PART 21

122 4 0
                                    

---

Jo POV :

(5MONTHS AFTER)



"   Joooooooooooooo ...... hala bilisan mo mahuhuli na kayo , naiinip na si angge  " - nagagalak na sigaw ng nanay ko mula sa baba




" oo , pababa na, sandali lang " -sigaw ko




Nagmadali na akong nagsuklay at bumaba para puntahan si ange..
Lumapit si nanay sakin pagdating ko sa baba at inayos ang ilan pirasong buhok ko na nakaharang sa mukha ko



" ang gwapa talaga ng anak ko hehehe congrats anak ha? " -mangiyakngiyak na sabi ni nanay na may hawak na sandok



" hala nagdrama pa si nanay, sige na nay tuloy na kami " -sabi ko na naiilang sa pag-aayos niya ng buhok ko




" tuloy na po kami aling belen " - ika ni angge kay nanay




" hala sige , mag ingat kayo, balik ka dito iha ha ? Sabihan mo din mga barkada mo para mag tungga tayo mamaya pag balik niyo , wag na kung sansan pumunta ha? - ika ni nanay



" opo aling belen, sige po " -nakangiteng sabi ni ange



"Hala sige , ingat kayo " -nakangiteng sabi ni nanay , ngumite ako at tumalikod na .


Naglakad na kami papunta sa gaganapin na ceremony na nakatapos ng bartender/barista sa tesda. Pinilit ko talagang makatapos, naghanap ako ng ibang pagkakaabalahan bukod sa trabaho ko. Pumayag naman yung manager ko na hindi ako mag o.t ng tatlong buwan.



" magpupunta ba jowa ? "-tanong ni ange habang sabay kaming naglalakad.



" hindi, nasa poland pa siya ,may mga inaasikaso pa daw "-sagot ko



" ahhh , soya lang yan, nandito naman ako, magkasunod tayong kukuha ng crrtificate hehehehe "sabi niya sabay patong ng kamay sa balikat ko



" hehe baliw ka "sabi ko habang ginulo ng konti buhok niya




" uyyyy ano ba, ang tagal kong inayos to, tapos guguluhin mo lang, ganyan ka e no " -sabi niya habang hinahawi buhok niya


"Wowwww ginulo lang ng konti, kung makareact ka naman parang ginulo ko na buhay mo hehehe , pasensya, pasensya naman po " -nakangiteng sabi ko , nakarating kami ng barangay kung saan gaganapin ceremony. Walo lang kami nagpatuloy at nagtiyagang makatapos, gusto ko na din iahon sa hirap pamilya ko kaya ginawa kong kalabaw na payatot katawan ko, marating ko lang ang dapat kong puntahan.


Pagtapos ng ceremony, sinundo kami ng barkada ni ange na naging barkada ko na din dahil sila ang nag-alaga sa akin sa hospital simula ng hindi na bumalik si kristele ng pag alis niya na kasama ang mommy niya, pero tumatawag pa din naman siya, longdistance dahil nung araw na yon, kailangan daw niya agad lumipad papuntang poland.
Dala ni nonong ang minamaneho niyang jeep , nagkaron ng improvement kasi buntis na si des kaya kailangan daw niyang kumita ng mas malake para sa panganganak at sa pagpapakasal nila sa wes dahil hindi na makapagtrabaho si des sa bar na pinapasukan niya.




" pre dadating ba syota mo? "Tanong ni nonong habang nagmamaneho ng jeep




" hindi " -maiksi kong sagot




" ayossssss ! Ngayon ka na lang ulit namin makakasama uminom, matagal nakapagpahinga katawan mo, malamang mabilis kang malalasing mamaya hahhaa ,
May pag asa na si ange hahahaahaaayyy !" - tumatawang sabi ni nonong sabay lapit ni angge  sa likod ni nonong at sabay batok sakanya ni ange, na mukhang pikon ang itchura.



"Tantanan mo ko negro ah ! " - pikon na sabi ni ange , nagtawanan ang tropa pero kami ni ange parehong napapailing na lang




Pagdating namin sa bahay,nakahanda na ang palabok,pansit bihon, adobong paa ng manok at limang bote ng dalawang litro ng emperador . Nalula ako, ang tagal din hindi nasayaran ng alak lalamunan ko. Ang tagal ko na din hindi nakikita si kristelle. Lumapit si jen na may malaking ngite sa mukha.




"Ate congrats ha?, nauna kapa sa akin makatapos hehe, malapit na din ako maging teacher, konting panahon na lang ate " - nakangiteng sabi ni jen



" oo, kaya tapusin mo ha? " - nakangiteng sabi ko at naglakad na kami para kumain, nagkakainan na din sila ange sa lamesa, sila kuya at tatay naman nag-iinuman na .



" ate si ate kristelle hindi pa ba umuuwe ? Namimiss ko na kasi chikahan namin "-sabi ni jen habang kumakain , kumuha ako ng tubig at ininom para matulak ang palabok na nasa lalamunan ko.



" hindi pa daw, madami pa daw pinapagawa daddy niya "-sabi ko na nakaramdam ng konting lungkot dahil miss ko na din siya, miss ko na siyang kasama.



Tinagayan ako ni ate taba ng kalahating baso ng emperador . Napalunok pa ko ng tatlong beses habang inaamoy ang matapang na emperador.



" tol alak lang yan, hindi ka sasaksakin niyan hahhaha - pabiro ni ate, nagtawanan lahat pero tinitigan ko pa din ang empi na nasa baso.



" gusto mo saluhin kita ? -nakatingin sabi ni ange



" pota ! Kaya niya yan  , baka ibang salo naman ibig mong sabihin wahahahaha "-halakhak na ng-aasar na singit ni nonong.



" oh ito ka oh 🌵 " - pikon na reaksyon  ni ange. Napangite ako habang umiiling kasi para silang aso't pusa .



Pinilit ko na lang lunukin at tuloy-tuloy na kaming nag-inuman, ng nakatatlo na kami nagpaalam ng umuwi ang barkada pero si ange ay nagpaiwan na kasabayan ko na umiinom pa din.
Sinisipat-sipat ko ang cellphone ko na umaasa na kahit text lang meron si kristelle para i-congratulate man lang.


" hindi na tatawag yon, ginagasgasan mo lang kamao mo kakalabas pasok sa pantalon mo " biglang sabi ni ange sabay ininom ang alak na nasa baso at sinalinan ulit.


" lasing ka na 'ge, hatid na kita " -sabi ko habang inaagaw yung baso na iniinom niya



"  ano ba ! hindi ako lasing" -pasigaw na sabi niya na mahigpit ang hawak sa baso



" tara na, tama na yan " asar na sabi ko , inagaw ko na yung baso tsaka pinahawak kay kuya unyot , pumara na din ako pedicab at isinakay si ange.





(👇 click ☆)

"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon