*9*

3.1K 50 2
                                    

*9*

“Good morning!” bati ng aking best friend na si Sairene.

“Good morning,” I greeted her back.

Umupo ako at nagsimulang magpalaman ng bacon sa tinapay.

“Uy, Aina! Gising ka na pala! Morning!” bati ni Dice na kasalukuyang nagluluto ng kung ano man.

“Good morning din.” I said pagkatapos kong kumagat sa tinapay.

“Nga pala, hinatid ka rito ni Jace kagabi. Binuhat pa ka niya kasi nakatulog ka sa biyahe,” Sai said while eating her breakfast. Napaangat ako nang tingin dahil sa kaniyang sinabi. Siguro dahil sa sobrang puyat kaya ‘di ko na napigilang makatulog sa biyahe kagabi. Alam niyo na, bangag dahil sa pagsundo sa dalawang ito. “I guess you should thank him.” she added.

“Ah, iyon ba? Yeah. I will.” I answered sabay kagat na naman sa tinapay.

“And aside from that, someone sent you flowers this morning. Check it out, and’on sa sala.”

Flowers? Sino naman kayang nagpadala no’n? Si Jace? Nah.

Uminom muna ako ng tubig saka ako nagsalitang muli.

“Kanino raw galing?” I asked.

“I don’t know. Hindi ko naman tinanong iyong delivery man kung kanino galing. Saka hindi ko iningnan iyong naka-sulat doon sa card na naka-attach,” she answered sabay higop ng kape.

“Hmm. Sige, tingnan ko nalang mamaya.”

And then after that, I continued eating breakfast.

-

Matapos mag-almusal ay kaagad akong nagtungong living room upang tingnan iyong mga bulaklak na ipinadala sa ‘kin.

There I saw pink carnations. There was a card attached onto in.

Binasa ko iyong naka-sulat sa card.

Good morning gorgeous! Have a great day ahead!

—   Sander

It was from that guy at the party, Sander Matthew Ylagan. Wala naman akong ibang kilalang Sander kaya paniguradong siya iyon.

Why did he send me flowers anyway? Saka paano niya nalaman ang address ko?

“Wow naman! Sino naman ‘yang Sander na ‘yan? Manliligaw mo?” I heard Sai said. Nasa likuran ko na pala siya at nakiki-usisa sa bulaklak na hawak ko.

“Nope. It was just some guy I met at a party.” I answered.

“Really? How thoughtful of him naman! Saka akalain mo, iyong favorite mo pa ang ipinadala niya!” she beamed.

Hindi ko alam kung nagkataon lang ba iyon o talagang alam niya, ni Sander, ang paborito kong bulaklak kaya iyon ang ipinadala niya. Anyway…

EverLUSTing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon