*16*
“Ito na nga po pala iyong files na ni-request niyo, Sir,” I said as I handed him a brown envelope. Kaagad niya naman itong kinuha.
“Thanks. You may go,” he said as he opened the envelope and checked its contents.
Tumalikod na ako at naglakad palabas ng kaniyang opisina.
Nitong mga nakaraang araw, napansin kong nagbago iyong pakikitungo niya sa ‘kin. Kung dati ay halos hindi kami magkibuan, ngayon nakukuha niya na akong ngitian kapag nagkakasalubong kami. Minsan, sumasabay pa rin siya sa ‘kin sa pagkain ng lunch kapag hindi siya busy. Hindi na napapanis ang laway ko kapag kasama siya kasi kinakausap niya na rin ako kahit papaano. S’yempre, kapag nasa opisina kami, casual pa rin kami kung mag-usap. Gano’n pa man, natutuwa ako kasi parang unti-unti na siyang bumabalik sa dati…sa kilala kong Jace. Sana nga gano’n talaga. Though I wasn’t really sure; that might had been one of his schemes.
Nakalulungkot lang kasi hindi niya man lang ako binati kanina, kahit sa text. Hindi ko alam kung dahil busy siya o sad’yang nakalimutan niya lang talaga.
Hindi naman ako naghahangad ng regalo o kung ano mang materyal na bagay. Simpleng bati lang naman, ayos na.
“Happy birthday!” bati ni Karl nang makasalubong ko siya sa hallway. Buti pa siya, naalala!
“Thanks,” I said and then I smiled at him.
“Sens’ya na, wala akong regalo. Kanina ko lang kasi nalaman,” he said.
“Ayos lang,” sagot ko.
“Treat nalang kita mamaya,” he offered.
“No thanks. May lakad ako mamaya,” I answered. Dadalawin ko si Papa sa ospital mamaya kaya hindi ako p’wede.
“Ay gano’n ba? Siya, next time nalang kita ililibre!”
“Sure. Salamat, ha!”
“You’re welcome! Happy birthday ulit! Sige, una na ‘ko!” And then he walked away.
Hindi sumabay sa ‘kin si Jace sa pagkain ng lunch sa kadahilanang marami raw siyang ginagawa kaya ayon, solo flight na naman ako. Kita mo nga naman, kung kailan ko pa birthday! Wrong timing! Halos dalawang buwan na ako sa company pero ayon! Wala pa rin akong ibang kaibigan dito bukod kay Karl. Hindi na naman ako nagtataka kung bakit. Siguro dahil iyon sa mga rumors na kumalat tungkol sa ‘kin. Alam niyo na, napansin kasi nilang close ako sa boss namin. Akala siguro nila sipsip ako, na gold digger ako, na inaakit ko iyong boss namin and such. Well, wala naman akong magagawa ro’n. Isipin nila ang gusto nilang isipin. Basta ako, alam ko ang totoo at ginagawa ko lang nang maayos ang trabaho ko.
Maaga kong natapos iyong mga pinagawa sa ‘kin ng boss ko kaya maaga rin akong nakalabas ng company. Dumaan ako sa malapit na supermarket at namili ng mga ingredients para sa lulutuin ko mamaya. Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa ospital at binisita si Papa. Mga isang oras din akong nag-stay do’n nang napagdesisyunan kong umuwi na. Kalalabas ko lang ng room ni Papa nang makasalubong ko si Sander.
“O, Aina! Anong ginagawa mo rito?” bati niya.
“Binisita ko lang si Papa. Actually, pa-uwi na nga ako,” I answered, “Ikaw, anong ginagawa mo rito?”
“Binisita ko lang iyong mga batang tinutulungan ng foundation ko,” he said, “Pauwi ka na pala. Sabay ka na sa ‘kin. Hatid na kita sa inyo.”
Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ‘yong alok niya o hindi. Alam niyo naman, hindi ko pa rin nakalilimutan iyong nangyari no’ng nakaraan. Ang awkward lang talaga kapag naalala ko ‘yon. Buti nga mukhang hindi niya ‘yon natatandaan, e. Siguro dala nang sobrang kalasingan niya noon kaya wala siyang naaalala. (Sana lang talaga!)
BINABASA MO ANG
EverLUSTing Love
General Fiction[Revised Version - Completed / Prequel - Slow update] His sweet vengeance is yet to come; my greatest karma ever.