INSANITY

1.5K 68 51
                                    

C h a p t e r 12

"We used the three-point inoculation process wherein in a one petri dish, there is three-point of subtilis surrounding the dot of e coli." Umayos ako ng upo at pinaglaruan ang ballpen sa kamay, mabilis ang proseso ng aking utak na parang hindi si Hurricane. It was something, pride maybe.

"What's the food of the bacteria?"

"The petri dish has agar that serves as the food," Tumigil ako sa paglalaro kasabay nang pag-angat ng aking labi.

"What made you pursue this topic?" Akmang sasagot ni Hell nang itaas ko ang kamay, I pointed out his groupmates that are just in silence while we are debating. "If I may ask, you two?"

"Hindi po nabibigyan-"

"English, please." Mabilis kong putol, Sharmainea cleared her throat and looked directly at me. I mean, hindi below the belt iyon! It's a must when you're in front, lalo na at research defense ito!

Sinagot niya ang tanong ko. Katulad ng aking pagkakaintindi, ganoon niya rin binanggit sa harap ng mga panel iyon. Matapos niyang sagutin ang tanong ko ay tumango na lang ako at nginitian siya, sa wakas ay may ambag na siya sa research! Other panels began asking questions too, pero parang pinaikot lang nila ang ibang tanong.

Tumayo ang mga panel at ganoon din ako, we clapped our hands for the first group. It took them more than one hour, and I think it's very exhausting. Kinamayan ng mga panel ang presentors, nang makarating si Hell sa tapat ko ay agad itong ngumiti.

"You didn't tell me you'll be here, you did it on purpose?" He asked. I rolled my eyes and laugh a little. They took some photos, and then they gave a ten minutes break. Inayos ko ang inupuan at kinolekta naman nila ang papel na ibinigay sa akin.

Tinignan ko si Hell, tapos niya nang ayusin ang mga gamit.

"Akala ko ay itatanong mo kung mahal ka ba!" Biro ni Sir De Ramos kaya naman natawa ang ibang panel. "Baka humantong sa break up..." He continued.

"That's a good one, you never disappoint Miss De Vera." Ani isang panel, ngumiti naman ako at nagpasalamat. Ni hindi ko nga nagalaw ang tubig na nasa harapan!

Tinanaw ko si Hell, tapos na niyang ayusin ang mga gamit. Nagpaalam na ako sa mga panel, dismayado raw ang mga ito dahil akala nila ay hanggang hapon ako rito.

Habang abala ang lahat sa pag-aayos, ang mga panel naman ay nag-uusap usap na, nakita ko sa gilid ng aking mata ang paglapit ni Hell. Tumingin ako sa kanya at hinintay itong tuluyang makalapit.

"Ang galing naman pala ng best researcher," I teased, napangiwi ito at umiling na lang.

Marahan niyang inilagay ang kamay paikot sa aking balikat, tuluyan akong napalapit sa kanya dahil doon. Ramdam ko ang kanyang dibdib sa aking katawan, my hand snaked around his waist as I looked up to see him. Are we playing with the people right now? Is this part of the fake concealment too? Hindi ko rin alam, what I know is, my soul is at peace right now.

And if playing with them means achieving peace, I'd like to play more, Hell. To play until we both get fed up until I finally ruin this. Aren't we all ready to be a fool for love? No, Sari. Not all of us, because I'm not.

"Gutom na ako," Bulong ko, natawa ito at di kalaunan ay naging isang matamis na ngiti.

"Why? You should've eaten before coming here, sina Aleana?" Umiling ako.

Forever Agape [FS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon