PART 44

104 2 0
                                    

---

Kinagabihan isa-isa namin dinaanan lahat ng branches ni nonong na dala ang van para sunduin sila viena, emy  , george , ate jacky and des. Sa branch ni george kami nagtagal kasi madaming tao, madami pang customer kaya inabot kami ng 2am sa pagsara, pinauwi ko na mga bodyguards ko kasi safe naman ako pag sila nonong kasama ko.









" mga babaita may sasabihin ako sa inyo ....ayyyyyyiiiii hihihihi  " -excited na bungad ni des na nakaharap sa amin lahat , napangite si nonong sa salamin .habang nagd-drive .










" ano yon aber ? " -tanong ko na may pagtataka











" 10weeks pregnant ang lola niyo ... ihhhhhhhh hihihihi ..... " masayang kwento niya na nakangisi












" wow after 4years ngayon lang ulit  nakashoot si negro  ? hahahaha " - biro ko . Nagtawanan kaming lahat.











" ang sabihin mo , ngayon lang nagpashoot si des kay nonong hahhha " -singit ni ate jacky sabay tumawa ng malakas .












" hoy ! hoy ! hoy , si des kaya ang gumahasa sakin nung nag-inuman kami ni george, eeee hindi ako nakatanggi sa grasya kaya sinunggaban ko agad, matagal-tagal na din kasi akong nagpapahinga dahil kung saan-saan kami bumabyahe ni ange " - biglang hampas sakanya ni des ng malakas, sabay sumimangot.













" ayann ... ayannn...bilhan mo yan ng pagkain negro, baka maging kamukha mo yung bata kawawa naman ...hahahahah " - biro ko sabay chineck ang cellphone ko.









" sabi ko nga, yung ange ngayon ang paglihian eee .. ang laki ng ginanda, iba talaga nagagawa ng pera hahaha " - sabay nilagay ko ang phone sa bag ko at piningot ng mahina si negro .










" ang bigaaaat ng biro mo ahh , realtalk na masyado ... eeee ano naman kung pinaputol ko ang baba ko ? tignan mo naman , aha ! who you na si kristelle pag nasalubong ko siya ulit haha " - sabi ko, ginawa ko lahat para ma.ging perfect ang katawan ko at hindi na ako iwan ni jo . Tumahimik silang lahat , nawala ang tawanan, biglang nagsalita si viena.













" bakla ano ?hindi ka pa din nakakamoveon kay kristelle ? ang tagal na noon ah , nawala na nga na parang bula si kristelle , ok lang naman na magpaganda ka pero dapat para sa sarile mo, hindi dahil sa ibang tao , move on na bes , 20th century na " -natahimik ako, hindi ako nakasagot . Ang bitter ko pa din pag dating kay kristelle. Kinuha ko na lang cellphone ko at sinubukan tawagan si jo pero offline at out of coverage ang cellphone niya.














Pag dating namin ng bahay, dumeretso na ako sa kwarto . Walang imik na nagpasukan sa kanya-kanyang kwarto. Humiga, nagpaikot-ikot sa kama na malaki habang pinaglalaruan ang kurtina na nakapalibot sa kama ko.












Inabot na ako ng 3:30am pero hindi pa din makatulog , bumaba ako para kumuha ng alak pampatulog habang hawak ko ang bote ng whisky, napansin ko na may nakaupong nakatalikod malapit sa pool na may beer sa tabi niya habang nakasawsaw sa tubig ang paa, pinaglalaruan ang usok na binubuga mula sa bibig niya. Naalala ko si jo, pero hindi ko na nakita si jo na nag-smoke. Naalala ko lang yung dating si jo . Lumapit ako habang hawak ang bote at baso na may yelo.











Pag-upo ko malapit sakanya , nilapag ko ang hawak ko at binuksan ang whisky na nasa right side ko.











" ma-maam ?  tagay po" - sabay abot niya ng baso pero hindi tumitingin. Nag-indian seat ako tsaka kinuha ang beer na inabot niya.















"  MYSTERIOUS  " Story By : Ghie Samson (lesbian story) 《complete》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon