HYPOCRISY

1.5K 71 23
                                    

C h a p t e r  13

Hindi na nakapagsalitang muli ang aking ina nang dumating na sina Hell, bumaba ang tingin ko sa hawak nitong baso na ngayon ay wala ng laman. Well, he's in a legal age, he can drink all of the wines in the world and I won't mind.

"Shall we go, Aeryn? Malalim na ang gabi..."

"Hmm, you're right." Ibinaba ni Mommy ang baso sa coffee table, makahulugan siyang tumingin sa akin at tipid na ngumiti. I know, she will never give up. There's only an ounce of hope, that maybe, I can ruin this.

"Hell, Hurricane, we will go now. The dine is good! Bumisita rin kayo sa bahay, we'll stay here in the Philippines for a couple of weeks so I'm expecting you to come."

"We will be, Tito. Hurricane planned to visit too..." Hell answered.

Hindi na rin sila nagtagal hanggang sa nagpasya na silang umuwi, hinatid namin sila hanggang sa maindoor at pinanood na sumakay sa kanilang sasakyan. Ilang sandali pa ay nawala na ang kanilang lulan sa aming mata.

Napatingin ako kay Hell at agad namang nagtama ang ang aming mata. Mukhang walang nangyari sa kanya, hindi man lang ito namula o walang bakas ng antok sa mga mata nito. Mukha namang hindi marami ang kanyang nainom, but then, baka mataas ang alcohol level ng wine na iyon!

"You should sleep, ako na ang bahala rito."

"I'm all good, Hurricane." Mabilis niyang depensa.

Isinara ko na ang maindoor, lumakad ako papunta sa kusina habang siya naman ay kinuha ang mga baso sa sala. Ibinaba niya iyon sa sink, ang mga nasa hapag naman ay inilagay ko na rin doon.

"Anong pinag-usapan niyo ni Daddy?" Tinignan lang ako nito imbis na sagutin ang aking tanong. Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa, ngayon ay mas lalo akong nausisa doon.

Inabot niya ang isang apron at kaagad na lumapit sa akin. Sa isang iglap ay nawala ang pagitan sa aming dalawa, isinuot niya sa aking leeg ang apron at marahan pang inilagay ang aking buhok sa likod ng aking balikat. Hindi ako makahinga nang maayos, iwas ang aking tingin habang hinahayaan ko siyang gawin iyon.

Di kalaunan, ang dalawa niyang kamay ay lumusot sa pagitan ng aking braso at baywang. Para bang nakayakap na ito, is he that drunk? Tumaas ang balahibo ko habang itinatali niya iyon, sobrang lapit niya sa akin. I can even smell him, I can even fucking feel his warm body and my system is fucked up!

Humigpit ang kapit ko sa aking damit nang tuluyan siyang matapos, he smiled a little as he stepped backwards.

"Hmm, puti ang damit mo. I'll be here for awhile while you're washing the dishes." Napalunok ako at tumango, tumalikod ako sa kanya.

Hindi ako makahinga nang maayos, para bang may bumabara sa airways ko. I feel the trembling of my knees, parang gusto ko na lang na mapaupo dahil sa panlalambot.

I did my job while we were both quiet, tanging  ang pagtatama ng plato at baso lang ang maririnig. Still, he didn't answer my question and that made me more bothered.

Sandali ko siyang tinanaw, nakasandal ito sa upuan habang nakatingala. Pikit ang mga mata nito at malalim ang paghinga, bumaba ang tingin ko sa kanyang adams apple, Lord please, how can a human be this beautiful?

Forever Agape [FS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon