RUNAWAY

1K 48 11
                                    

C h a p t e r  38

Hindi ito lumingon at ang tanging narinig ko lang ay ang pagsara ng pinto. Naramdaman ko ang pamamanhid ng labi dahil sa diin ng aking pagkagat, bumaling ako sa aking ama na ngayon ay nakaharang pa rin sa paningin ko. Hindi ako tinanaw ni Hell Laurette, hindi ko alam kung ano pang mas masakit.

Namuo lang ang luha, ngunit hindi ako iiyak. Iyon ang ibunulong ko sa sarili, uuwi rin ako ngayong gabi at mag-uusap kaming dalawa. Nang mag-angat ako ng tingin ay namataan ko na ang mata ng aking ama. Umiling siya't hinawakan ang aking palapulsuan.

"Go upstairs, in the great room. Kakausapin ko ang Mommy mo," Nag-igting ang bagang ko sa narinig, binawi ko sa kanya ang sarili't agad siyang nilagpasan. "Hurricane," Suway nito ngunit determinado na akong lumayas.

"Uuwi na po ako," Mapait na ang aking tono. Kung dito ako matutulog, mag-isa lang siya roon. Naging mabigat ang bawat ulos ko ng hininga, siguradong nasa labas ba ang mga iyon. Abot kamay ko na ang pinto, mahigpit na ang hawak ko sa doorknob nang biglang humarang si Daddy doon.

"Hindi ka aalis," Nagsalubong na ang aming tingin at nakita ko ang pagbabanta sa mata nito. "This is your home, Hurricane. And you will stay here, hindi ka aalis dito." Sa narinig ay tila nalukot na ang pag-asa ko.

"Wala pong kasama si Hell doon," Pilit kong kinalmahan ang boses, nagbabaka-sakaling pagbigyan niya. "Hell can't spend the whole night alone, Daddy. I want to talk to him, we need to talk. Let me go, Dad." Umiling siya't humakbang, napaatras ako dahil sa ginawa niya.

Kinurot ko ang braso at pinigilan ang sariling sumigaw dahil sa pagkabigo. "It is what it is, anak. Kahit mag-usap kayo ngayon, hindi ka na babalik sa kanya. Now, go upstairs so we can discuss this with your mother." Hindi ko pinakinggan iyon, hindi pwedeng hindi kami mag-usap.

"You can't do that, Daddy!" I lose it. Gumuhit ang gulat sa mata ng aking ama, halos hindi makapaniwalang nasabi ko iyon. "Kahit sino ay hindi pwedeng magalit sa kanya! Walang ibang ginawa ang tao kundi protektahan ang kapayapaan ko! You can't blame him, Daddy. You can't be mad at Hell,"

Sa lahat ng aking narinig, kahit kapiranggot ay hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya. Wala akong karapatang magalit, lalo't alam ko na halos inubos niya ang sarili para lang hindi ako makanti ng magulang niya. Tama siya, pinaglalaruan nga kami. Sinubok siya't kinwestyon ang kakayanan, mahirap ngunit sinubukan niya naman. Ginawa niya rin ang lahat, para sa akin. Wala akong karapatang magalit. 

"You don't understand, Hurricane. We're not talking about him anymore, this is about the canceled arrangement! Anong pang dahilan para bumalik ka roon? You have nothing left to talk about anymore, dahil tapos na!"

Sa huli niyang sinabi ay nilukob ng kaba ang puso ko. "You don't understand, Dad! You've called it off, but at least, let me talk to Hell!" Sa bawat minutong lumilipas ay nauubos na rin ang pag-asang maabutan ko siya, pati rin ang pag-asang magkita kami ulit.

"Mahirap bang intindihin ang sinabi ko? Ano ang hindi mo maintindihan sa kailanman ay hindi ka na babalik doon? You will stay here, and you will never see the Laurettes again!"

Daddy towered over me, his voice howled in the dining area. It was all I can hear, it's as if he's broadening the line between us. I'm just his daughter, and he has the power over me.  With that, I feel swayed. Dad looked sharply at me, it's the first time he looked at me like this.

"Daddy, you can't deprive Hell Laurette from me. It was his parents' fault, it's not his. Why are you forbidding me to see him again?" He shook his head with disbelief as he let out a long, deep sigh. "May bumubulong po sa 'kin na kanya ka talaga galit. Bakit, Daddy? Hindi naman po niya ako sinaktan. Nahirapan siya, pero kailanman ay hindi naman niya ipinasa sa akin."

Forever Agape [FS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon