ROCK BOTTOM

1K 49 25
                                    

C h a p t e r  40

Hindi tutulo ang luha, hindi ako iiyak. "...Ikaw mismo ang naunang umalis!" Ngunit, traydor talaga ang puso. Namuo ang luha sa gilid ng aking mata, at kahit anong kagustuhan kong talikuran siya'y hindi ko magawa. Tila naging bato ako, katulad ng Acropolis.

"I don't want you here. I didn't even call you, I didn't call for your saving because truth to be told, there's no one to be saved. But why? Why did you come all the way here? To pull another goddamn stunt because my loving parents asked you? Umuwi ka na, ikaw ang dapat umuwi, Hell!" Please, go back home because everything will be fuck if my Mom and Dad knew that I'm with you.

"Gusto kong mag-usap tayo," Alam ng Diyos na iyon din ang gusto ko, simula pa lang.

Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang palihim na senyas ni Henry kay Hell, hindi rin nakatakas sa aking mata ang dahan-dahang pagtango ng isa. Humakbang na sila at hindi ako tinanaw, saktong pagbaling ko sa kanila ay ang pagtalikod naman ng mga ito. Niyaya na ni Henry ang dalawa pababa, at mukhang naintindihan na nila ang ibig nitong sabihin.

"Sari, hintayin niyo ako!" Sigaw ko sa ngunit huli na. Halos tumkabo pababa ang tatlo, at hindi ako nilingon. Bumaling ako kay Hell at napailing. "You ruined it," Ngitngit ko.

Humakbang ako palayo sa kanya, sinubukan niya pang abutin ang pulsuan ko ngunit hindi ko hinayaang mahawakan niya ako ulit. "You should leave, Hell." Mahina kong sabi, ngunit mabilis siyang umiling. "Umalis ka at iwanan mo ulit ako!" Lumapit ako sa kanya't itinulak ang dibdib nito. Umatras siya't habang ako'y umuusad pasulong. Paulit-ulit, palakas nang palakas. Ngunit, hindi niya ako pinigilan.

Ang bawat hampas ko sa kanyang dibdib ay tila sinabayan din ng paghampas ng alon sa bangin ng batong aming kinatatayuan. Hindi ko namalayang halos narating na namin ang sa dulo. Hindi na mabilang kung ilang beses na tumama ang palad ko sa kanyang dibdib, palakas nang palakas hanggang sa ramdam ko na rin ang hapdi.

"Hurricane," Tawag niya sa akin. "Tama na,"

"Paanong tama na, Hell?" Halos isang dasal na ulas ko.

Mahapdi na ang aking palad, pati ang aking mata. Tumulo na ang luha, tinanggap ko sa sariling bumagsak na ang mga ito. Yumuko ako at napatakip na lang sa bibig, handa na akong tumalikod upang makalayo sa kanya nang sa isang iglap lang ay nahawakan niya na ang pulsuan ko.

Iniharap niya ako sa kanya, ngunit hindi ako nag-angat ng tingin. "Dito ka muna," Mahina niyang pakiusap, para bang nanunuyo. "Dito muna tayo," Boses pa lang, nakakapanghina na. Paano kung mag-angat pa ako ng tingin, Baka hindi ko kayanin, baka maubos na ang lakas na inipon ko at mapaupo na lang dahil sa panghihina.

Hinawakan niya ang aking siko at marahang iginiya papunta sa kanya, hindi ko hinayaang makita niya akong lumuluha kaya agad kong pinunasan ang pisngi. Ibinaling ko ang tingin sa asul karagatan habang pinigilan ang sarili na mag-angat ng tingin sa kanya.

"Gusto kong mag-usap tayo," Mahina niyang sabi, napakagat ako sa pang-ibabang labi at marahang tumango. Binawi ko ang sarili sa kanya at maluwag niya na akong binitiwan.

"Pagkatapos nating mag-usap, umuwi kang mag-isa." Kung uuwi ako kasama niya, baka isipin nilang kasama ko siyang tumakas, na tinawagan ko siya para itakas ako. Kahit pa nakita ni Manang Leonides na sina Sari ang kasama kong umalis, sigurado akong iisipin pa rin nilang kinita ko si Hell. Iisipin nila ang lahat ng dahilan upang totohanin ang banta nila sa akin.

"Kung galit ka sa akin..." Bumaba ang haplos niya sa aking kamay, dahan-dahan niya nang nilukob ang bawat espasyo ng daliri ko at sa isang ulos lamang ng hininga'y matagumpay niya nang naangkin iyon. "Hindi kita sisisihin dahil naiintindihan ko,"

Forever Agape [FS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon