PART 27

160 2 0
                                    


--

Kinabukasan maaga kami nagising para mag-ayos kahit puyat. Tulog lang siya sa balikat ko na bumyahe hanggang makarating kami ng terminal 3. First time ko sasakay ng eroplano. Nakikita ko palang eroplano,nalulula na ako. DHC-8-400 ang sasakyan namin . Konti lang kami nakapila.

"Hey mahal, are you ok ? " -tanong niya habang pasakay kami ng eroplano sabay hawak sa kamay ko.

" oo naman , ako pa ba ? Nalulula lang ako " -kinakabahan na sagot ko, tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay ko ng paakyat na siya ng hagdan

Pag-upo namin, wala masyadong sakay ang eroplano , konti lang . May libreng mani at tubig .

" you know what mahal? its too small pa compare sa ibang plane " -sabi niya

" ahhhh, bakit mo ba naisipan na pumunta ng batanes ng biglaan ? " -nagtataka kong tanong

"H-ha ? Because... ahmm .. i need something ahhh .. ano , i want to be with you " -nabubulol niyang sagot , pero naniwala ako , kasi may titiwala ako sakanya.

" ahhh , ako din naman e, namiss kaya kita . Miss na miss " - sagot ko sabay hinawakan kamay niya , humikab siya at sumandal sa balikat ko sabay natulog.

80mins ang byahe mula sa naia hanggang batanes , ang gondoooo ng pinas . Mangha na mangha ako habang nasa ere ang eroplano na sinasakyan namin,saklap nga lang, hindi nakita ni kristelle kasi tulog siya.

Ginising ko siya paglapag ng eroplano. Pu-pungas-pungas pa pag dilat ng mata.

" mahal tara na " -aya ko at inalalayan siya pababa tsaka naglakad na papuntang waiting area. Inantay namin ang bagahe namin. Pero mas madami siyang pikit ng mata kaysa makipag-kwentuhan sa akin. Pag labas namin may sumalubong na agad na kakilala ni kristelle , kaya ako ang may bitbit ng maleta niya at gamit ko habang nakasunod sa kanilang dalawa.

Hindi man lang ako pinakilala na jowa niya sa kausap niya. Taena hindi ko man lang naiintindihan pag-uusap nila na ibang lenggwahe. Sumasakit lang ulo ko , lumuluwag lang dalawang natitira na turnilyo ng utak ko.

Pag dating namin sa tutuluyan namin, bumungad sa akin ang napakandang view ng lugar. Tahimik lang, walang pakielamanan. Malaya ka lang kumilos kung anong trip mo, kahit yata maghubad ka sa harap nila, di ka nila papansinin pero hindi ko gagawin yon syempre.

Nagpaalam na ang kausap niya na puti , ngumite pa ako nung umalis siya, e hindi naman pala ako nginingitian . Sinayang lang ang ngiteng aso ko para sakanya, kumaway-kaway pa ako habang naglalakad siya palabas ng pinto,potapet si kristelle pala kinakawayan at nginingitian. Isa siyang malaking ewan !

Nilapag ako ang mga gamit ,dumapa na agad si kristelle at binuksan ang laptop niya.

"  sino ba yon naghatid sa atin dito ?  Sinayang lang yung ngite at kaway ko " -nakasimangot na sabi ko

" friend , ahhhhh , dont mind him " - sagot niya na nakatutok pa din sa laptop niya

" tigilan mo nga ako kakasalita ng ibang lenggwahe, mind !mind ! Sus ! Tagalugin mo nga, putik hindi ko maintindihan " -bwiset na sabi ko

" what's tagalog ba ng mind ?" - nakatutok pa din sa laptop

" edi , utak ! Ano wag ko siyang utakan ? Anong akala niya sa akin ? Mandarambong , tangena kahit ganito ako, may prinsipyo ako sa buhay " - pikon na sabi ko.

" hamp ! Whatever ! Well , ok , ok , gagawin ko for you my highnes" -  tumingin siya sakin saglit at bumalik ulit sa ginagawa niya

" bahala ka nga diyan hindi kita maintindihan, " - sabi ko, lumabas ako at umupo sa tabi ng dalawang estatwa na nakaupo.

