*20*
“H—hello?”
“Ate Ai, it’s me…Beatrice,” sagot no’ng tumawag, “wait, are you crying?”
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Pilit kong pinagmukhang normal ang boses ko.
“B—Beatrice! I—ikaw pala ‘yan. Napatawag ka…anong kailangan mo?”
“Si Kuya Jace…”
Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit? Anong nangyari sa kaniya? Alam kong ayaw sa ‘kin ni Bea at hindi naman siya siguro tatawag sa ‘kin unless may masamang nangyari. Bigla tuloy akong kinabahan.
“What about him?”
“Kasama mo ba siya ngayon?”
“No. I never saw him again mula nang mang-resign ako sa company—”
“What? Then…nasaan siya ngayon kung hindi mo siya kasama?” gulat niyang sabi.
“I don’t know. Bakit ba ako ang tinatanong mo—?”
“Tatlong araw na siyang hindi umuuwi. Hinayaan ko lang no’ng una kasi akala ko, magkasama kayo. Para makasigurado, ni-text ko siya pero hindi naman nag-reply. Ilang beses ko rin siyang tinawagan sa phone pero hindi naman siya sumasagot. Nakakapagtaka lang. Nagsasabi naman si Kuya sa ‘kin kapag may pupuntahan siya, hindi naman siya basta umaalis nalang nang walang paalam. Nag-aalala na ako kay Kuya, kahapon ko pa siya hinahanap pero hindi ko pa rin siya nakikita. Hindi ko na alam ang gagawin ko. What if may masamang nangyari sa kaniya? Please Ate, tulungan mo naman akong hanapin siya.”
Hindi ako agad nakasagot. Napakagat ako sa labi ko. Anong gagawin ko?
“Please Ate. Nag-aalala na talaga ako kay Kuya,” pagmamakaawa niya.
Huminga ako nang malalim at saka sumagot.
“Fine.”
Sa kabila ng lahat nang nangyari, may pakialam pa rin naman ako sa kaniya kahit papaano. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kaniya…
“Asan ka ngayon, Ate? Dadaanan kita,” aniya.
Sinabi ko naman sa kaniya kung saan ako nakatira ngayon.
“Okay. Wait for me. I’ll be there as soon as possible.”
Bago pa man ako makasagot, binaba niya na ang tawag.
Tumayo na ako’t lumabas ng k’warto. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit since naka-tokong at plain white shirt naman ako. Kinuha ko ang cardigan ko at isinuot ito. Kinuha ko rin ang wallet ko at ibinulsa ito kasama ang phone ko. Saka ko sinuklay ang magulo kong buhok at itinali. Ayos na siguro ‘to.
Isinuot ko ‘yung flip flops ko, lumabas ng bahay at saka ini-lock ang pinto. Pagkalabas ko ng gate, sakto namang dumating si Bea. Bumaba siyang kotse at sinalubong ako.
BINABASA MO ANG
EverLUSTing Love
General Fiction[Revised Version - Completed / Prequel - Slow update] His sweet vengeance is yet to come; my greatest karma ever.