*1*
“Hoy Aina! ‘Yung utang mo, bayaran mo na! Aba, aba…dalawang buwan ka nang hindi nagbabayad ng renta a!”
Ayan na naman ‘yung landlady namin. Naniningil na naman! At ang ganda pa ng timing niya! Kung kailan naman ako paalis saka siya maniningil? Baka ma-late pa ako nito sa trabaho—unang araw ko pa man din ngayon.
“E, pasens’ya na ho. Hindi pa ho kasi dumarating ‘yung suweldo ko sa resto. Next week nalang ho, p’wede?” pakiusap ko.
Andami-dami ko kasing bayarin. Idagdag mo pa ang pagkahaba-habang listahan ng mga utang ko. Sa sobrang dami ng mga iyon, halos wala nang natitira sa sinusuweldo ko. Buti nalang marunong akong mag-budget ng pera.
“Sumosobra ka na ata! Kailangan din naming ng pera aba!” wika niya sabay paypay sa sarili.
“Pasensiya na ho talaga! Wala ho talaga akong pera. Promise, next week ko ho babayaran lahat ng utang ko. Alam niyo namang marami ho akong gastusin.” pagmamakaawa ko. “Iyong medical fees pa pala ni Papa…” bulong ko sa sarili ko nang maalala ang aking ama.
Kamusta na kaya siya? Hindi ko kasi siya nabisita nitong mga nakaraang araw dahil sobrang busy ko sa trabaho—hectic ang schedule ko dahil marami akong pinapasukang part-time at mga sideline. Dadaanan ko na nga lang si Papa mamaya sa ospital upang makamusta ang kalagayan niya tutal day-off naman ako ngayon sa resto.
Hindi pa rin umiimik si Aling Tonya kaya nagsalita akong muli.
“Babayaran ko ho talaga next week! Kapag hindi pa rin po ako nakapagbayad sa susunod na linggo, ako na ho mismo ang lalayas dito.” I swore.
Sana pumayag siya! Kundi…hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. Baka sa kalye na ako tumira kung sakali! Ang hirap talagang maging mahirap.
Napabuntong-hininga siya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinilot ang magkabilang sentido. Para bang stress na stress siya sa ‘kin. Napakagat ako sa aking labi. Mukhang hindi pa ata siya papayag! Malilintikan na! Ni-check ko ang oras sa aking wrist watch at salamat naman! May halos tatlumpung minuto pa ako bago magsimula ang aking duty sa company. Sana lang talaga…huwag akong ma-late!
“A—Aling Tonya?”
“Sige na, sige na nga! Next week ang bayad ha! Kapag hindi ka nakapagbayad sa susunod na linggo, hindi na kita pagbibigyan pa. Lalayas ka na talaga. Maliwanag?”
Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan matapos niyang sabihin iyon. Unti-unti akong napangiti at dahil sa sobrang galak, tumalon-talon pa ako na parang bata (partida, naka-heels pa ako n’yan!) at niyakap si Aling Tonya.
“Naku! Thank you ho talaga Aling Tonya! Hulog talaga kayo ng langit!” pasasalamat ko sa kaniya. S’yempre, kailangang bolahin nang kaunti para mawala inis niya sa ‘kin.
“O siya, siya! Tama na! Ang OA ha! Lakad na at baka ma-late ka pa. Unang araw mo pa naman ngayon…Hala! Alis na!” Agad naman akong bumitaw mula sa pagkakayakap nang marinig ko iyon.
“Ay, oo nga pala! Sige ho! Una na ako Aling Tonya! Salamat ho talaga nang marami!” nagmamadali kong sabi at saka ako tumakbo palabas ng apartment.
Dali-dali akong nagtungo sa may sakayan ng d’yip.
Habang naghihintay ng masasakyan, tahimik lang akong tumayo roon habang tahimik na nagmamasid-masid sa paligid. Napatingin ako sa dalawang teenager na naglalakad hindi kalayuan sa kinatatayuan ko—couple ata; holding hands kasi sila, e. Mukha pang totoy ‘yung lalaki dahil sa kapayatang taglay nito (pero matangkad) tapos naka-suot pa ito ng salaming may makapal na frame. Iyong babae naman…simple lang pero maganda. Masaya silang nagkukuwetuhan habang naglalakad sa sidewalk.
BINABASA MO ANG
EverLUSTing Love
General Fiction[Revised Version - Completed / Prequel - Slow update] His sweet vengeance is yet to come; my greatest karma ever.