Habang nakaupo, sinindihan ko ang yosi ko at nagdekwatro habang nakaupo. Nakakaurat siya, kailan pa ako naging brief ? Isa lang ba akong brief para sakanya , nakakaloko  , for you my haynes nyenyenyeh, bwiseeet !

Nagpalipas ako ng oras hanggang makadalawang yosi, sinama lang yata niya ako para may alalay siya. Sabagay, ayon pala sabi ni mr.khan . Ano ba kasi koneksyon niya kay mr.khan . Akala ko pa naman masosolo ko si kristelle kahit magkasama kami puro trabaho pa din siya , lagi pa din abala sa mga bagay-bagay. Pag hindi abala, tulog naman . Putik na buhay ito , nakakaburyo.


Maya-maya bumalik na ako sa kwarto, nakaramdam na din kasi ako ng gutom , alas dos na pero walang naganap sa amin sa batanes . Pag pasok ko ng pinto , wala pa din pagbabago , nakatutok pa din sa laptop niya.

" hindi ka ba nagugutom ? Kasi ako, kanina pa nagwawala mga buwaya ko sa tiyan ,konti na lang lalabas na sila sa bunganga ko " - tinotopak na sabi ko

" awww ! Shocks ! Its 2pm na pala, wait ahmmm , please call na lang mahal  ,i want chicken with artichokes and sundried tomatoes " -sabi niya, padabog akong lumabas ng kwarto at hinanap ang kausap niya kanina.

Umikot ako ng umikot pero hindi ko nakita ang kausap niya kanina. Naghalo na ang pagkapraning at pagkagutom ko. Nasaan ba kasi ang tindahan, halos isang oras na akong umiikot , lumabas ako at naghanao ng karinderya. Pasalamat na lang kasi may karinderya na hindi naman kalayuan sa tinutuluyan namin. Bumile ako ng 10 tuyo, dalawang kamatis , dalawang pritong manok , isang 1.5 na coke At apat na kanin

Pagbalik ko nakatingin lang siya sa akin habang nakasandal sa kama.

" where you from  ? And what's that ? - tanong niya habang nakatingin sa supot na hawak ko

" sinunod ko ang sabi mo , bumili ako ng chicken at coke ,dried fish from sun at tomatoes heeetoo na yon " - masaya kong sabi at nilagay na sa pinggan ang nabile ko sa karinderya

" jo , i told you to call , just ahhh ! Shocks ! Make ikaw tawag sa phone , dito and order ako mo ng pasta , chicken with artichokes and sundried tomatoes haaaay ! " -nakasimangot na sabi niya habang dinudutdot ang telepono

" wala ka naman sinabi na pasta diba ? " - sabi ko sabay hingang malalim

" wooooohhhh !!! Well make kalimot na lang , im not hungry " -sabi niya at bumalik na sa pag-pindot sa laptop niya.

" dapat lang , pagka tapos kong magpagod , ikaw pa magkakaron ng gana magalit ? Tara na kumain na tayo " -sabi ko habang inaantay siya sa hapag kainan.

" tara na !" - aya ko ulit

" im not hungry ok ! " - nakasimangot niyang sabi

" oo nga ! Hindi ka nga galit, hindi ko naman pinipilit na magalit ka, tara na  tumayo ka na jan o gagawin kong lamesa ang laptop mo ? At diyan ako kakain ? You need to choice  " - paninindak ko

" its choose, not choice " - umiiling na sabi niya sabay sara ng laptop at naglakad na papunta sa tapat ng kinauupuan ko.

" pareho lang yon , choose o choice , basta may cho , oookay na yon " -sabi ko habang nagsasalin ng kanin sa pinggan .

" hahaha , youre so cute mahal , great comedian " --natatawang sabi niya habang umiiling

" wag ka na mag-eenglish ha ? Wag na ! Napipika na ako, hindi ko naiintindihan " -sabi ko  ,nakatitig lang siya sa kinakain kong tuyo at kamatis.

" mahal , sa akin chicken , ayaw ako niyan isda ." - sabi niya, inabot ko sakanya ang dalawang manok at ako ang kumain ng tuyo habang nakakamay.

mahal , i need to finish my report , so bukas tayo na lang alis ha ?  And its late na din naman " -sabi niya , tumango lang ako at bumalik na sa kinakain ko habang kinakagat ang buong kamatis .

(👇 click ☆)

"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon