TAMED

3K 111 33
                                    

C h a p t e r   3

I slept for four hours, it was already dusk when Hell woke me up. I can see the pastel colors of the sky outside our veranda from the bed. Isinandal ko ang likod sa headboard ng kama, kahit papaano naman ay gumaan ang aking pakiramdam.

"Shall I bring the food here?" He asked, huminga ako nang malalim at tumango habang hindi pa rin tumitingin sa kanya. Sa gilid ng aking mata, nakita ko ang kanyang paglabas.

Ilang oras niya kaya akong yakap? Ilang oras kaya akong nakatulog sa bisig niya?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang maisip ang mga iyon. Nararamdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi, and the fact that I didn't even keep my hands to myself is really shameful. Nang bumukas ang pinto ay kaagad akong umayos, I cleared my throat and gaze away.

Ipinatong niya ang tray sa coffee table, doon kami kakain? Malamang, Hurricane!

"You're red, mainit ka pa rin?" Nakita ko ang paglakad niya papunta sa aking gawi. Lord, help me. Pakikuha na lang ako please.

"I'm fine," Ani ko ngunit itinuloy niya ang balak, kinapa nito ang aking leeg at noo.

"Magpahinga ka pa, kumain ka. Pagkatapos ay magpahinga." Aniya, tumikhim pa ako ng tingin dito nang makatalikod at tumuloy sa sofa. "Sit down here, or do you want to eat there? Kukuhanin ko ang---"

"No, I'm fine." Ramdam ko ang matagal niyang pagtitig nang sabihin ko iyon. Inalis ko ang comforter at lumakad sa tabi niya, kinuha nito ang kutsara at tinidor at iniabot sa akin. "I thought you're going somewhere." Bulong ko, iyon ang narinig ko sa phone call niya kaninang umaga.

"I cancelled it," Aniya. Nagtaas ako ng kilay, napatingin siya sa akin at nagbuntong hininga. "I'm was talking to a house painter, ipapabago ko ang kulay ng bahay."

"That's a girl thing, white is fine. Malinis tignan, or if you want to change it, then it can be beige." I suggested, naglagay ako ng kanin at ulam. Adobo ang iniluto niya, it's actually my favorite. "And what's with the urge of decorating? Tama na ang mga gamit sa bahay. We won't stay here for too long." Diretso kong sabi at tinignan siya. He was just looking at me, he sigh as he massage the bridge of his nose. Sexy.

"You're at it, again. Let's drop that, okay? Huwag na nating pag-usapan." Aniya at nagsimulang sumubo, isinandal ko ang likod sa sandalan dahil sa pangangawit. "I'll still push it anyways." He whispered, na narinig ko pa rin.

"If this relationship fails, babayaran ko na lang ang mga ginastos mo." Ani ko pa.

"I said, we should drop it." Mariin ang pagkakasabi niya 'yon kaya kaagad akong napayuko. "Hindi mo na kailangang ulitin ang bagay na 'yon, alam ko. Ayaw ko rin, pero wala akong magawa." He added.

Pilit ang aking naging pag-kain, hindi ko na siya kinausap matapos iyon. I understand the last few words he said, this fake relationship is enough hell for us. Firing up another argument will just make it doubly difficult. For once, I was sorry.

After we ate dinner, he went downstairs to wash the plates. I went inside the bathroom to brush my teeth and do my night routine, nang matapos ay tumuloy na ako sa kama upang matulog ulit. I covered my body with the comforter, nakita ko siyang pumasok sa banyo at ilang minuto lang ay lumabas na.

Forever Agape [FS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon