*12*
Simula no’n, palagi ko nang kasabay kumain ng lunch si Jace. Wala rin naman akong ibang nagawa kundi pumayag. Alam kong hindi dapat ako pumayag pero for the nth time, nagpadala na naman ako sa emosyon ko. Gusto kong mag-move on pero anong ginawa ko? Lalo ko lang inilapit ang sarili ko sa apoy.
Rumors spread throughout our company—about something like me having an affair with my boss and such. Since then, tuwing dumaraan ako, lagi nalang akong pinagtitinginan at pinag-uusapan. Hindi ko nalang iyon pinansin, instead, nag-focus nalang ako sa ‘king trabaho. Ang mahalaga, alam ko ang totoo sa hindi; na wala (nga ba?) naman talagang namamagitan sa ‘ming dalawa ni Jace. He was just my boss and I was his secretary. We were not even friends.
Biglang nag-pop out sa utak ko iyong scene kung saan hinalikan ako ni Jace sa pisngi. Dahil sa pesteng halik na iyon, umasa na naman ako.
Aasa nalang ba palagi ako sa wala?
Get a grip, Aina. Halos isang linggo na mula nang mangyari ‘yon, hindi ka pa rin ba nakaka-get over? Goodness! Hay buhay—
“Hey, Aina! Bes! Are you listening? Wala ka na naman sa sarili mo.” Sai said na may kasama pang pagkaway-kaway ng kamay sa tapat ng mukha ko.
“Err, what did you say again?” wala sa sarili kong sagot.
“Sabi ko…baba na! Nandito na tayo.”
Hindi ko agad napansin, nakatigil na pala itong sasakyan. Nandito na pala kami!
Bumaba na ako ng sasakyan dala-dala ang aking backpack.
“And’yan na ho pala kayo Ma’am, Sir. Halina ho kayo. Kanina pa naghihintay si Sir Vince.” wika ni Manang Linda, ang care taker nitong rest house nila Vince. “Amin na ho ‘yang mga gamit niyo, ipadadala ko nalang ho kay Mang Lito.” alok niya.
“Ay, huwag na ho manang. Salamat nalang ho,” Dice answered politely.
“Oo nga ho. Magaan naman ho ito e, we can manage.” Sai added.
“Sigurado ba kayo?” Manang asked.
“Oho. Kaya na ho naming ‘to. Salamat nalang ho.” I answered with a smile.
“Gano’n ho ba? Ay siya, sige. Tara na ho sa loob. Sasamahan ko ho kayo sa mga k’warto niyo.”
Pumasok na kami sa loob ng mansion nila Vince. Simple lang ang istilo’t disenyo nito—bagama’t medyo makaluma ang dating, ay elegante namang maituturing. May mga mamahaling muebles, naglalakihang painting na nakasabit sa pader, magagarang chandeliers na nakasabit sa kisame, mga antigong vase na naka-display, may mangilan-ngilang modernong appliances din at iba pa.
Umakyat kami sa ikalawang palapag gamit ang kanilang magarang staircase at tinahak ang daan patungo sa ‘ming k’warto. If you would ask me why we were here, it was mainly to celebrate Vince’s birthday. Mga kamag-anak at piling kaibigan lang ang inimbitahan niya rito, at kasama kami ro’n.
Also, we would be staying here tonight. Inalok kasi kami ni Vince na mag-over night dito para na rin makapag-bonding kaming magbabarkada. And so we agreed to stay.
BINABASA MO ANG
EverLUSTing Love
Fiksi Umum[Revised Version - Completed / Prequel - Slow update] His sweet vengeance is yet to come; my greatest karma ever.