*11*
“G—Girlfriend?” nauutal kong sabi, umaasa na mali iyong aking narinig.
“Yeah,” she answered with a smirk. My heart sank. Iyong natitirang pag-asang mayroon ako, sa isang iglap…nawala lahat. “If you’ll excuse me.” dagdag niya pa sabay tabig sa ‘kin.
Diretso lang ang lakad niya papasok samantalang nanatili lang akong nakatayo ro’n at hindi makapaniwala sa narinig.
Nag-echo sa utak ko iyong sinabi niya sa ‘kin kanina.
“I’m Beatrice, Jace’s girlfriend.”
Saka lang nag-sink in sa ‘kin ang katotohanan.
It was over.
Everything was over.
Wala na. Talo na ako. Tapos na ang lahat. Wala nang pag-asa, Aina. Tanggapin mo na. Hinding-hindi na magiging kayo ulit. Nakita mo naman, ‘di ba? Malinaw pa sa sikat ng araw. May iba na siya. Hindi ka na niya mahal, okay?
Ano pa nga bang ginagawa ko rito? Hindi niya na naman siguro ako kailangan since nand’yan na iyong girlfriend niya. Might as well umalis na rin ako at baka makaistorbo lang ako sa kanila. Bahala na sila d’yan!
Hindi na ako nag-abalang magpaalam pa. Umalis na ako at dali-daling sumakay ng elevator.
Shit, iyong mga damit ko nga pala…naiwan ko ro’n—bahala na, hindi ko na iyon kukunin! Damit lang iyon, madali lang paltan. Kainis. Pinagtinginan pa ako ng mga nakasakay ko. Ugh. Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng umiiyak?
Ilang saglit lang, nasa ika-labing-siyam na palapag na ako. Pagkalabas ng elevator, dire-diretso lang ako nang lakad hanggang makarating sa tapat ng unit ko. Buti na lang at bukas na iyon—ando’n na pala sina Sai.
“O, ayan ka na pala! Saan ka ba nanggaling? Hindi ka manlang nagpaa—”
“I’m tired. Mamaya na lang tayo mag-usap, please? I need a break,” I said weakly tapos naglakad na ako papunta sa k’warto ko, isinarado iyon at bumagsak sa kama.
Lintik ka, Jace. Pinaasa mo lang ako kanina. Ako naman si tanga, umasa. Ayan tuloy, nasaktan ako.
Suko na ako. Patas na tayo.
Nakaganti ka na. Masaya ka na?
***
Pagsapit ng Lunes, maaga akong pumasok ng opisina. S’yempre, gano’n pa rin naman ang takbo ng mga pangyayari. Nothing changed. He was still the same cold Jace. Ang nakakainis pa ro’n, noong umagang iyon, he acted as if nothing happened. As if he didn’t care at all. Ako naman…bilang mabuting empleyado, sa kabila ng lahat, ginawa ko nalang ang mga tungkulin ko nang maayos. For the sake of my job, I tried to be civil and professional as ever. Hindi ko nalang inisip iyong mga nangyari noong nakaraan.
BINABASA MO ANG
EverLUSTing Love
Ficțiune generală[Revised Version - Completed / Prequel - Slow update] His sweet vengeance is yet to come; my greatest karma ever.