*4*
“Ito na po ‘yung pinapakuha niyo, Sir.” I said as I handed him the folder. Kinuha niya naman ito, binuksan and checked its content. After that, ipinatong niya ito sa ibabaw ng kaniyang desk and continued his work. He didn’t say a word kaya naman bago ako umalis, I asked him one last question. “Mayroon pa po ba kayong ipag-uutos?”
“Ipagtimpla mo ako ng kape,” he said, still focused on his work.
Tumango ako at saka tahimik na naglakad palabas ng kaniyang opisina.
It has been three days since I became his secretary. The news spread throughout our whole department and my officemates bombarded me with questions like ano raw ang ginawa ko para ma-promote kaagad and such. Ang tanging sagot ko lang sa kanila ay—Hindi ko rin alam. Honestly, I didn’t really have an idea. Maraming nag-react; maging ‘yung mga taga-ibang department ay nagtaka kung bakit. Marami ang nainggit. May mga nainis din. Who wouldn’t? Mas nauna sila rito sa company pero naunahan ko pa silang makatanggap ng promotion. The hell I care about their opinion. Basta ako, ginagawa ko nang maayos ang trabaho ko.
Agad akong bumalik sa kaniyang opisina matapos kong magtimpla ng kape.
“Ito na po ‘yung kape niyo, Sir.” wika ko sabay lapag ng tasa sa kaniyang desk.
Kinuha niya ang tasa at humigop ng kape. Napansin kong bahagyang napa-kunot ang kaniyang noo noong mga sandaling iyon. Agad niyang ibinaba ang tasa ng kape at nagsalita.
“Make me another coffee.” he said at saka muling ipinagpatuloy ang naantalang gawain.
“May mali po ba sa itinimpla kong kape, Sir?” I asked with confusion.
“It’s too sweet. I prefer black coffee without sugar.” he answered nonchalantly.
“But I thought you hate black coffee…” I said almost a whisper.
“That was before. People change, Aina.” he answered coldly. That made me speechless.
Hindi nalang ako umimik. Lumabas na ako ng kaniyang opisina upang igawa siya ng panibagong kape.
While preparing a brand new coffee, thoughts flooded my mind.
Kailan pa siya nahilig sa black coffee? Dati naman, palagi ko siyang ipinagtitimpla ng kape. Gustong-gusto niya pa nga noon ‘yung may creamer. Tapos ngayon…ibang-iba na talaga siya.
Everything has changed, Aina. Keep that in mind.
Pumasok ako sa kaniyang opisina bitbit ang panibagong timplang kape.
“Here’s your black coffee, Sir.” I said sabay patong ng tasa sa kaniyang desk.
Hinintay ko munang tikman niya ‘yung kape bago ako umalis. Baka kasi hindi niya na naman magustuhan ‘yung timpla, paggawin niya na naman ako ng panibago.
“May iba pa po ba kayong ipag-uutos?” I asked.
“Wala na. Maari ka nang umalis,” he answered.
Lumabas na ako ng kaniyang opisina and went to my office. May mga paper works pa nga pala akong kailangang tapusin.
-
Kinagabihan, pagkagaling ko sa ospital matapos bumisita kay papa…I immediately went to Jace’s unit. Ni-text niya kasi ako na pumunta raw ako ro’n by 7pm dahil may ipapagawa siya. Ano naman kaya ‘yon? Maybe some business matters related to work.
Sakop niya ang buong top floor ng condo unit na pagmamay-ari niya kung saan din ako naka-tira ngayon. At nasabi ko na bang sa baba lang ng top floor naka-locate ang unit ko?
Mag-do-doorbell sana ako nang mapansin kong bukas ‘yung pintuan kaya naman pumasok nalang agad ako.
“Sir Jace?” I called the moment I entered his very spacious unit. No one answered.
Nasaan na kaya siya? Wala kasing katao-tao sa living area.
Just when I was about to text him…
“You’re thirty minutes late,”
Pagkalingon ko, I was like…what the fuck? Muntik na akong mapatili! Buti nalang napigilan ko ang sarili ko. Goodness gracious. He was topless and wearing only towel on his waist! Bakit kasi hindi muna siya nagbihis bago humarap sa ‘kin? Ugh. He looked so hot with that freaking “wet look”. At kailan pa lumaki nang ganito ang katawan niya? Those defined muscles, mouth-watering abs and that v-line; parang bang nagsusumigaw na “halayin mo ako”. Shit, ano ba itong mga pumapasok sa isip ko?
I came back to my senses when I saw him smirk. Did I just drool on him? Shame on me!
“I’m sorry, I’m late Sir. Nanggaling pa po kasi akong ospital…” I said trying to be casual as ever. Huwag sa katawan ang tingin, Aina! Look at his face.
Hindi siya sumagot. Humakbang siya at nagsimulang maglakad papalapit sa ‘kin. Bigla akong na-tense. Kinabahan. At mas lalo akong pinagpawinsan nang malamig.
“S—sir…” I muttered. I gathered all my courage and said, “P—p’wede…magbihis po muna kayo?” Nakaka-destruct kasi!
“Why? Aren’t you enjoying the view?” he asked and then he smirked, still walking towards me. That gave me creeps! Bipolar ba siya? Hindi ko siya maintindihan!
Binilisan niya pa lalo ang paglakad. Napaatras ako.
What the hell? Pinaglalaruan niya ba ako? Damn you, Jace! Hindi nakakatuwa! Kung gusto mong gumanti, sa ibang paraan nalang. Huwag ‘yung ganito.
“Bakit ka umaatras?”
“Bakit ka ba lumalapit?” I answered him with a question.
“At bakit naman hindi?”
I didn’t know what to say so I remained silent habang nilalamon ako ng matinding kaba.
Sa bawat hakbang niya, umaartas ako. Hanggang sa…naramdaman ko nalang na wala na akong aatrasan kasi nasasandalan ko na ‘yung pader. He went closer (as in, very close) and pinned me on the wall.
Shit, I’m trapped!
“J—Jace…”
Dahan-dahan siyang nag-lean palapit sa ‘kin.
Shit! Anong gagawin niya?
Lumakas ang tibok ng puso ko. Unti-unting nanlambot ang mga tuhod ko. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko. Hindi ko na alam ang gagawin kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata.
Naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang mga labi sa kaliwang bahagi ng aking leeg. Lalong akong nag-init at parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. Mga ilang segundo lang ang itinagal no’n pero grabe ang epekto sa ‘kin. Para akong mawawala sa sarili. Nakakabaliw.
Naalala ko ‘yung nangyari sa kanila ni Zyra. And then I wondered…ginawa niya rin ba ‘to sa kaniya? Minahal niya ba ‘yung babaeng ‘yun o pampalipas oras lang?
Suddenly, I heard him whisper.
“It’s really fun playing games with you. You never fail to amuse me, Aina.”
Napamulat ako dahil sa sinabi niya. Para akong hinulugan ng bato para magising mula sa isang panaginip. Reality hit me. He’s not the same Jace anymore. Kaya ‘wag ka nang umasa, Aina. Hindi ka na niya mahal.
“Simula palang ‘to, Aina. Get ready for more fun,” dagdag niya pa. And then he flashed that evil grin of his. Inalis niya na ang pagkakatungkod ng kaniyang mga kamay sa pader, tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.
“Stay there. Kukunin ko lang ‘yung mga papeles.”
Damn it. Kinakarma na talaga ako.
…to be continued.
***

BINABASA MO ANG
EverLUSTing Love
Ficción General[Revised Version - Completed / Prequel - Slow update] His sweet vengeance is yet to come; my greatest karma ever.