*10*
Hindi ako nagsalita no’ng mga oras na ‘yon. Niyakap ko rin siya pabalik—nang mahigpit.
Na-miss ko ‘to. Sobra.
Dala ng halu-halong emosyon, hindi ko napigilang hindi maiyak. Hindi naman halata gawa no’ng ulan kaya ayos lang naman siguro?
“I missed you so much, Jace.” I whispered as I cried silently.
If only we could stay like this forever…
Lalong humigpit ang yakap niya. He was murmuring something too, but I couldn’t hear it clearly. Hindi nalang ako nagsalita pang muli at baka kung ano pang masabi ko, masira ko lang ang moment.
Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nanatili sa gano’ng posisyon. Nagpadala nalang ako sa agos ng mga pangyayari. Hindi ko sinayang ang pagkakataon. Baka kasi hindi na maulit ang ganitong pangyayari. Isinantabi ko nalang muna iyong mga problema ko. Ang mahalaga, kasama ko siya ngayon. Basta ang alam ko, masaya ako. Tapos.
Namalayan ko nalang na pa-tila na iyong ulan dahil pa-ambon ambon nalang. Jace suddenly spoke.
“Nanginginig ka. Nilalamig ka na, kailangan mo nang mag-anlaw,” he said. “Tumayo ka na. Ihahatid na kita sa inyo.”
P’wede bang mamaya nalang? P’wede pa-extend? Kahit lamigin ako rito magdamag, okay lang basta kasama kita.
Iyon ang gusto kong sabihin sa kaniya…pero hindi ko nasabi. Bagkus ay dahan-dahan akong tumayo at saka pinagpagan ang sarili ko. Tumayo na rin siya at nagsimulang maglakad patungo sa kabilang gate (na ang diretso ay sa parking lot).
Saka ko lang naalala sila Sai. Naku, baka nag-aalala na ang mga iyon sa ‘kin! Hindi ko naman sila na-text kasi naiwan ko pala ro’n ang bag ko na naglalaman ng mga gamit ko. ‘Di bale na nga, I would explain to her later nalang.
Nagsimula na rin akong maglakad at sinundan si Jace.
Tahimik lang kaming naglakad papunta sa may parking lot. Nang makarating do’n ay agad kaming sumakay sa kotse niya. Pagka-upo ko sa shotgun seat, may kinuha siyang kung-ano sa backseat at iniabot iyon sa ‘kin. Pagtingin ko, jacket pala.
“Isuot mo ‘yan para hindi ka lamigin,” he said.
I thanked him and wore the jacket immediately. After that, he started the engine and started driving back home.
Hindi na rin pala masama ang araw na ito—or so I thought.
-
Tahimik lang kami buong biyahe. Andami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano uumpisahan. Lagi nalang ganito. Lagi nalang umaatras ang dila ko kapag kaharap ko na siya. Buti na nga lang at hindi nagtagal ay nakarating din kami sa condominium na pagmamay-ari niya (na tinitirahan namin pareho). Pagka-park ng kotse, kaagad kaming bumaba at naglakad papasok sa nasabing gusali. Pinagtinginan pa kami ng ilang tao ro’n dahil siguro sa itsura namin (basang-basa sa ulan at panay tilamsik ng putik ang damit).
Sumakay kaming elevator. Kaming dalawa lang ang tao. Buti nalang! Nakakahiya kung may makakakasabay kami tapos ganito ang itsura namin. On the contrary, medyo nakakailang din. Ang awkward kasi solo naming dalawa iyong elevator.
Nanahimik lang ako habang nakasakay sa elevator kasama siya. Ugh. The deafening silence; I couldn’t stand it anymore.
Isang floor na lang…at—oo nga pala! I didn’t have my keys. How was I supposed to enter my unit?
Napatingin ako kay Jace. He was just standing still there, silent and motionless. I remembered that he had spare keys of mine so I decided to approach him.
BINABASA MO ANG
EverLUSTing Love
General Fiction[Revised Version - Completed / Prequel - Slow update] His sweet vengeance is yet to come; my greatest karma ever.