*13*

2.6K 47 2
                                    

*13*

 

“Back off. She’s mine.”

As if on cue, napaatras iyong mga lalaking humarang sa ‘kin p’wera na lang kay chinito guy; nanatili lang ‘tong nakatayo sa harapan ko, animo’y nakipagsukatan nang tingin kay Jace at sinabing,

“Walang pakialamanan pare. Kami ang nauna—” pero napatigil siya sa pagsasalita nang may ibinulong iyong moreno guy sa kaniya, kusa nalang itong tumabi.

Kung ano man iyong ibinulong ni moreno guy, surely that was something serious that made him back off. Napatingin ako kay Jace and I swear I saw him smirk at them.

“Come on,” he whispered. Inalis niya iyong pagkakapulupot ng kaniyang braso sa ‘king baywang, hinawakan ang aking kamay at nagsimulang maglakad palayo kasama ako.  

Nanatili lang akong tahimik at nakayuko habang naglalakad kami. He stopped walking nang makarating kami sa tapat ng table nila Vince. Sander was no longer there.

Napatingin si Sai sa ‘kin, tapos lumipat ang tingin niya sa kasama ko. Bahagya pang kumunot ang noo niya na para bang nagtataka kung bakit kasama ko si Jace.  

“Bes, and’yan ka na pala—”

I was about to thank him when Jace let go of my hand and walked away.

“What was that?” Sai asked. I just shrugged.

Before she could ask more questions, I spoke.

“Shower lang ako,” And then I walked away and made my way into the shower room.

-

Kinagabihan, nagsi-uwian din iyong mga kamag-anak ni Vince. Ilan lang ang natira upang magpalipas ng gabi, at kasama na ro’n ang barkada namin.

Habang nag-iinuman ang barkada na sinamahan pa ng k’wentuhan, tawanan at kantahan, pasimple akong tumayo, inilapag sa mesa ang basong hawak ko at sinabing, “Pahangin lang ako saglit,” sabay talikod at lakad paalis bago pa man sila makasagot.

Tahimik lang ako habang naglalakad at nagpapahangin nang masilayan ko ‘di kalayuan sa may pool si Sander. He was sitting on a bench and holding a bottle of beer. It looked like he was murmuring something. I walked towards his direction.

“Pa-upo,” sabi ko nang makalapit ako sa kaniya.

He didn’t answer, though. I took that as a ‘yes’ and sat beside him.

Nanatili akong tahimik nang ilang segundo habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Nang ilipat ko ang tingin ko sa kaniya, kay Sander, saka ko lang napansing naka-yuko pala siya. He was muttering something again but I couldn’t hear it properly.

“Sander? Ayos ka lang ba?”

Nagulat ako nang ini-angat niya ang kaniyang ulo at saka inilaklak ang natitirang laman ng bote ng alak na hawak niya. Nang maubos ang laman no’n ay saka niya inilapag iyong bote sa tabi.

EverLUSTing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon