*19*

2.4K 48 6
                                    

*19*

“Sir, ito na po ‘yung pinapakuha niyo,” medyo inis kong sambit at saka initsa iyong folder sa desk niya. Kalma lang, Aina. Patience is a must!

Kinuha niya naman iyong folder, binuksan at saka tiningnan iyong nilalaman. Tapos sinara niya rin agad at saka iniabot sa ‘kin.

“Tsk, tsk. You got the wrong folder again,” he said. Not again! “You heard me clear, right? I’m looking for folder number 1829.”

“But Sir…sabi mo folder number 1821.” Iyon talaga ang sinabi niya kanina!

“Folder 1829. Hurry up and get it.”

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko. Ngumiti ako nang pilit at sinabing,

“Sorry, Sir. My mistake. I’ll be right back,” I answered with full of sarcasm.

Lumabas na ako ng kaniyang opisina dala-dala iyong maling folder. Pang-ilang balik ko na nga ba ‘to? Panlima na? Akala niya ba ang dali-dali maghalungkat ng mga files do’n sa cabinet? Akala niya ba hindi ko alam na sinasad’ya niya ‘to? Na sinasad’ya niya ‘to para pahirapan ako? Ugh. Nakakainis!

Tatlong araw na ang nakalilipas mula no’ng naudlot iyong date namin. Tatlong araw na rin niya akong hindi pinapansin, hindi sinasabayan sa pagkain ng lunch at tatlong araw niya na rin akong pinahihirapan. See what he did earlier? Bukod pa ro’n, tambak din iyong mga paper works, reports, at presentations na pinagagawa niya sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong problema niya. Wala naman akong ginagawang masama. Saka…ayos naman kami noong nakaraan, a? Niyaya niya pa nga akong mag-date kaso hindi niya ako sinipot. Siguro, isa iyon sa mga plano niya para pabagsakin ako…para pahirapan ako. Siguro sinadya niyang hindi makapunta sa date namin, alam niyo na…para makaganti sa ‘kin.  Ako naman si tanga, nagpa-uto. Ang tanga ko talaga kahit kailan!

Matapos kong kunin iyong folder na pinapakuha niya, kaagad naman akong bumalik sa kaniyang opisina.

Isa pang balik, I swear, mag-re-resign na talaga ako. Seryoso. Bahala siya. Sawang-sawa na ‘ko. Paulit-ulit nalang kasi. Mag-aaway kami, tapos magbabati rin eventually. And the cycle repeats all over again. Nakakapagod na. Wala naman siyang dapat ikabahala kasi hindi ko naman tatakasan iyong mga utang ko sa kaniya. Hahanap nalang akong ibang paraan para mabayaran ‘yon.

“Ito na po ‘yung pinapakuha niyo, Sir,” wika ko at saka iniabot sa kaniya iyong folder.

“Paki-balik na ‘yan. Hindi ko na pala ‘yan kailangan. Sige na, maari ka nang umalis.”

That did it. Hindi na talaga ako nakapagpigil pa. Naihampas ko iyong folder sa desk niya dahil sa sobrang inis. Hindi manlang siya nagulat. Naka-glue pa rin iyong mga mata niya sa screen ng kaniyang laptop. I’ve been enduring this for almost three days and now, I’m finally able to vent out my feelings.

“What the hell is your problem?!” Hindi ko na napigilang sumigaw.

Oo, alam kong ang rude nang ginawa ko, boss ko pa rin naman siya kahit papaano. Wala, e. Ganiyan talaga. Nawalan na ako ng control sa sarili ko. Pati iyong salitang ‘professionalism’, nawala na sa vocabulary ko. Hindi bale na. Magre-resign na rin naman ako pagkatapos nito. Bukas na bukas din, aalis na ako rito. E ‘di lulubus-lubusin ko na. Ilalabas ko na ang lahat ng hinanakit ko sa kaniya para naman matahimik na ako.

He looked at me and said, “What are you talking about?”

Hindi mo ako madadaan sa ganiyan, Jace.

“Huwag ka nang magmaang-maangan pa, Jace. Hindi ako nakikipaglokohan sa ‘yo. Akala mo ba hindi ko napapansing sinasadya mo akong pahirapan? Wala naman akong ginagawang masama, ah. Ginagawa ko naman nang maayos ang trabaho ko. Ano bang ginawa ko sa ‘yo? Ano bang problema mo sa ‘kin? P’wede ba Jace…tama na. Hindi na nakakatuwa.”  

EverLUSTing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon