UNSTABLE

2K 87 19
                                    

C h a p t e r   6

I don't want to hear another word from him. Tumuloy ako sa kusina at padabog na hinila ang mga listahan. Lumabas ako at kinuha ang bag ni Seriana sa sofa, isinabit ko iyon sa aking balikat at dire-diretsong lumabas ng maindoor. Hindi ko siya pinaunlakan ng tingin, para itong naging hangin sa akin.

Sa isang banda, ramdam ko naman ang kanyang pagsunod sa akin, pinatunog niya ang sasakyan at malaya kong nabuksan iyon.

Inilagay ko ang bag sa backseat at pumasok sa tabi ng driver's seat. Mula sa salamin ay nakita kong ipinaupo niya rin ang bata roon at ikinabit ang seatbelt. Wala kaming babyseat, I suddenly feel sorry for the child. Baka hindi ito kumportable sa lagay niya ngayon.

He went inside and started the engine, sa harap lang ang tingin ko at hindi siya kinibo. Umandar ang sasakyan at katahimikan ang bumalot sa amin. Ramdam ko pa rin ang init ng kanyang palad sa aking baywang, hindi yata ako titigilan ng pakiramdam na iyon.

As we reached the supermarket, just like what he said, he's taking care of Seriana. He carried her while I carry her bag, siya rin ang nagtutulak ng cart habang ako ay nakatingin lang sa listahan.

"Kuya, I want that!" She call him Kuya while she called me Mom? That's frustrating!Sinundan ko ang itinuturo ng bata, it's a jar of chocolates. Nagkatinginan kami ni Hell, ngunit kaagad akong nag-iwas.

"Ah..." He's obviously out of words.

"No." Mabilis kong sabi, ngumiti ako sa bata at umiling pa. Sumimangot ito at isinubo na lang ang mamador. "That's not good for a baby like you..." I added, nagpatuloy ako sa pagkuha ng mga crackers at hindi na lang pinansin ang pag-ingit nito.

Di kalaunan, ibinaba ni Hell sa upuan ng cart si Seriana. Nakarating kami sa meat section, tinignan ko ang listahan at inisa-isa iyon sa butcher. Ito na lang ang huli naming bibilhin at makakauwi na.

"Pork's loin and belly, Beef's chuck and sirloin." Tinanong niya kung ilang kilo at sinabi kong tag-iisa lang, kasya na iyon para sa isang linggo. Sobra pa!

"What about seafoods?" Rinig kong sabi ng aking kasama habang naghihintay kami.

"Wala sa list ko," Maigsi kong sabi.

"Hindi naman kailangang lahat ay nasa list mo." Matalim akong napatingin sa kanya, nagtaas ito ng kilay at lumakad papunta sa kabilang section ng market. Nakatingin lang ako kanya habang nakikipag-usap ito sa babaeng namamahala roon.

Nangingiti pa ang babae habang si Hell ay nakatingin lang sa mga seafoods.

"Babaero," Bulong ko. Ilang sandali lang iniabot niya ang isang card, black fucking card, and the lady swiped it. Bumalik si Hell na dala ang mga pinamili, inilagay niya iyon sa cart at sandali kaming nagkatinginan.

"Ano ang mga 'yan?" Tanong ko.

"Mussels, shrimps, squids..." Aniya. Ngumuso siya sa aking likod at napatingin ako sa butcher, ngumiti ako at kinuha na ang nakaplastik na laman. Iniabot ni Hell ang card and nang maibalik sa kanya ay tumulak na kami.

"Babaero... Babaero... Babaero..." Halos maestatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig na kinakanta ni Seriana ang sinabi ko kanina. Napatingin ako sa kanya at ganoon din si Hell. "Babaero..." Pag-uulit niya pa, maarte ang kanyang accent!

"Don't say that, Seriana. That's a bad word." Palihim akong umirap at tumuloy sa paglalakad. "Who taught you that?" Sa kanyang boses ay ramdam kong pinagdududahan niya na ako.

"Mommy!" Buti na lang, hindi ako 'yon! Hindi naman ako ang Nanay niya.

"Hurricane," Nanlaki ang aking mata at nag-aalangang tumingin kay Hell. "Ikaw ang itinuro niya." Napakagat ako sa aking labi, tumingin ako kay Seriana at umiling ngunit tumango tango pa ito. Hinding hindi kita bibilhan ng chocolate!

Forever Agape [FS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon