Before The Worst {3}

933 19 1
                                    

Before The Worst

{3}

“Bibili ka ba o hindi? Marami pang naka-pila o!” mataray na itinanong ng tindera sa counter.

Kanina pa kasi ako nakatunganga rito sa menu. Ang mamahal naman kasi ng mga itinitinda nila – hindi tuloy ako makapili! Pinakamura na ata ay isang platitong spaghetti na tig-trenta pesos. Hindi naman ako mabubusog sa gano’n! Lang ‘ya! May ginto ba pagkain nila rito at ganiyan kamahal? Makaalis na nga lang dito—alam ko na!

“Magkano po isang bottled mineral water?” itinanong ko sa tindera rito sa counter.

May binalot naman akong dala kaya ayos na ‘yan! Ang mahalaga, may binili ako (kahit na tubig lang) para may dahilan akong mag-stay rito sa cafeteria. Nakakahiya naman kasing kumain dito kung wala ka namang binili, tama? Ayaw ko namang kumain sa greenfield; sawang-sawa na ako sa ambiance ro’n. Saka minsan lang naman ‘to kaya pagbigyan na.

“Fifteen pesos ang maliit. Iyong mas malaki, twenty pesos,” tinatamad niyang isinagot.

“Isa nga po. Iyong tig-kinse,” sabay abot ng bayad.

Matapos um-order ay naghanap ako ng mesang mapu-pwestuhan. Halos mapuno na nga ang cafeteria dahil sa rami ng tao. Lunch break kasi ngayon kaya hindi na nakapagtataka.

Buti nalang at may isang bakanteng table sa may bandang sulok. S’yempre, do’n ako umupo. Kaagad kong inilabas ang aking binalot at nagsimulang kumain.

Binagalan ko ang pagkain na sinabayan pa nang pagbabasa ng libro habang pasulyap-sulyap sa paligid. Periodical exams na kasi namin next week kaya kailangan kong mag-aral. Pagkatapos no’n, bakasyon na dahil nalalapit na ang pasko.

Uminom ako ng tubig at muling pinagmasdan ang paligid.

Pasado alas dose na naman, bakit wala pa rin siya?

Napabuntong-hininga ako. Siguro nga, hindi siya darating. Hindi bale na, mag-a-aral nalang ako. Mas maigi pa ‘to.

Nasa may bandang kalahati na ako ng aking binabasa nang may biglang magsalita. Kaagad akong napaangat nang tingin.

“Uhm, p’wede maki-share ng table?”

Muntik ko pang matabig ang bote ng mineral water dahil sa gulat.

“Err, J—Jace? P’wede maki-share ng table?” aniya. Saka lang ako natauhan. Kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya! Baka kung anong isipin niya…

“Tara na nga, Aina. Sa iba nalang kasi tayo maki-table! Mamaya baka kung ano pang sabihin ng iba kapag nakita tayong kasabay kumain ‘yan,” pabulong na sinabi ng kasama niya na classmate rin namin. Ang arte! Kung ayaw niya, ‘di h’wag siyang maki-table! Sino ba siya sa inaakala niya? Buti pa ‘tong isa, tahimik lang.

“Ano ka ba! Na’ndito na tayo! Saka wala nang ibang vacant table,” isinagot naman ni Aina. “Kung ayaw mo, ‘di h’wag! Basta dito ako kakain,” pagpapatuloy niya.

EverLUSTing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon