*18*

2.3K 41 3
                                    

*18*

 

Matapos no’n, ilang araw rin niya akong hindi pinansin. Ilang araw rin niya akong binigyan ng cold and silent treatment. Ilang araw niya rin akong pinahirapan sa trabaho. Akala niya hindi ko napansin ‘yon? Na mas dinamihan niya iyong paperworks na pinagawa niya sa ‘kin? Alam ko namang sinad’ya niya ‘yon. Hinayaan ko nalang tutal malaki naman ‘yong pinapasuweldo niya sa ‘kin kaya siguro patas lang din ‘yon. Hindi ko rin siya pinansin no’ng mga panahong ‘yon; nasaktan din naman kasi ako sa nangyari. At…hindi naman gano’n kadaling tanggapin ‘yong mga masasakit na salitang binitawan niya.

Akala ko nga hindi na kami magkakaayos, pero nagulat ako nang bigla nalang niya akong pansinin ulit no’ng isang araw. Simula no’n, sumasabay na ulit siya sa ‘kin sa pagkain ng lunch. Kinakausap niya na ulit ako na para bang walang nangyari. Para bang hindi siya nagalit sa ‘kin. Ayos lang naman ‘yon. Mas mabuti na ‘yong ganito kasya naman sa hindi kami nagkikibuan. Kahit na hanggang magkaibigan nalang kami…ayos lang. Kahit masakit, kahit mahirap…tatanggapin ko. Better than nothing, right?

Palabas na ako ng opisina bigla siyang mag-text sa ‘kin.

From: Sir Jace

Kita tayo mamaya sa may park.

I instantly sent him a reply.

To: Sir Jace

Why?

Kaagad naman siyang nag-reply.

 

From: Sir Jace

Date tayo ;)

And I was like…what? Date? Talaga? Hindi nga? And what’s with the smiley face? Paki-sampal nga ako! Baka kasi nananaginip ako nang gising dito, nagha-hallucinate or what.

To: Sir Jace

Really? You’re asking me for a date? Are you serious?

Hindi pa rin ako makapaniwala. Kasi naman, ang cold niya sa ‘kin last week tapos ngayon ganito? Anong nakain niya?

Halong kaba at excitement ang naramdaman ko habang binabasa iyong reply niya.

From: Sir Jace

Ayaw mo?

Anong ayaw ko? Gustong-gusto ko! Pagkakataon ko na ‘to! Ma-reply-an na nga! Baka mamaya baiwiin niya pa, e. Sayang naman! Hahaha.

To: Sir Jace

Hindi, ah. Sige ba. Anong oras?

Abot-tainga ang ngiti ko matapos kong pindutin iyong send button. May date kami ni Jace! Waaaa! This is so good to be true!

From: Sir Jace

Mamayang 5pm. Hintayin mo nalang ako sa may park. Baka ma-late ako nang kaunti kasi marami akong ginagawa. Ayos lang?

EverLUSTing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon