C h a p t e r 30
Hindi ako nakagalaw nang makita ang mga pulis, hinapit ako ni Hell palapit sa kanya at hindi binitiwan. Huminga ako nang malalim at pinulot ang coat, tinulungan ako niya pa akong isuot iyon. I looked up to him only to realize that he's already staring at me.
"Anong nangyari rito?" Tanong ng awtoridad, agad na lumapit ang lola ni Chacha. Sandali niyang kinausap ang mga pulis, kita ko pang tinitignan nila kami. "Kung ganoon, galing sa magkaibang eskwelahan 'tong mga 'to?" He continued.
"Boss, heto ang mga nauna!" Turo ng babae na katabi ko kanina sa pila. "Aba'y tinutulak kami, iyon naman pala'y may balak na." She added. Some agreed while Hell and I stayed in silence. Marahan niyang pinapagpag ang likod ng coat ko, mukhang walang pakialam sa nangyayari.
Tumingin sa amin ang pulis. "Idadala namin kayo sa presinto, magpasundo kayo sa mga magulang niyo." Nanlaki ang aking mata sa narinig. "Mga menor de edad pa kayo, hindi ba? Naka-uniporme pa, at sa pangpublikong lugar pa talaga kayo nag-away. Paano kung may nadamay na iba?"
"Baka pong pwedeng dito na lang natin pag-usapan?" Pakiusap ng Nanay, hindi sumagot ang pulis at sumenyas sa mga kasama.
"Isakay niyo sa mobile," Utos niya, kinuha ni Hell ang kamay ko, tahimik kaming lumakad papunta sa sasakyan ng mga pulis. Nahagip pa ng mata ko ang gulat sa mga mukha nila, akala ba nila ay tatakbo kami?
Pumasok kami sa pick-up, tanaw ko mula sa labas na nahihirapan silang isama ang lalaki at ang mga kaibigan nito. Nang hawakan ni Hell ang pisngi ko ay kaagad niyang naagaw ang atensyon ko. Habang tinitignan niya ang bawat sulok ng mukha ko ay nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya. Napuruhan din ito kanina, mapula na ang parte ng pisngi na iyon.
"Saan ka hinawakan?" Tanong niya, hindi ko iyon pinansin at hinipo ang parte ng mukha niyang iyon. Mapula, hindi ako magtatakang bukas ay medyo maitim na iyon.
"Masakit?" Tanong ko, inilag niya ang mukha sa akin kaya ibinaba ko na lang ang kamay.
"Saan ka hinawakan?" Madiin niyang tanong, bumaba ang tingin ko sa binti at itinuro iyon.
"His touch went up. He looks at my chest..." Bulong ko. Napasinghap siya at ipinikit ang mata. Tila ba hindi matanggap ang nangyari. Hindi ko sinasabing ayos lang sa akin pero sapat nang napuruhan ang manyak na iyon. It's a relief that cops came to, justice will be serve.
Natigil ang pag-uusap namin nang pumasok ang dalawang pulis. Sa kabilang mobile raw isinakay ang iba dahil masikip na rito, hindi kalaunan ay umandar na ang sasakyan. He took his phone from his pocket, he started typing something and he didn't even let me see it. Nagbuntong hininga na lang ako at tumingin sa labas.
Hindi kami nagtagal sa gitna ng daan dahil madali kaming nakarating sa istasyon nila. Nang pumasok nga kami ay abot ang tingin ng mga tao, sigurado akong hinuhusgahan na nila kami sa utak nila. Basag ulo, pabaya ang magulang, kulang sa atensyon, walang delekadesa, at marami pang iba.
"Tumawag kayo sa mga magulang niyo," Ani isang pulis nang makaupo kami sa kahoy na bench. Ang manyak at mga kaibigan nito ay nakaharap sa amin, matalim ang titig ko sa kanya habang taliwas naman ang tingin nito.
"Bahala kayo, magpalipas kayo ng gabi dito." Pananakot pa ng isa, napatingin siya sa akin ngunit bumalik din ang tingin sa manyak. "At babae pa ang gaganyan sa mukha mo?" May panunuya pa sa boses nito. "Dapat talagang malaman ng magulang mo, baka tumaliwas ka ng landas kapag ganyan ang ugali mo..." Pakiramdam ko ay hepe nila ang nasa harap namin ngayon.
BINABASA MO ANG
Forever Agape [FS#1]
RomanceForever Series 1/4 Hurricane, a 17 year-old lady from a prominent family in the field of business was arranged in a marriage with Hell. No, I am not exaggerating it, his name is Hell. A nerve-wracking man, whose heart is nowhere to be found. Eventua...