FROM HEAVEN

1.4K 74 59
                                    

C h a p t e r 11

The pastry shop of Tita Sally, Sari's Mom, is just twenty minutes away from the school. Ngunit nagtagal kami sa gitna ng daan dahil sa traffic. Marami raw umuuwi sa probinsya ngayon, well, the all souls day is just a week away and plus, it's a semestral break.

"Para na rin tayong bumyahe papunta sa Lipa!" Biro ni Sari nang makababa kami.

Humikab ako at tinanaw ang aking relos, alas tres na ng hapon at mukhang hindi pa yata ako makakauwi sa bahay sa ipinangako kong oras kay Hell. Ayaw ko namang sabihin iyon sa mga kaibigan, baka magtampo pa! Knowing that it's been a long time since the last time we went out like this.

We went inside the pastry shop, we were greeted by two of their cashiers. They are already familiar to us, dito lang naman kasi ang tambayan namin kapag gumagala. We are still underage to go in a bar, kung pwede lang ay baka nagpakalunod na ako sa alak noong nalaman kong may instant fiancée ako!

"Oh, Sari! Wow, it's good to see you three here again! Lalo na ikaw, Hurricane!" Tita Sally greeted us, mukhang kalalabas pa lang nito mula sa kanyang opisina. Hinalikan niya pa ang pisngi namin habang may malawak ang ngiti.

"I'm sorry, Tita. Hindi ako nakakasama kina Sari, I've been very busy..." Nag-aalangan kong sabi, she just giggled as she shook her head.

"Ganyan talaga ang may boyfriend!"

Kaagad na lumipad ang tingin ko kina Sari at Aleana dahil sa sinabi ni Tita, matalim ang naging titig ko sa kanila habang sila'y humahagikgik lang. "Hali na kayo sa loob, I prepared the table for you. Bahala na nang maglabas si Sari ng mga gagamitin niyo..." Yaya nito kaya naman sumunod na kami.

She guided us in the main bakery area, may dalawang bakers din doon at halatang abala ngunit bumati rin saglit sa amin. Iniwan niya na rin kami roon, may kailangan pa raw kasi siyang tawagan para sa isang delivery.

Naupo na ako sa high metal chair, Tita Sally arranged one baker's table for us. Nandito na rin ang mga measuring cups at spoons, mixing bowls kitchen hand mixer at piping bags.

"Anong gagawin natin?" Sari asked.

"What about strawberry cupcake, gusto ba iyon ng jowa mo?" Nang-aasar ang tono ni Aleana, huminga ako nang malalim at sandali pang nag-isip. Hindi naman kami nag-uusap tungkol sa gusto niya o kahit ang gusto ko. I don't know his favorites.

"Nutella cupcake, I guess..." Kibit balikat kong sagot. That's my favorite, kaya iyon na lang.

Pinanood lang namin si Sari na kumuha ng mga ingredients mula sa dry storage. Hindi ko naiwasang tignan muli ang relos, bakit ba hindi ako mapakali? Inilagay na ni Sari ang mga gagamitin sa table, mga itlog, Nutella, self-rising flour at iba pa. Isama na rin ang nutella whip cream for frosting at mini mallows.

Isinuot namin ang apron at hairnet, and then we did our job. Hinayaan nila akong mag-bake ng para kay Hell, kahit parehas lang naman ng flavor ang ginagawa namin.

"So, Hurricane, what are your plans this break?" Aleana asked, si Sari ay abala sa paghahalo ng mga ingredients sa mixing bowl at ganoon din ako. Aleana is just... Pabigat here.

"Hmm, I'll visit home..."

"Iyon lang? It'll be two weeks of break!" Napairap ako at sandaling tumingin sa kanya. "Ask Hell, anong plano niya o baka naman may plano siyang hindi ka kasama..." She grinned.

Forever Agape [FS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon