PART 18

130 3 0
                                    


--

" o-opo " - sagot ko sabay inabot niya sakin yung cellphone at kung ano-anong card, id , passport , wallet at pera, mas lalo kong kinabahan, mas lalo kong natakot , mas lalo kong nanlambot.


" nawala siy--" - napahagulgol na ko at napapadyak, habang tinatakpan ng mukha ko yung hawak kong gamit ni jo, ang sakit ! Ang sakit tanggapin ,nilagay ng kausap kong doctor yung kamay niya sa gilid ng likod ko habang hinahamas.


" ate relax lang po, nawala siya ng 2minutes pero bumalik din siya, pwede na siya dalhin sa private room para mas safe " -sabi ng doctor, napahinto ko sa pag iyak, kinuha ko kamay niya at nagpasalamat. Inasikaso ko na agad ang mga pinapakuha sakin, nagdeposit na din ako gamit ang 5libo na pera na inabot sakin. Nakiusap na lang ako para madala na sa kwarto si bebe.



Sabi ng doctor gigising din naman siya agad, dahil wala naman brain damage, bugbog lang talaga mukha at katawan niya . Hindi din malalim yung saksak niya .
Nilapag ko mga gamit na nakuha kay bebe sa lamesa na nasa tabi niya, puro sophia kristelle reyes , maganda, maputi , payat ang mukha na sobrang kinis , lamang lang siya sakin ng isang paligo ,siguro siya yung kristelle na isang beses nabanggit ni bebe ng mag-inuman kami.




Hinawakan ko kanan kamay niya habang nakadampi ang labi ko sa kamao na may sugat na magang maga habang hinihintay siyang gumising . Tuloy pa din ang pagpatak ng luha ko, dahil naawa ako sa itchura niya na halos hindi mo na makikilala ang mukha na magang maga. Halos dasal pa din ako ng dasal na gunising na siya .


" bakit ka umiiyak " -hirap na salitang sabi niya, hinawakan niya kaliwang pisngi ko, napangite ako habang tumutulo luha na parang baliw. Sana hawak na lang niya pisngi ko lagi. Pinilit niyang ngumiteng maliit kahit ang laki ng mukha niya.


May biglang nagbukas ng pinto, kamukha ng nasa mga id's, pero mas maganda siya sa personal, mukhang model, halatang mayaman, halatang hindi dumaan sa hirap, natanggal ang kamay ni jo na nakadikit sa pisngi ko, inakap siya ng babae, sakanya na nakadikit yung palad na kaninang nasa akin , inakap din si jo ni aling belen. Tumayo na ko at naglakad palabas ng kwarto, sumandal ako sa wall na namagitan sa amin tatlo ng babae at ni jo .Mas masakit pala, mas masakit !


Lumapit sakin si des at nonong na kakarating lang,napayakap ako kay des, yung mahigpit , yung gusto ng sumabog ng sakit. 💔



" des, ang sakit, ang sakit sakit !" -😢 bulong ko habang nakayakap sakanya, hindi ko na maexplain yung sakit , ganito pala kasakit magmahal parang comatose na katawan ko.


" kayanin mo, kaya mo yan . Mawawala din yan , tara na, uwi na tayo , papaalam lang ako sakanila " -mahinang boses niya, tinanggal ko na pagkakayakap kay des at pumasok siya sa loob. Na siya namang labas ni aling belen ,niyakap ako at nagpasalamat , pinuno ko na ng hangin bibig ko para lang pigilan pag tulo ng luha ko habang nakayakap si aling belen.




Sinipat ko muna yung babae na haplos ng haplos kay jo bago ko umalis, bago kami naglakad palabas . Nakaakbay lang sakin si des hanggang makasakay kami ng tricycle ni nonong, dinaig ko pa namatayan. Para na din ako namatay.

---------------------------------------------------------


( Kristelle POV )

Jen and i talked about her lesbian girlfriend while nag-aantay sa pag back ni mahal. She's so kilig while telling the story, but mas kinikilig ako sa gaze ni mahal lately . Hehe , she's so cute . Her look is sobrang nakakamelt like a chocolate bar na nilabas sa fridge then tinapat sa sun. My mahal is so hot thats why im melting while shes looking na may kagat lower lip niya. Mas lalo siyang gumwapo kasi wala ng mark ng bruise and wound ung face niya . Hay i miss her na agad tuloy.




"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon