw tiyan niya.

Tawa ng tawa si manong tindero dahil isang magandang babae ang kumakain ng tinda niya, kaya dunami ang bumibile at nakatingin kay kristelle .


" mahal lets go home na " -paawa niya na hindi maipinta ang itchura.


" hahaha  , bakit ? Tinatawag kana ng kalikasan ? Hahaha " -natatawa kong tanong


" what ? Why kalikasan ? "-nagtataka niyang tanong. Naglakad na kami papunta sa sasakyan ng magkahawak ang kamay.

" kalikasan, kasi kailangan ng oxygen natin yon , kailangan ng pang-pataba " - sagot ko

" owwwssss ? Really ? Seriously ? " namamangha niyang sagot.


" hahahaha joke lang  " natatawang sagot ko, hinampas niya ako ng malakas sa balikat


"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon