*8*

3.3K 52 1
                                    

*8*

“Um-attend ka na kasi! Please, please, please!”

Ang aga-aga, ayan agad ang inuungot sa ‘kin ng best friend kong si Sairene. Kagagaling lang namin sa airport. Dahil medyo malaki naman ang space sa condo ko, dito muna sila mag-i-stay ni Dice for a while. Besides, dalawa naman ang k’warto rito at iyong isa lang ang nagagamit ko.

“Tss! I told you already, I won’t attend the reunion.” I answered sabay higop ng kape.

May pasok pa ako mamaya sa part time job ko kaya hindi ako p’wedeng matulog (kahit na inaantok na ako). Kahit pa sabihing malaki naman ang s’weldo sa pinasukan kong company, hindi pa rin ako nag-resign sa mga part time job na pinasukan ko. Extra income rin ‘yon—hindi rin naman biro ang binabayaran kong hospital bills ni Papa.

“Bakit ba? Dahil ba ‘to kay…” she trailed off before she had the chance to finish what she was saying. Alam ko naman kung sino ‘yung tinutukoy niya.

“No. It’s not just about him.” I answered.

“Not just about him? E ‘di may part din na dahil sa kaniya kaya ayaw mong um-attend?”

“Yeah…sort of,”

“Hindi pa rin ba kayo ayos hanggang ngayon?”

“Actually…”

And then I told her about my situation; me being his secretary, and all the stuffs he had done recently. S’yempre hindi kasama iyong nangyari sa ‘min sa opisina. Alam niyo na kung ano iyon. Remember that there are things that you should keep even from your best friend. 

“So, ano naman? As if namang a-attend siya ng reunion!” she reacted. “It has been six long years since your break up, Aina. Move on!”

I ignored the later remark and said, “Malay mo pumunta siya! At saka, ano nalang ang sasabihin ng mga ka-batch natin ‘pag nakita nila ako? Si Aina Cairo, ang isa sa mga pinaka-mayaman noon sa s’yudad ay pobre na? No way! Magiging tampulan lang ako ng tukso ro’n. May pride pa rin naman ako!”

“Ang OA mo ha! Hindi ka naman pobre! May trabaho ka naman at kumikita sa marangal na paraan…you should be proud of yourself!”

“I know. Pero alam mo naman iyong mga iyon…”

Simula nang malugmok sa utang ang company namin, hindi na naging madali ang buhay ko. Iyong tahimik kong buhay…unti-unting gumulo. Tinalikuran ako ng mga kaibigan kong inakala ko’y totoo. Naging usap-usapan sa buong school ang tungkol sa unti-unting pagbagsak ng company namin. Nang malaman nila na naghihirap na kami, unti-unting nagsilabasan ang baho ng mga kaklase at ka-school mates ko. Unti-unting nagsilitawan iyong mga may galit sa ‘kin.

Naalala ko pa iyong mga masasakit na salitang binitawan nila noong mga panahong iyon…

“I heard na naghihirap na raw kayo ngayon? That’s good! Bagay na kayo ng boyfriend mo…parehas na kayong pobre!”

“The high and mighty Aina Cairo, naghihirap na? Really?”

“Poor bitch. Kinarma ka rin, sa wakas!”

Mas lalong lumala ang mga pangyayari when I broke up with Jace and hooked up with Andrew.

EverLUSTing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon