*2*

3.8K 58 11
                                    

*2*

Shit.

Si Jace!

Kita mo nga naman, ang galing magbiro ng tadhana! Hindi pa rin ako makapaniwalang magkukrus muli ang landas namin makalipas ang halos anim na taon. Ang pinaka-nakakagulat sa lahat…siya ang boss ko.

Nanatili lang akong nakatayo habang nakatitig sa kaniya.

Parang huminto sa pag-ikot ang mundo at siya lang ang tanging nakikita ko ngayon.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Ang laki nang pinagbago niya! Physical appearance pa lang…ibang-iba na. ‘Yung katawan niyang patpatin lang noon ay naging lean and muscular. Mas lalo siyang tumangkad. Hindi na rin siya naka-suot ng eye glasses with thick frame ‘di gaya noon. But then, he’s still handsome as ever.

Parang gusto kong tumakbo papunta sa kaniya at yakapin siya nang mahigpit—para hindi na siya mawalay pa ulit sa ‘kin. I want to tell him how much I missed him, how happy I am now that I finally saw him again…that I never stopped loving him. And most of all…I want to say sorry.  

Pero…walang lumalabas na anumang salita sa bibig ko. Ni hindi ko nga maigalaw ang paa ko sa sobrang kaba at halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon. I bet mukha na akong tanga rito katititig sa kaniya.

Suddenly, nagsimula siyang maglakad papunta sa direksyon ko. Bigla akong na-tense. Shit. Anong gagawin ko? Breathe, Aina! Breathe! Relax! Compose yourself, alright?

Ilang hakbang nalang at nasa harapan ko na siya. Ayan na…malapit na—

Nagulat ako dahil hindi siya tumigil sa harapan ko bagkus nilagpasan lang ako na para bang hindi niya ako nakita.

Hindi niya ba ako nakilala? O baka naman sinadya niya talagang hindi ako pansinin? Hanggang ngayon ba’y galit pa rin siya sa ‘kin? Sabagay, hindi ko naman siya masisisi kung galit pa rin siya sa ‘kin. Kasi kung mayroon mang dapat sisihin dito, ako ‘yun.

Kasalanan ko ang lahat.

I left him with his heart—broken.

Pinagpalit ko siya dahil sa pera. Iniwan ko siya sa kadahilanang mahirap lang siya—noon. I know. Ang sama ko, hindi ba? Well, I had no choice. Napilitan akong iwan siya para patulan ang manliligaw kong mayaman…all for the sake of saving our company and saving my dad who have been and still in comma up until now. Pero sadya atang mabilis ang karma dahil nang malaman no’ng manliligaw kong mayaman na naghihirap na kami—iniwan din ako nito sa ere; gaya ng ginawa ko kay Jace.

Kaya ayun, hindi na napigilan ang pagkalugi ng company namin. Wala naman akong ibang nagawa since that time, third-year college student pa lang ako. Ang malala pa ro’n, nilustay ng step mom ko ang lahat ng natitira naming ari-arian at tinangay ang perang dapat sana’y mamanahin ko mula kay Papa. And that bitch step mom of mine just left us with nothing but lots of debts to pay. At ako lang naman ang umako ng lahat ng responsibilidad na iniwan niya—ako ang nag-shoulder ng mga bayarin, gastusin at utang namin at ng company. Hanggang ngayon nga, baon pa rin kami sa utang. At si Papa…he’s still in comma kaya mag-isa lang ako ngayon. Ang saklap lang hindi ba?

I came back to my senses when I heard him spoke.

“Where is your manager?”

Napalingon ako sa kaniya. May nilapitan siyang isang staff ‘di kalayuan sa p’westo ko. May kung-ano silang pinag-usapan doon tapos ilang saglit lang din ay nagsimula na siyang maglakad paalis. At ako? Nanatiling lang naman akong nakatayo habang pinagmamasdan siyang lumakad palayo. Ni hindi niya manlang ako nagawang kausapin, batiin, lingunin o ngitian man lang. Ang sakit lang.

EverLUSTing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon