Before The Worst
{2}
Matapos mag-discuss ng aming teacher sa unahan ng school rules at kung anu-ano pa, nag-umpisa na ang pagpapakilala. S’yempre, sa pangunguna ng aming guro at sinundan ng mga mag-aaral—in alphabetical order. Nakatunganga lang ako na para bang walang pakialam habang nagpagpapakilala aking mga kamag-aral sa unahan. Nakakawalang ganang makinig sa kanilang “boring introductions”. Panay sila “my name is…” blah blah blah, “I am...” blah blah—nakakasawa na. Muntik na nga akong makatulog dahil na rin sa antok. Saka lang ako nabuhayan ng dugo nang sumalang na sa unahan ang babaeng kanina ko pa lihim na pinagmamasdan at pasimpleng sinusulyapan mula rito sa kinauupuan ko.
“Good morning! I’m Allaina Cairo, by the way. Just call me Aina. Nice meeting you guys. I hope we can be friends. That’s all,” pakilala niya na sinamahan nang nakatutunaw na ngiti. Matapos no’n ay bumalik na siya sa kaniyang upuan.
Nang ako na ang magpapakilala, napatahimik ang lahat at wari ba’y napunta ang kanilang atensyon sa ‘kin. Naglakad ako papunta sa unahan na para bang walang pakialam sa mga nakatingin sa ‘kin at hindi nalang pinansin ang mga bulung-bulungang naririnig ko sa paligid.
“Jairus Cedric Sevilla,” matipid kong pakilala sa kanila.
Paalis na sana ako nang may magsalitang lalaki sa huling row, sa bandang kanan.
“Bakit gan’yan ang suot mo? Ang baduy naman. Hindi ka bagay rito!” aniya na sinamahan pa nang malulutong at mapang-asar na halakhak. Pati ang mga katabi niya, nakitawa rin. Lalo tuloy lumakas ang bulung-bulungan sa paligid.
Mga mayayaman talaga. Mayayabang, mapagmataas, mapang-mata, lahat na! Akala mo kung sinong magagaling!
Hindi ko nalang sila pinansin, bagkus ay naglakad pabalik sa ‘king upuan.
Wala akong pakialam kung isipin man nilang mayabang ako, masungit o ano dahil wala naman akong intensyong makisama sa kanila. Wala akong pakialam kung mga anak mayaman sila o ano. Bahala sila kung anong gusto nilang isipin. Narito ako upang mag-aral para makaahon sa kahirapan, hindi makipagkaibigan.
At dahil sa likas akong tahimik, kahit ilang buwan na ang lumipas ay wala pa ring pumapansin sa ‘kin. Dahil iba ako sa kanila, ilag ang mga tao sa ‘kin. Walang kumakausap at lumalapit sa ‘kin unless kailangan. Walang nakikipagkaibigan sa ‘kin. Sabagay, gan’yan naman halos lahat ng mayayaman—ayaw makisalamuha sa isang mahirap na kagaya ko. Pero ayos lang. Gaya nang sinabi ko, pag-aaral ang pinunta ko rito hindi ang pakikipagkaibigan.
Nakakaya ko pa naman kahit papa’no. Kahit na minsan, nakakapikon na talaga ang pang-iinis sa ‘kin ng mga walang hiya kong kaklase na walang ginawa kung hindi mag-asar, manlait, mamahiya o sa madaling salita, mam-bully. Hindi ko nalang sila pinapansin dahil ayaw ko sa gulo. Hangga’t maari, ayaw kong magkaro’n ng kaaway.
Gano’n pa rin naman ang buhay ko. Wala namang halos pinagbago. Mahirap pa rin kami. Kaya tuwing uwian, matapos ang klase ay diretso agad ang uwi ko para tulungan si inay sa pagtitinda. S’yempre, dahil sa private school ako nag-aaral ay mas nadagdagan ang gastusin namin kaya kailangang magbanat ng buto. Uuwi lang ako kapag ubos na ang paninda, saka pa lang ako kakakain ng hapunan. Sunod ay mag-aaral pa ‘ko, gagawa ng mga takdang-aralin, magliligpit ng kalat, at saka pa lang matutulog kapag natapos na ang lahat nang gawain. Araw-araw, gano’n ang ginagawa ko. Kapag walang pasok, kung hindi nag-a-aral ay suma-sideline kasama si inay. Wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kasi masyado na akong maraming gawaing dapat atupagin pa kaya halos wala na rin akong panahon para maglakwatsa o ano pa man.
BINABASA MO ANG
EverLUSTing Love
General Fiction[Revised Version - Completed / Prequel - Slow update] His sweet vengeance is yet to come; my greatest karma ever.