*5*
I immediately went home matapos kong matanggap iyong mga papeles na iniabot sa ‘kin ni Jace. I didn’t bother to stay kahit na inalok niya pa akong sumabay sa kaniya sa pagkain ng dinner. Hindi na kasi naging maganda ang takbo ng mga pangyayari. At—hindi ako interesado sa pakikipaglaro sa kaniya.
Kinabukasan, na-late ako nang gising dahil tinapos ko pa iyong mga papeles na pinaayos niya sa ‘kin kagabi. Kailangan niya na raw kasi iyon bukas na bukas din kaya wala akong choice kundi tapusin iyon within one night. Kinabukasan niya na kailangan pero kahapon niya lang ibinigay sa ‘kin upang ayusin…nananadya ba siya? Mukhang nag-uumpisa na ang pagpapahirap niya sa ‘kin.
Kaya naman cramming ang drama ko kinaumagahan. Pasado alas otso na kasi ako nagising.
Dumating ako sa company pasado alas nuebe nang umaga. Define late!
Binilisan ko pa lalo ang paglalakad papunta sa opisina ng boss ko. Kung p’wede lang tumakbo, ginawa ko na! Kaso naka-heels ako at hindi naman iyon magandang tingnan (professionalism at its finest ang drama) kaya no choice kundi maglakad nalang. Sinabi niya pa namang dapat before 9 am, maibigay ko na sa kaniya ‘yung papers. Patay ako nito ngayon! Wala pa nga akong isang buwan sa company, may record na agad ako ng late! Muntik pa nga akong madulas dahil sa sobrang antok; plus the fact na tiles iyong sahig ng building.
Hingal na hingal ako nang makarating sa ikalabindalawang palapag. Nagdahan-dahan na ako sa paglalakad tutal malapit na naman ako. Nang makarating sa tapat ng kaniyang opisina, naglabas muna ako ng panyo at pinunasan ang mga patak ng pawis na namuo sa aking noo. Late na nga ako, kaya dapat maging presentable naman ako kahit papaano. Kakatok pa lang ako nang kusang bumukas ang pintuan.
Si Jace…he was with another woman again.
Napatigil sila sa kanilang masayang k’wentuhan at tawanan nang mapagtanto nilang nandito ako’t nakaharang sa kanilang daan. Bastos na kung bastos pero hindi talaga ako umalis sa ‘king kinatatayuan kahit pa nakaharang ako sa daan. Alam kong wala naman akong karapatan pero hindi ko lang talaga mapigilang mainis…at magselos. Lalo na’t hindi basta-basta ang babaeng kasama niya ngayon. Sa pananamit pa lang, halatang mayaman ang isang ito. Hindi lang mayaman, she was also gorgeous and undeniably hot; an epitome of every man’s dream. Masakit mang aminin pero, walang-wala ako kumpara sa babaeng ito.
“About the proposal, I’ll call you about it later.” she said.
“Thanks for the great time. I had fun,” sagot naman ni Jace and then he smiled, sweetly.
Matapos ang halos anim na taon, ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti. Ang masaklap, nang dahil sa ibang babae.
“I have to go. So…see you again, Jace. Until next time.” she answered. She tiptoed and gave him a peck on his cheek. With that, she left.
Talagang kailangan sa harap ko pa? Ugh.
Without any word, Jace went back inside his office. I followed him.
Umupo siya sa kaniyang swivel chair and started doing his work using his laptop, again. The smiling face was gone.
“I’m done with the papers, Sir. Sorry for being late,” I said with a hint of annoyance as I handed him the papers. Shit, I sounded like a jealous girlfriend! Damn it. Kaunting pride naman sa sarili, Aina! Maawa ka sa sarili mo.
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo matapos tanggapin ang mga papeles. Inilapag niya lang iyon sa kaniyang desk without checking its content. Napaatras ako nang maglakad siya papalapit sa ‘kin. Bumilis ang tibok ng aking puso at bigla akong nakaramdam ng kaba. Ano na naman bang binabalak niyang gawin?
BINABASA MO ANG
EverLUSTing Love
Ficção Geral[Revised Version - Completed / Prequel - Slow update] His sweet vengeance is yet to come; my greatest karma ever.