C h a p t e r 16
Mahabang katahimikan ang isinagot ko sa kanya, ramdam ko ang intesidad sa kanyang titig ngunit hindi ko pinabulaanan iyon ng pansin.
"Can you accompany me upstairs? Gusto ko nang maligo at magbihis..." Pag-iiba ko ng usapan, inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok ngunit hinayaan pa ring bumagsak sa gilid ng aking noo ang maliliit na hibla nito.
"Sure," Maiksi nitong sagot. Tumayo na ako at binitiwan ang tasa, ibinalot naman niya ang sarili sa twalyang ibinigay ko.
Nanatili kaming tahimik, tanging ang aming mga yapak lang ang maririnig sa tahimik na pangalawang palapag. Nahagip pa ng aking tingin ang korihidor kung saan matatagpuan ang silid ng mga espada, I just looked away after remembering what happened earlier.
Tumigil kami sa isang pinto, binuksan niya iyon para sa akin. Sumilip ako roon at agad na ibinalik ang tingin sa kanya, he raised his brows and look inside too.
"Madilim," Ani ko. He extended his arms as he turned on the lights, ngunit nanatili pa rin ito sa labas. "You should... Come inside."
"No," Nag-iwas ako ng tingin sa mabilis nitong sagot.
Tinanaw ko ang kabuuan ng kwarto, nakita ko nga sa ibabaw ng kama ang aming mga dalang gamit. This is his room, ang kabilang silid naman ang aking tutulugan. Looking at it, with its ancient yet classic design, I can't help but to think about Proserpine Laurette.
Baka habang naliligo ako ay sakalin niya ako dahil sa ginawa ko sa kanyang anak.
"Are you scared?" Hindi ako nagdalawang isip na tumango. "I'll wait here..." Kahit na gusto kong sa loob siya maghintay, alam kong hindi kakayanin ng pride ko na ulitin pa sa kanya ang aking hiling kanina.
"Okay..." I went inside with all my might.
Hindi niya isinara ang pinto, ibinukas niya pa iyon ng todo at inihilig ang sarili sa hamba nito. Kinuha ko ang aking gamit at muling tumingi sa kanya, kaya niya naman sigurong tumakbo kapag sumigaw ako, hindi ba?
Pumasok na ako sa loob ng banyo at isinara rin ang pinto. Malaki iyon kumpara sa banyo sa bahay, whoever led the renovation of this mansion, kudos. Maganda ang napili niyang kulay, it's more beautiful if it's just pure puti. Mas magaan sa pakiramdam.
Ibinaba ko ang gamit sa sink at tinignan ang sariling repleksyon sa salamin, ang dugyot ko palang tignan. I didn't even fix my hair the whole day. I untied my hair as I went in the shower area, wala na akong kahit na anong saplot at hinayaan ko lang na tumulo ang malamig na tubig sa aking katawan.
Akala ko ay ang mukha ng ina ng tahanan na ito ang gagambala sa akin ngunit hindi pala, tanging ang mukha ni Hell ang pumuno sa aking isipan habang nililinis ko ang sarili.
Kung paano tumaas ang gilid ng kanyang labi, kung paano pumungay ang mga mata nito. Kung sa paano niya ako tignan at kung sa paano niya ako hawakan, sa baywang at sa kamay. Ang hininga niya sa aking leeg, at ang bulong niyang kayang pumatay. Mariin akong napapikit, umiling ako at pinatay na ang shower.
"Huwag kang tanga. You're becoming dumb and dumb each and every other day..."
Ngunit nang ibulong ko iyon sa sarili ay tila ginambala rin ako ng boses ni Sari. Aren't we all ready to be a fool for... No.
Binihisan ko na ang sarili, sa loob ng banyo ako nag-ayos. Sandali ko pang nilabhan ang aking undergarments at ang mga ginamit na damit kanina, kung sakali na gusto ko pang maligo bukas ay may gagamitin ako. Isang pamalit lang kasi ang naidala ko, I didn't know that we'll stay here overnight. Isinabit ko iyon sa mga available na hanger.
BINABASA MO ANG
Forever Agape [FS#1]
RomanceForever Series 1/4 Hurricane, a 17 year-old lady from a prominent family in the field of business was arranged in a marriage with Hell. No, I am not exaggerating it, his name is Hell. A nerve-wracking man, whose heart is nowhere to be found. Eventua...
![Forever Agape [FS#1]](https://img.wattpad.com/cover/106656630-64-k310797.jpg)