SPACE IN BETWEEN

1.3K 59 8
                                    

C h a p te r  20

Nang ibaba ko na ang hawak na gunting ay muli kong inayos ang kanyang buhok. Ang mga hiblang nagupit ko ay nahulog sa ibaba, ako na lang ang maglilinis niyan mamaya.

He looked at himself in front of the mirror, I twisted my body so I can take a look too. Ngunit imbis na pagmasdan ang kanyang buhok ay bumaba ang mata ko sa aming posisyon ngayon.

Him, half naked, in front of me. His hands rested on both of my sides, occupying the space between my legs. Walang pinatawad na espasyo ang aming katawan, at sa segundong iyon ay tila naubusan ako ng hininga. It was... Intimidating.

"You can go out now, I'll take a bath."

"Thank you," Nagkatinginan kami sa harap ng salamin at tipid lang akong ngumiti.

Lumabas ito katulad ng aking sinabi at doon lang ako nakahinga nang maluwag. Ibinaba ko ang sarili at kaagad na isinara ang pinto, nang sumandal ako roon ay nakita ko ang repleksyon sa salamin. Ang imahe naming dalawa kanina ang agad na nakita ko, in an instant, I feel sweaty.

Pinaypayan ko ang sarili at sinimulan nang hubarin ang damit, pumasok ako sa shower matapos iyon. I let the droplets of water fall down from my head to my body, natanaw ko ang bodywash ni Hell at tila may bumulong sa akin. I turned off the shower as I reached for it, binuksan ko iyon at inamoy. God, I feel like Hell's here.

"Screw you, Hurricane!" Impit na sigaw ko sa sarili.

Kinuha ko ang akin at nagsimula nang linisin ang bawat parte ng katawan. After taking a bath, I wrapped myself with my towel and went outside the bathroom. Hell's probably outside now. I wore a pair of pajamas and fix myself in front of the mirror.

I went downstairs after doing my thing. Our home is in its usual tranquility, the silence is peaceful and enduring. I went straight to the living room, he was there too. Nag-angat ito ng tingin sa akin, he stopped beaming at his phone and looked at me. I sat on the single sofa, just in front of him.

I disregarded the idea of sitting beside him, naalala ko pa lang kung gaano kami kalapit sa isa't isa kanina at kung paano magtama ang aming balat ay halos mawasak na ang buong sistema ko.

"It's raining," Bulong ko at ipinatong rin ang dalawang paa sa sofa, niyakap ko ang sarili habang ang mga mata ay nasa labas lang.

Mahina lang ang ulan, katamtaman lang ang pagbuhos nito at sapat lang para madiligan ang mga hibiscus sa labas. The heaven is doing Hell's job for him, watering the plants actually became his past time.

"Coffee?" Rinig kong tanong nito, mabilis na lumipad sa kanya ang tingin at tumango ako bilang pagsagot.

Pinanood ko siyang tumayo at lumakad na papunta sa kusina, sa gilid ng aking mata ay sinundan ko siya ng tingin. White shirt, gray sweatshort, and his birkenstock. He looks good with such simplicity. I lose track of how many seconds was he gone, but I know it didn't took him too long to come back.

Ibinaba niya ang dalawang tasa sa lamesita, doon napunta ang atensyon ko. Tila inaakit ako ng amoy na iyon, hinalo niya iyon bago tuluyang ibigay sa akin. Nag-angat ako ng tingin at ngumiti sa kanya, tinanggap ko iyon at nilukob ng dalawang malalamig na palad.

"Wine would be fine, dapat pala ay iyan ang sinabi ko sa 'yo..." Bulong ko, narinig ko ang mahina niyang pagtawa at nakita ko pa kung paano iyon naging isang maliit na ngiti.

"You're still young,"

"You are, too." Mabilis kong sumbat at wala siyang nagawa kung hindi umiling na lang.

Sa pag-aakala kong babalik siya sa kanyang pinanggalingang sofa kanina ay nagkamali ako. Sa halip, walang kahirap-hirap niyang binuhat ang isang single sofa at ibinaba iyon sa aking tabi. Sa isang iglap, ang distansya na gusto kong panitilihin sa pagitan naming dalawa ay biglang nawala.

Forever Agape [FS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon