*17*

2.5K 45 4
                                    

*17*

 

Wala kaming ginawa buong magdamag kundi kumain, magk’wentuhan, magkantahan, magsayawan, at mag-inuman. Kahit na anim lang kami…kahit na hindi ko kasama si Papa sa celebration ng birthday ko, masaya pa rin ako kasi nand’yan silang mga kaibigan ko para damayan ako.

Ansaya-saya ko talaga no’ng gabing ‘yon. Noon lang kasi ulit ako nakaranas ng gano’ng kasayang birthday celebration. These past few years kasi, ever since nagkanda-leche leche ang buhay ko at no’ng umalis na si Sai, ako nalang mag-isa lagi nagse-celebrate ng birthday ko. No’ng mga panahong ‘yon, nasa States na sina Sai…si papa naman na-coma, iyong mga kamag-anak kong ‘di ko naman close ay nasa malalayong lugar. Kaya naman I was really, really grateful for that one of a kind and memorable experience. Nakakatuwa talaga kasi nag-abala pa silang i-surprise ako kahit na alam kong busy sila sa mga trabaho nila. Bukod pa ro’n, may mga regalo pa sila sa ‘kin. Sobrang nakaka-touch lang. Miski si Jace, hindi nakalimot.

Guess what he gave me?

Niregaluhan lang naman niya ako ng Mac Book. Mac Book guys! Hindi lang basta laptop, Mac Book pa talaga! Wala raw kasi akong laptop kaya ‘yon ang ni-regalo niya. Para raw kapag gagawa ako ng presentations, reports and such, hindi ko na kailangang mag-rent pa ng PC sa computer shop. O, ‘di ba? Nahiya pa nga akong tanggapin no’ng una kasi ang mahal kaya no’n. But in the end, s’yempre, wala naman akong ibang nagawa kundi tanggapin ‘yon. After all, it was a birthday present.

Halos isang linggo na rin ang nakalipas mula no’n at kaaalis lang din nina Sai kahapon. Bumalik na sina sa States kasi hindi naman sila p’wedeng mag-stay pa rito nang mas matagal gawa ng mga trabaho nila ro’n. Actually, dapat talaga last, last week pa sila umalis kaso nga lang nag-extend pa sila ng another two weeks para lang makasama ako sa birthday ko. And now…mag-isa na naman ako. Hay buhay! Nakakalungkot tuloy. Ang boring na ulit sa condo ko, wala na ‘yong maiingay rito. Tutal bored ako at wala naman akong pasok ngayong lingo…makalabas nga muna!

Kinuha ko ‘yong wallet at cellphone ko at saka isinuot iyong cardigan ko. Buti nalang at hindi gaanong maaraw ngayon…tamang-tama!

Palabas na sana ako nang biglang may mag-doorbell. Sino naman kaya ‘yon?

Pagkabukas ko ng pintuan, ‘di ko inaasahan ang dadatnan ko ro’n.

“Hi Aina!” he greeted.

“O, Sander! Anong ginagawa mo rito?” bati ko naman sa kaniya.

“Binibisita ka,” he answered and then he smiled. May dala pa siyang isang kahong pizza, isang malaking popcorn at mga tsitsirya na nasa plastic.

“Pasok ka!”

Pagkapasok niya, diretso kaagad kami sa living room. Inilapag niya ang kaniyang mga dala ro’n sa mini table.

“Napadalaw ka. Anong kailangan mo?” I asked him as we sat on the couch.

“Wala naman. Gusto lang kitang bisitahin. Ka-bored sa ‘min, e,” he answered, “Kamusta ka naman?” he asked. Naglabas niya ng isang malaking pack ng Lays mula ro’n sa plastic na dala niya, binuksan ito at sinimulang kainin.

EverLUSTing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon