[Epilogue]
Abala ako sa pagluluto ng almusal nang may biglang yumakap sa ‘kin mula sa likuran.
“Good morning,” bulong niya sabay halik sa pisngi ko.
What a very nice way to start my day! Agang pampa-good vibes! Napa-ngiti tuloy ako.
“O, gising ka na pala! Good morning! Umupo ka na muna ro’n. Malapit na naman akong matapos dito,” sabi ko naman habang patuloy pa rin sa ‘king ginagawa.
E kasi naman! Hindi ako makapag-concentrate sa pagluluto! Ang hirap ding gumalaw kasi nakayakap siya sa ‘kin.
“P’wede bang ikaw nalang ang almusalin ko? Ikaw pa lang, tiyak na busog na agad ako,” malambing niyang sagot. That makes me blush! Talaga ‘to! Napaka-green!
Hindi niya ako sinunod; nanatili lang siyang nakayakap sa ‘kin. Gumapang ang mga kamay niya papasok sa ilalim ng shirt ko. And then naramdaman ko nalang na hinahalikan niya na pala ako sa leeg habang iyong mga kamay niya naman ay dahan-dahang iniaangat iyong oversized shirt na suot ko. Not now, please?
“I want you right now,” bulong niya at saka kinagat ang aking tainga. Napasinghap ako dahil sa ginawa niya. Shit! Ginamitan niya ‘ko ng bedroom voice! Ang hirap tuloy magpigil!
“J—Jace…ano ba! Baka masunog ‘tong niluluto ko,” wika ko at saka hinawakan ang kaniyang mga kamay upang pigilan siya sa kaniyang balak na gawin. Mahirap na at baka maulit na naman ang nangyari kagabi! Wala pa naman akong ibang suot kundi isang oversized shirt at panty. (Actually, it’s his shirt I’m wearing). Bakit ba kasi hindi muna ako nagbihis nang maayos bago dumiretso rito sa kusina? Ugh!
Hindi siya nagpaawat. Iyong isang kamay niya’y napadpad sa may garter ng underwear ko. He’s about to pull down my panty kaya hinampas ko iyong kamay niya.
“Jace! Ano ba! Baka ma-late tayo sa kasal,” saway ko sa kaniya. Tumawa lang siya. Naman talaga! Pasaway! “Mamaya nalang, okay? Umupo ka muna ro’n! Sunog na ‘tong niluluto ko, o!”
Dahan-dahan naman siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa ‘kin. Buti naman! Kaunti nalang kasi at malapit na talaga akong bumigay.
“Sure. Sabi mo ‘yan. Wala nang bawian, ah?” sagot naman niya. Knowing Jace, paniguradong naka-ngisi na siya ngayon!
“Oo na! Basta umupo ka na ro’n, okay?”
Napa-iling nalang ako at saka nagpatuloy sa pagpiprito.
Dalawang taon na rin ang nakalipas muna nang magkabalikan kami ni Jace. Marami nang nangyari at marami na ring nagbago.
Kinabukasan matapos naming magkabalikan ni Jace, tinawagan ako ni Dr. Ramirez at ibinalitang nagising na si Papa mula sa mahabang pagkaka-comatose. Sumugod agad ako sa ospital kasama si Jace. Sobrang saya ko talaga no’n. Hindi ko kasi inaakalang magigising pa si Papa. Lubos talaga akong nagpapasalamat sa Diyos para sa mga biyayang natanggap ko.
BINABASA MO ANG
EverLUSTing Love
Aktuelle Literatur[Revised Version - Completed / Prequel - Slow update] His sweet vengeance is yet to come; my greatest karma ever.